CHAPTER 15
“Magluto ka ng sabaw para sa hangover at dalhin mo rito.” Utos ni Xavier sa kanya habang nilalapag nito si Ysabel sa ibabaw ng kama nila.
Ang sakit mula sa pagkakabangga niya kanina ay humupa na at naging manhid, kaya’t hindi na gaanong masakit. Pero ang nakita niyang pag–aalaga nito ng sobra kay Ysabel ay mas masakit. akala nya ay sanay na siya, hindi pa din pala.
Hindi siya nagsalita at tumungo sa kusina. Pagkatapos ihanda ang sabaw para sa hangover ay bumalik siya sa kwarto.
Pagpihit pa lang niya sa doorknob ay narinig niya ang boses ng babae mula sa loob… gising na si Ysabel.
Pagkatapos magdalawang–isip ng limang segundo, inilapag niya ang sabaw sa labas ng pinto at kumatok nang marahan.
“Iniwan ko ang sabaw sa pinto.” sambit niya.
“Hmm.” sagot lang ni Xavier sa kanya. Walang mababasa sa tono nito.
Sa loob ng kwarto…
Nakita ni Xavier na gising na si Ysabel. Nilibot nito ang tingin sa paligid na tila naguguluhan.
“Andito ka sa bahay ko. Dinala muna kita dito dahil tinapon mo ang susi ng bahay mo sa ilog sa sobrang pagkalasing,” paliwanag ni Xavier sa dalaga.
Tumango lang si Ysabel saka hinilot ang sentido.
Kanina, matapos siya nitong puntahan sa bar at sabihing mag–iikot–ikot sila sa buong syudad, ay napag–usapan nila ang nakaraan nila. Binanggit ni Ysabel na may alak daw ito sa sasakyan at gusto nitong uminom nang kaunti sa tabi ng ilog.
Gusto niyang tumanggi noong una, pero nang makita niyang sobrang lungkot ni Ysabel, na para bang nagluluksa sa mga nangyari sa nakaraan nila, hindi niya iyon kayang tiisin. May sarili siyang dahilan sa paghihiwalay nila.
Pinagbigyan niya itong uminom kahit pa alam niyang mahina si Ysabel sa alak, pero hindi niya inasahan na ganito kalasing ang dalaga. Dalawang baso pa lang ay bagsak na ito.
Balak sana niyang ihatid ito pauwi, pero itinapon ni Ysabel ang susi ng bahay nito sa ilog.
Lasing na lasing at tulala, at wala namang paraan para makapasok sa bahay nito. Hindi naman niya puwedeng iwan si Ysabel sa hotel na ganoon ang estado. Kaya napilitan siyang dalhin ito sa bahay niya.
“Pasensya ka na talaga sa inasta ko kanina, Xav” sabi ni Ysabel habang hinihimas ang sentido, ngumiti na parang inalala ang kalasingan nito.
“It’s fine,” marahang sagot niya. “Pero ang baba ng tolerance mo. Dapat mag–ingat ka sa susunod. What if…”
Hindi niya naituloy ang pangungusap… ngumiti si Ysabel na parang nang–aakit.
“Nag–aalala ka ba sa’kin?”
Tinikom niya ang bibig niya… hindi siya sumagot.
+30 Bonus
“Huwag kang mag–alala. Hindi ako umiinom sa harap ng ibang lalaki. This is only because you were once someone I loved kaya kampante ako sa’yo,” sambit nito.
“Na–appreciate ko pa rin ang concern mo.” dagdag ni Ysabel, sinadya nitong bigyang diin ang “once loved.”
*****
Sinulyapan ni Ysabel ang mukha ni Xavier. Nang makita niyang hindi ito naiinis, ngumiti siya at inangat ang kamay para hawakan ang mukha nito.
Pero bago pa man dumikit ang palad niya, tumayo si Xavier, at dumampi lang ang kamay niya sa damit nito, nananatiling nakabitin sa ere.
“That’s good,” sabi nito. “I’ll go get the hangover soup,” dagdag pa nito saka lumabas ng kwarto.
Tinitigan ni Ysabel ang matangkad at matuwid na postura ni Xavier habang palabas ng kwarto. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkainis na kumulo sa dibdib niya.
Ganito lagi si Xavier… sa tuwing pakiramdam niya ay may pag–asa siyang makalapit muli sa lalaki, mahinahon pero tiyak nitong sinisira ang pag–asa niya. Alam niyang sa lahat ng taon, ang pag–aalaga at pag–aasikaso ni Xavier sa kanya ay dahil lamang sa guilt.
At minsan, buong tiwala niyang inisip na magagamit niya ang guilt na iyon para unti–unting magbago ang damdamin ni Xavier para sa kanya. Lagi rin niyang minamaliit si Mayumi. Kahit pa sabihing ang pamilyang Valerio ang nagtulak para maikasal si Xavier at Mayumi, ay naniniwala siyang mauuwi pa rin sa diborsyo ang
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME