Sa katahimikan ng gabi, kinuha ni Mayumi ang kanyang telepono nang hindi man lang iminumulat ang mga mata nang tumunog ito. Nang mapagtanto niyang si Xavier ang tumatawag ay huli na. Napindot na niya ang “Answer.” Napapailing na lang siya sa sariling kusa niyang reaksyon… wala siyang nagawa, nasanay na kasi siya.
Sa mga taon niyang naninirahan sa bahay ng mga Valerio, kapag hindi niya nasasagot ang tawag ni Xavier ay personal pa siyang “kinakausap” ng ina nitong si Estrella at pinapagalitan.
Doon nabuo ang nakasanayan niyang laging nakaantabay, araw at gabi. At minsan, kapag nasa ibang bansa si Xavier kasama si Ysabel, tinatawagan din siya nito tuwing gabi.
Kadalasan, puro maliliit na tanong lang naman tulad ng paano maibsan ang pananakit kapag may regla, anong tatak ng napkin ang mas okay, paano papasarapin ang masustansyang sabaw, ano ang dapat mauna, itlog o kamatis kapag gumagawa ng scrambled eggs with tomatoes…
Noong una, tuwing ginising siya ng tawag ni Xavier para magtanong ng lahat ng mga ito para kay Ysabel ay natutulala pa siya. Pero sa paglipas ng panahon, nasanay rin siya.
At dahil doon, naunawaan niya ang malinaw na kaibahan ng puwesto nila i Ysabel sa puso ni Xavier.
Medyo groggy pa siyang tinitigan kung naka–connect pa
Ysabel.
ang tawag. Alam niyang tiyak tungkol na naman ito kay
Wala na ring saysay ang magsisisi niyang sinagot pa ang tawag nito kaya inilapit niya ang telepono sa tainga at tinanong niya, tulad ng nakagawian, “What is it? Did something happen?”
“Buksan mo lahat ng ilaw sa mansion at bumaba ka para pagbuksan ako ng pinto,” utos ni Xavier.
Nainis siya kaya sinagot niya ito. “Nasa kama na ako. Hindi naman nagbago ang door code. Nandiyan pa rin sa dati ang switch ng mga ilaw.” pilosopo niyang sabi.
Tumingin siya sa orasan, alas–tres ng umaga. Napakasimpleng bagay na kaya naman nitong gawin nang mag–isa, pero siya pa rin ang inuutusan. Iniisip niya tuloy kung nasanay na lang ba talaga itong utusan siya.
“Tulog si Ysabel. Wala na akong extrang kamay para gawin ‘yan,” ani Xavier na kalmado ang boses.
Kalmado ang tono, pero para sa kanya, parang isang kidlat iyon na sumabog at tumama sa kanya.
Sandaling nanigas ang kanyang katawan, parang robot na walang malay na sumusunod. Tumayo siya mula sa kama at lumapit sa bintanang may kurtina.
Sa maliit na siwang, nakita niyang bumaba si Xavier mula sa kotse, umikot sa harapan, at marahang binuhat si Ysabel na mahimbing nang natutulog sa passenger seat.
Napatingin siya kay Ysabel, para itong baby kung makakapit kay Xavier. Ang isang kamay pa nga nito ay pumasok sa loob ng suit ni Xavier, dumudulas pataas sa dibdib nito. Nakita niyang naningas ang katawan ni Xavier sa ginawa ni Ysabel pero wala itong ginawa para tigilan ang dalaga.
Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. Napangiti siya nang mapait. Hindi pa man sila legal na hiwalay ay ipinapasok na nito ang ibang babae sa tahanan nila.
Kaya pala ayaw pumirma sa kasunduan sa diborsyo, gusto nitong siya mismo ang aalis nang walang kahit ano.
“Mayumi, binibigyan kita ng dalawang minuto.” May bahid na pagkairita sa tinig ni Xavier nang muling nagsalita sa kabilang linya nang hindi pa rin siya lumalabas.
+30 Bonus
Napabalikwas siya at agad bumaba. Sinunod niya ang utos… binuksan ang mga ilaw sa bahay, saka dali–daling nagtungo sa pinto.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME