“ILANG linggo ko na rin ‘tong iniisip. I could’ve fought for Diana. But I didn’t. Before she came to me at Janna’s hospital room, a part of me was already prepared to let her go. At sa araw-araw na nakikita ko kayo ng anak ko, napapatanong ako sa sarili ko. Nagsisisi ba akong hindi natuloy ang kasal? I would look at you and then at Janna and my heart would immediately say no. Nasaktan ako at aaminin kong nasasaktan pa rin ako pero hindi ako nagsisisi, Lea. I don’t regret being with you and our daughter now. I can’t possibly regret something that is making me happy.”
Nag-init ang mga mata ni Lea lalo na nang mabakas ang katotohanan sa mga mata ni Jake. Sa liwanag na nagmumula sa poste hindi kalayuan sa kanila ay hindi nakaligtas sa kanya ang pamamasa rin ng mga mata nito. Tumagilid ito sa kanya at inabot ang mga kamay niya. Marahan nitong hinagkan ang mga iyon.
“Jake…”
“I miss you, you know. Terribly. Araw-araw ko na yata ‘tong sinasabi sa ‘yo.” Bahagyang natawa ang binata. “Dahil araw-araw kahit kasama kita, nami-miss kita. Hindi kita maabot kahit na anong gawin ko. I miss the way you call me like that. I miss the way you look at me, the way you smile at me. I miss everything about you. Lea, pwede bang… pwede bang magsimula tayo ulit? Ayusin pa natin ito. There could still be hope.”
Lumuluhang napatango si Lea. “I miss you, too, Jake. I miss you so much. And yes, there could still be hope, after all.”
Agad na niyakap siya ng binata na sa pagkakataong iyon ay ginantihan niya rin ng mahigpit ring yakap. Napatingala siya sa kalangitan kasabay ng matamis na pagngiti.
Mabubuo na ang pamilya niya. Sa wakas.
MASAYANG pinagmasdan ni Lea ang kanyang mag-ama na kasalukuyang naglalaro sa swimming pool. Gumuhit ang kuntentong ngiti sa mga labi niya nang marinig ang malakas na pagtili ng anak na nakikipagsabuyan ng tubig sa ama nito. Pero hindi nagtagal ay sa kanya naman tumutok ang mga mata ng mga ito.
Napaatras si Lea nang makita ang halos sabay na pag-ahon ng mag-ama. Parehong may malokong kislap sa mga mata ng mga ito. Natatawang napailing siya nang lumapit ang mga ito sa kanya. Itinuro niya ang iniihaw na karne. “Mamaya na ako. Tatapusin ko na muna ‘to.”
Tinawag ni Jake ang kasambahay nila at binilinang ito na ang mag-ihaw.
“But I want to personally do that-“
“Oh, come on, Lea. You have all the time in the world to grill for us.” Natatawang sinabi pa ni Jake bago siya nito biglang binuhat. Natatawa ring napatili siya nang mabilis na nanakbo ito papunta sa swimming pool kasabay ng pagtalon nito habang buhat pa rin siya. Narinig niya ang malakas na pag-cheer pa sa kanila ng anak.
Nang makaahon sa tubig ay sandali pang nasilaw si Lea sa flash ng camera ni Janna na sunod-sunod ang naging pagkuha sa kanila ng picture ng ama nito. Naiiling na napangiti siya kasabay ng paglingon kay Jake na nahuli niyang nakatitig sa kanya. There was fire in his eyes. And God… she couldn’t believe how much she yearned for that fire. Dahil napakatagal na simula nang una at huling makita niya iyon.
Malakas na napatikhim si Lea. “Jake, I-“
Pero bago pa man siya makapagsalita ay tinawid na nito ang natitirang distansiya sa pagitan nila. Naipikit ni Lea ang mga mata kasabay ng pagsalubong sa maiinit na halik nito. For the first time, he was kissing her and he was aware of it. Hindi na siya nito naipagkamali sa iba. Para sa kanya na talaga ang halik na iyon.
Pumatak ang kanyang mga luha. Jake’s lips will always be the ones she wouldn’t mind kissing forever. She welcomed that kiss. She welcomed passion back in her life.
NAPAHINTO sa pagpasok sa pool area si Timothy nang masalubong niya si Janna na galing naman roon. Bibisitahin niya sana ang mag-ina. At doon siya itinuro ng mga kasambahay. Huminto rin ang bata at mabilis na nagmano sa kanya. Hindi maikakaila ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito.
“Hello there, honey.” Bahagyang ginulo niya ang buhok ni Janna. “You’re glowing. Did something good happen?”
Humagikgik ang bata kasabay ng pagturo nito sa swimming pool. Kumunot ang noo ni Timothy bago sumulyap roon. Natigilan siya nang sa wakas ay matanaw si Lea. Pero hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Jake. They were… kissing.
Mabilis na napatalikod siya. Sa kabila ng paninikip ng dibdib ay humarap siya kay Janna at pilit na ngumiti rito.
“I brought your favorite ube cake. Nasa kitchen na. Magbihis ka muna at saka ka kumain. Pakisabi na lang sa Mommy mo na… dumaan ako.” Hinalikan niya ang bata sa noo bago siya nagmamadali nang lumabas ng bahay ng mga ito.
Nang makarating na sa kotse ay hindi kaagad niya nagawang makapag-drive. Masaya siya para sa mag-ina. Pero nagluluksa siya para sa puso niya. Iba pa rin pala ang epekto na makitang magkasama na ang dalawa. Malakas na tinapik niya ang dibdib.
“Tama na, Timothy. Maayos na sila. Panahon na siguro para ayusin mo na rin ang sarili mo.” Parang baliw na pagkausap niya sa sarili. “They are now happy.” Namasa ang mga mata niya. “That’s all… that matters, right?”
NAIPIKIT ni Lea ang mga mata nang bumagsak sa sahig ang kahuli-hulihang saplot niya. Kasunod niyon ay naramdaman niya ang maingat na pagbuhat sa kanya ni Jake papunta sa kama. Muling pumatak ang kanyang mga luha nang maramdaman ang mumunting halik ng binata sa kanyang noo, sa mga talukap, sa tungki ng kanyang ilong at mga pisngi. Tinuyo nito ang kanyang mga luha kasabay ng mabilis na paghalik sa kanyang mga labi.
“Open your eyes, Lea.” Masuyong bulong nito.
And she did. “I love you, Jake.” Hindi niya napigilang sinabi.
Tatlong buwan. Tatlong buwan na siyang parang sasabog sa saya. Ni hindi niya inakalang posible pala na maging masaya nang ganoon sa piling ni Jake. Bawat araw ay parang bagong simula sa pagitan nilang tatlo ng anak. Marami na silang mga bagay na nagagawa nang magkakasama. Tinupad ni Jake ang mga pangarap niya. May mga pagkakataon pang magkakasama silang nagluluto at nagkukulitan sa kusina pagkatapos ay saka sila magpi-picnic sa labas.
Dalawang buwan na rin ang lumipas mula nang bumalik si Jake sa pagtatrabaho. Pero hindi nabawasan ang oras nito para sa kanilang mag-ina. Naramdaman niyang totoo ngang bumabawi ito. Ito ang naghahatid kay Janna sa eskwela. Pagdating ng hapon ay magkasama na ang dalawa na susundo sa kanya sa opisina.
Sa susunod na linggo ay plano na nilang humarap sa kanyang mga magulang. Finally, she can tell her parents about Jake. Sa susunod na taon ay gusto na rin ng binatang maikasal sila.
“If you love me then why are you crying?”
“I’m just happy.” Simula nang magkasundo sila ni Jake noon ay naging mas open na siya sa nararamdaman para rito. Masaya si Lea na finally ay malaya niya nang nasasabi na mahal niya ito. Kadalasan ay ngumingiti ito sa kanya sa tuwing naririnig iyon. He would look at her with that glitter in his eyes and then he would kiss her as passionately as he could. At kuntento na siya roon. Nakahanda siyang maghintay na matutuhan rin siya nitong mahalin. Sapat na sa kanya ang kaalamang may space na rin siya sa puso nito, gaano man kalaki o kaliit iyon.
“Me, too, Lea. Me, too.” Ani Jake kasabay ng pagngiti nito. Muli ay umabot iyon sa mga mata nito. Hinaplos niya ang mga pisngi ng binata. Siya na ang naunang humalik rito, halik na nauwi sa muling pagsuko niya rito hindi lang ng kanyang sarili kundi ng kanyang buong puso.
“DIANA…”
Natigil sa tangkang paghalik si Lea sa mga labi ni Jake nang marinig ang ibinulong nitong iyon sa gitna ng pagtulog nito. Nanigas siya. Ginusto niyang gisingin ang binata pero hindi niya magawa dahil bigla ay nanginig ang mga daliri niya. Ilang ulit siyang napabuga ng hininga para alisin ang namuong tensiyon sa kanyang dibdib pero wala pa ring nangyari.
“J-Jake,” Namamaos na sinabi ni Lea nang matagpuan ang boses. “N-nagkamali lang ako ng… r-rinig, ‘di ba? We’ve just made love. You can’t possibly be thinking about someone else afterwards. Lea talaga ‘yon, ‘di ba? ‘Yon talaga ang sinabi mo.”
Comments
The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home