Login via

In A Town We Both Call Home novel Chapter 7

“KEEP your legs close together. Bend your knees a bit. Balance your shoulders with your feet movement. Yes, like that. Now, move forward.” Natatawa nang sinabi ni Jake nang sa halip na gumalaw ay nanatiling nakatayo lang si Lea. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. “Come on. Don’t be afraid to fall. Everybody falls. This is your first try. And to fall is inevitable.”

Nasa loob sila ng rink nang gabing iyon sa Somerset House sa London para doon i-celebrate ang pasko at bagong taon kasama ang mga magulang ni Lea. Pero hindi na sumama pa ang mga ito sa paglabas nila ng dalaga para maagang makapagpahinga na sinamantala niya kaya niyaya niya na ito sa lugar na iyon para tuparin ang isa sa mga nakasulat sa wish list nito.

Aksidenteng nasilip ni Jake ang wish list ni Lea sa isa sa mga nagkalat na papel sa mesa sa opisina nito noon pang mga nakaraang linggo. Nangunguna na roon ang maipasyal ang mga magulang nito sa London. Ang lugar na iyon ang natuklasan niyang pinapangarap palang marating ng ina nito. Pangalawa sa nakasulat ay ang masubukan ang makapag-ice skating. Kaya nang pareho na silang makakuha ng leave ni Lea ay sinorpresa niya ito at ang mga magulang nito.

Si Jake na ang kusang naghanda ng kanilang plane tickets. Walang kaso iyon sa kanya dahil pamilya na ang turing niya sa mga Marinduque at alam niyang ganoon rin ang mga ito sa kanya. Ang mga magulang ni Lea ang nagsilbing pangalawang mga magulang niya noong sumakabilang-buhay ang kanyang ama’t ina. Sa tuwing bumibisita ang mga ito sa Maynila ay hindi pwedeng hindi siya puntahan at pasalubungan ng mga ito. Madalas nga ay kasama pa siya sa mga ipinagluluto ni tita Norie, ang ina ni Lea. Talagang may pagmamanahan ang kaibigan niya. Dahil napakabubuting tao ng mga magulang nito.

Walang anumang interes si Jake sa skating pero ilang araw niyang lihim na pinag-aralan ang basic movements niyon noong nasa Pilipinas pa sila. Maaga siyang umaalis ng opisina para doon. Dahil ang gusto niya ay siya na ang mismong magtuturo kay Lea. Gusto niya itong sorpresahin. Siya man ay nahirapan ring pag-aralan iyon kaya kinailangan niya pang magpaturo. Dahil hindi iyon biro.

There was ice and you wore shoes with freaking blades. And the floor was more slippery than he imagined it to be. Sa oras na binitiwan ng trainer noon ang kamay niya ay agad siyang bumagsak na dahilan kung bakit sa kabila ng mga paalala ngayon sa kaibigan ay hindi niya pa rin magawang bitiwan ang mga kamay nito. The worst part of it was getting up without falling down again.

“I feel like a baby learning to walk again.” Natatawa na ring sinabi ni Lea.

“Yeah.” Napatangong sagot ni Jake. “The only difference was that babies aren’t scared of falling down. The first time I did this, I slipped a couple of times. It was very frustrating.”

Nanlaki ang mga mata ni Lea. “So, pinag-aralan mo pala talaga ‘to? Pero bakit?” Nagkibit-balikat lang si Jake bago nagpatuloy sa pag-alalay sa dalaga. Ngumiti ito at inilibot ang paningin sa buong paligid. “Thank you for taking us here, Jake. Hindi naman kailangan pero maraming salamat pa rin lalo na sa pagdadala sa ‘kin rito. Isa ito sa mga nasa wish list ko ngayong pasko.”

Gumanti ng ngiti si Jake. Unti-unti ay sinubukan ni Lea na makasunod sa kanya. Pero hindi nagtagal ay nadulas ito. At dahil magkahawak-kamay sila ay pareho silang bumagsak. Napasinghap ito bago natawa nang malakas pagkaraan ng ilang segundo. Nangingiti uli na pinagmasdan niya ito. Katulad na katulad ito ni Leandra. Napakadaling pasayahin sa mga simpleng bagay.

Mayamaya ay sumeryoso na ang dalaga at humarap sa kanya. “Sabihin mo na. Bakit kami ang kasama mo ngayong pasko at hindi si Trina? May nangyari na naman, ‘di ba?”

Napakamot si Jake sa kanyang batok. Sa mga ganoong pagkakataon ay nahihiling niyang sana ay hindi siya ganoon kakilala ni Lea. Wala siyang maitago rito. He was always naked in front of her. Naked in a sense that she could see right through him. Including all of his thoughts, his fears, his uncertainties, his dreams, and his hopes. Bihira siyang sumama sa pamilya ni Lea na mag-celebrate ng anumang okasyon. Madalas ay nagpupunta siya sa bahay ng mga ito kapag natapos na ang selebrasyon. Dahil gusto niyang bigyan ng pribadong oras ang tunay na magpapamilya kaya ang ang mga nagiging girl friend niya ang kasama niya parati.

Pero sumablay nang panahong iyon.

“Trina and I broke up-“

“Obviously.” Napatango-tango pa na sinabi ni Lea.

“She said she wanted not just a piece of me. She wanted something else. Something deep and something… I couldn’t give. At least, not yet-”

“That’s why you chose to end things with her.” Pumalatak si Lea. “Bakit naman itinaon n’yo pang magpapasko? Sana ay ipinagpaliban n’yo na muna ang issues n’yo. Para hindi ka sana malungkot ngayong pasko.”

Marahang pinitik ni Jake ang ilong ng dalaga. Nang ngumuso ito ay natawa siya. “Sino ba kasing nagsabing malungkot ako? I can’t possibly be sad whenever you’re around, Leandra.”

Nangislap ang mga mata ng dalaga. “Really?”

“Really.” Totoo sa loob na sagot ni Jake. Hindi niya lang basta kaibigan ang dalaga. Halos kapatid niya na rin ito. And she was his comfort zone. Sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam niya ay sa bahay ni Lea lang siya nagpupunta. Hangga’t nasa tabi niya ito, hindi niya kakailanganing dumayo pa sa ibang lugar. Sa tabi lang nito siya pinakakomportable. Maraming bagay siyang hindi nasisiguro sa mundo. Kahit sa negosyo niya ay hindi pa rin siya sigurado. Ang sigurado niya lang ay kung ano ang meron sa kanilang dalawa.

Naiiba si Lea. Parati itong naiiba sa paningin niya… at parating espesyal. Dahil ito ang nag-iisang tao sa mundo na mas nakakakilala sa kanya nang higit pa yata sa pagkakakilala niya sa sarili niya. Ito ang nag-iisang tao sa mundo na alam niyang hindi kahit na kailan magagawang manghusga sa kanya. Kampante siya sa kaisipang pwede siyang iwan ng lahat maliban rito.

Naalala ni Jake noong mga panahong nagkaroon ng komplikasyon sa hotel niya dahil sa nagwawalang ex-girl friend niya na hindi nagawang tanggapin ang pakikipaghiwalay niya nang magsimula na itong mag-demand ng kasal. Nagkataong sikat na blogger rin ito kaya napuno ng bad reviews ang hotel niya na hindi niya sukat akalaing idadamay nito. Kung ano-ano ang mga inakusa sa kanya ng ex niya na puro walang katotohanan mula sa facilities, sa management at accommodations sa hotel hanggang sa mismong may-ari---sa kanya kaya dumalang ang customers nila.

Ilang linggo ding pinasakit ng babae ang kanyang ulo. Ganoon na lang ang pagtitimpi niya para hindi ito kasuhan. During those moments, Lea sticked around him. Lingid sa kaalaman ni Jake ay nag-imbita ito ng napakaraming bloggers sa hotel niya para patunayang walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya at sa hotel. Naibangon niya ang reputasyon ng negosyo niya dahil sa naging positibong reviews ng mga iyon.

May mga koneksiyon si Jake. Kaya niya iyong gawin kung tutuusin. Pero naunahan na siya ni Lea. She always knew what he needed even before he could talk about it. Ang kapatid ng naging kliyente nito na nagkataong isang kilalang modelo ay inimbitahan rin nito sa hotel niya na sa huli ay naging endorser niya pa.

“I don’t know. I just feel like I’m not the marrying type. Wala akong tiwala sa sarili ko pagdating sa panghabang-buhay na commitment.” Mahinang amin ni Jake pagkaraan ng ilang minuto habang nakatitig siya sa umiilaw na higanteng Christmas tree hindi kalayuan sa kanila ni Lea. “Parang hindi ko kayang mag-alaga ng sarili kong pamilya. Parang… wala akong kapasidad na gawin ‘yon. Ang sarili ko ngang kapatid, nabigo pa akong alagaan at protektahan, ang magiging mga anak ko pa kaya? I might end up disappointing them in the end.”

“Jake, look at me.” Ipinaharap ni Lea ang mukha niya rito. Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang pumitik sa kanyang ilong. “Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang isaksak sa kukote mo na hindi mo kasalanan ang nangyari kay Leandra. It was an accident. Nagkataon lang siguro na hindi ka pa handa ngayon sa gano’ng bagay. Baka masyado pang maaga o kaya… baka hindi lang si Trina ang tamang tao para pag-alayan mo ng ganoong bagay.

“It’s not you, Jake. It just so happened that it’s not the right time yet. Maniwala ka sa akin. Magiging mabuti kang ama. Dahil napalaki ka nang maayos ng mga magulang mo. Magiging mabuti kang asawa. Dahil mabuti ka namang tao. Babaero ka, oo at nakakaasar ‘yon.” Umirap pa si Lea. “Pero mabuti kang tao. Mawawala rin siguro ‘yang bahaging ‘yan ng pagkatao mo sa oras na mahanap na ng puso mo ang babaeng para sa ‘yo.”

Naupo si Jake sa tapat ni Lea. Para bang pagod na pagod na isinandal nito ang likod sa couch at saka pumikit bago siya sinenyasang magsalita na. Pero hindi niya kaagad nagawa. Napatitig siya sa napakaamong mukha nito. His mother was half-Irish. That explained his foreign blood. Namana nila ng kapatid ang kulay ng mga mata at buhok sa ina. His sister’s hair was blonde. Alon-alon rin iyon na hanggang baywang nito. Ang kay Lea ay itim na itim at tuwid na lampas balikat nito. His sister was tanned while Lea was fair. He was very much aware that the two were completely different people.

Ang kaharap niya ay si Lea. Hindi iyon maipagkakamali at kahit na kailan, hindi niya iyon naipagkamali.

Pero nasanay si Jake na tawagin ang dalaga sa ibang pangalan. Dahil iyon lang ang naiisip niyang paraan para araw-araw ay makabangon siya. Para hindi siya makonsensiya o makaramdam ng galit sa sarili na masaya siya sa piling ng iba matapos yumao ng nag-iisang tao na pinangako niyang iingatan at pangangalagaan. That was the only way he knew to make his self believe that somehow, Leandra was still there. That she was alive. And Lea reminded him of Leandra.

Parehong napakaaliwalas pagmasdan ng mga ito. They were both like a ray of sunshine. It was like connecting two people in one. Lalo pa at napakalapit sa isa’t isa ng mga ito. At dahil naging abala si Jake sa trabaho noon ay ilang ulit pang naging mas malapit ang kapatid niya kay Lea kaysa sa kanya. It was foolish but he felt like Lea was his door towards Leandra. Sa pamamagitan nito, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nakakabawi sa ginawa sa kapatid.

Dahil alam ni Jake na hindi rin gugustuhin ng kapatid na pabayaan niya ang pinakamatalik na kaibigan nito na sa pagdaan ng panahon ay naging pinakamatalik niya ring kaibigan. Ginawa niya ang lahat para mapangalagaan si Lea lalo na at siya ang nagsisilbing parang guardian nito sa Maynila. Pero ni minsan ay hindi niya naisip na kabaliktaran pala ang nagagawa niya. Na sa halip na mapangalagaan ay nasasaktan niya na pala ito.

At ngayon ay sinira pa ni Jake ang kinabukasan ni Lea. He was the first man in her life. Nagtagis ang mga bagang niya sa naisip. He felt like committing a crime to his sister. Tama ang dalaga sa ilang mga sinabi nito noong araw na ipinagtapat nito ang totoo sa kanya tungkol sa mga naramdaman niya noon: galit, pagsisisi at pagluluksa pero ang mga iyon ay nakadirekta lahat sa kanyang sarili. He was grieving for the years of friendship that he ruined. He was grieving for her future that he ruined and most of all, for the baby for having an asshole father like him.

Noon dumilat si Lea at humarap sa kanya. “What now?”

Muli ay napahugot si Jake ng malalim na hininga. Napakalapit lang nila ni Lea pero napakalayo na ngayon ng loob nila sa isa’t isa. Ngayon niya lang nabasa ang sakit sa mga mata nito na bahagya pang namumula na para bang kagagaling lang sa pagluha. Masyado siyang nagpakalunod sa pag-iisip sa kapatid na hindi niya iyon napagtuunan ng pansin noon. He was so used treating her as his comfort zone never knowing that she needed one, too.

Napuno ng kung anong emosyon ang kanyang puso. Ilang beses na kaya itong lumuluha nang dahil lang sa kanya? Paano ba? Paano ba niya sisimulang pakibagayan ang mga pangyayari kung kahit siya ay nalulula pa rin sa sitwasyon hanggang nang mga sandaling iyon?

His best friend was in love with him. Something happened to them and now… he will soon be a father. Gustong makaramdam ni Jake ng tuwa. Isang napakabuting babae ang nagmamahal nang totoo sa kanya. Magkakaroon na siya ng anak. A baby was something he had never thought of having before. Pero heto at on the way na iyon sa buhay niya ngayon.

Pero hindi niya magawang pagtuunan ng pansin ang tuwa kung nag-uumapaw ang takot, pag-aalala, at hapdi sa puso niya dahil sa biglaang mga pangyayari.

“Jake?”

Malakas na tumikhim si Jake. Inilabas niya ang biniling singsing kani-kanina lang. “Lea, will you… marry me?”

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home