Login via

In A Town We Both Call Home novel Chapter 15

“THANK you not just for tonight, Tim. But for everything.”

Ngumiti si Timothy kay Lea nang makita ang sincerity sa mga mata nito. Kahit kailan talaga ay napakadali nitong basahin. Marahang hinila niya ang dalaga palapit sa kanya at hinagkan sa noo.

Bago niya nakilala si Lea ay wala siyang ginusto na hindi niya nakuha. Sa bawat gagawin niya ay sinisiguro niyang nananalo siya. Na nagtatagumpay siya. Ganoon rin pagdating sa babae. Kapag may nagugustuhan siya ay nakukuha niya. Wala siyang pakialam sa kung paano mang paraan makuha ang gusto. Ang mahalaga ay makuha niya.

But meeting Lea changed him. At kusa niyang niyakap ang mga pagbabagong dinala nito sa buhay niya. Ito ang nag-iisang babaeng hindi niya nakuha. Hindi na siya gumawa ng paraan para makuha ito. Dahil duda siya kung… magpapakuha nga ba ito. Nakuntento na siyang maging sandalan ni Lea sa pagdaan ng panahon. Nakuntento na siya sa kung ano ang kaya nitong ibigay. For the first time, he didn’t care about his ego, his heart, or his self. All that mattered to him was the happiness of this very beautiful lady in front of him.

Yes, she was very beautiful. If only Jake would see that.

Hindi gaya ng inaakala ni Lea ay si Timothy ang mas natututo rito. Siya ang natuturuan nito. Sa pagdating nito ay mas nagawa niyang pahalagahan ang salitang pagmamahal. Noong una ay inakala niya pang dala lang ng simpatya kaya niya inilapit ang sarili rito. Dahil unang paglabas pa lang nila ay natuklasan niya nang iba ang itinitibok ng puso nito.

Nang si Timothy pa ang nagkataong maging doktor ni Lea, dapat ay iniwasan niya na ito. Because she scared him. She made him feel more than compassion towards his patients. Pero hindi niya napigilan ang lumapit rito. Dahil hindi niya kayang makitang nag-iisa ito. All he knew back then was that he needed to be there for her. But that need turned out to be something he never expected.

He fell in love with her.

Sampung taon na rin simula nang mahalin ni Timothy si Lea. Masaya ba siya? Oo. Masaya siyang natutulungan ito. Masaya siyang siya ang nasasandalan nito. Masaya siyang nakikinig rito. Masaya siyang nagmamahal rito. Nawawala lang ang saya na iyon sa tuwing nakikita niyang nasasaktan ito. Sa tuwing mas lumalamang ang kagustuhan niyang sugurin si Jake at suntukin kapag umiiyak na ang dalaga.

Nakuntento na si Timothy na manahimik. He stayed by her side for years. Wala siyang hininging kapalit. Ang mga pagpapayo niya pa nga ay may kinalaman lahat sa pagkakaayos ng pamilya ni Lea. Dahil gusto niyang matupad ang pangarap nito at ni Janna na para niya na ring tunay na anak. Gusto niyang mabuo ang pamilya ng mga ito. Dahil napakahirap na unahin ang sarili niyang kagustuhan, ang sarili niyang nararamdaman pagdating sa mag-ina, sa mag-inang kung tumitig sa kanya ay para bang napakabuti niyang tao. Kaya naman ginusto niyang panindigan iyon: ang pagiging mabuti.

Dahil ang pagmamahal na totoo, na-realize ni Timothy, ay nagbibigay. Hindi pala iyon give and take. Dahil hindi ito nag-iisip ng anumang matatanggap. It’s give and give. At kung mabigyan ka rin o makatanggap ka rin sa dulo, bonus na lang siguro iyon.

“May you be loved this time, Lea.” Pabulong niyang sinabi. “Because you deserve it so much.”

Ngumiti lang ang dalaga bago nagpaalam na sa kanya. Pumasok na ito sa gate. Palapit na sana siya sa kotse niya nang mapansin niya si Jake na palapit rin sa kanya. Gaya nang dati ay makulimlim ang anyo nito. At magandang sign iyon kahit paano para sa kanya.

“Mukhang napapadalas na ang pagdalaw mo rito, pare. Pero hindi naman na kailangan. Dahil nandito na ako. Nandito naman ako.”

Ngumiti si Timothy kahit ang una niya sanang gustong gawin ay suntukin ang lalaki. “Don’t ever make Lea feel lonely again, Jake. Dahil isang-isa na lang, eeksena na ako. At hindi ako nagbibiro.”

Nagtagis ang mga bagang nito. “Pinagbabantaan mo ba ako?”

“Of course not. Sa maniwala ka man o sa hindi pero gusto kong maayos n’yo ang pamilya n’yo. As Lea’s most trusted friend and as someone who stayed by her side for the past ten years, I’m giving you another chance to make things right.” Tinapik ni Timothy si Jake sa balikat bago niya ito nilampasan. “Bihira akong magbigay ng pagkakataon. Kaya sana ‘wag mong sayangin.”

“Damn you.” Narinig niyang sinabi ni Jake nang pasakay na sana siya sa kotse.

Nilingon niya ito. “You can curse me all you want and I don’t mind. I’ve been doing that to you for ten years anyway.”

Comments

The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home