“NGAYON LANG ako makikiusap sa ‘yo, Adam.”
“What is it? Kahit na ano, sweetheart.” Inabot ni Adam ang mga kamay ni Selena na nakapatong sa mesa. “Just tell me.”
Sunod-sunod na napahugot ng malalim na hininga si Selena bago dahan-dahang kumawala mula sa pagkakahawak ni Adam. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang o talagang dumaan ang kirot sa mga mata nito. Gayunman ay nagpakatatag siya. Nauubos na ang oras. Kulang dalawang bwan na lang bago ang kanilang kasal at nai-annouce na ang petsa niyon sa mga dyaryo.
Nauna pang ma-interview tungkol roon ang excited niyang ama at ang ina ng binata kaysa sa kanila na mga ikakasal mismo. Kailangan niya na ng kooperasyon ni Adam. “Help me stop the wedding.”
Natulala si Adam. Ilang minuto ang lumipas bago ito nakabawi. “Pero Selena-“
“I thought I already made things clear with you the night I left at the restaurant months ago, Adam? Hinihintay ko na ikaw ang mismong magsabi sa mga magulang natin pero wala kang ginagawa. Tinawagan na rin kita tungkol rito but you always avoid the subject. What are you really up to?” Napu-frustrate nang wika ni Selena.
Hindi niya pa pwedeng banggitin ang tungkol sa relasyon nila ni Dean sa kahit na kanino maliban na lang kay Chynna na siya lang pinagsabihan niya at siyang nagpakita ng tuwa para sa kanya. Dahil mapapahamak si Dean. Kailangan niyang palabasin na mutual decision ang nangyari sa kanila ni Adam at umasa na pakikinggan sila ng mga magulang nila dahil kung hindi, sa kauna-unahang pagkakataon ay kakailanganin niya nang sumuway sa mga ito.
Naging mabuting anak siya mula pa pagkabata. Ang utos lang ng ama na maging bahagi ng kompanya nila ang siya lang sinuway niya. Sa tulong ng ina ay pinalagpas iyon ng kanyang ama.
Pero ang pag-atras ni Selena sa kasal… hindi niya alam kung palalagpasin pa rin iyon ng ama. Inamin niya na sa kanyang ina na ayaw niya nang ituloy ang kasal nila ni Adam. Naunawaan naman siya nito pero wala na raw itong magagawa dahil sa mga ganoong sitwasyon ay ang mga salita ng kanyang ama ang batas. Her mother had always regarded herself weak. Tagasunod lang raw ito sa mga sasabihin ng kanyang ama.
Kung may nagustuhan man si Selena kahit paano sa mga sinabi ng ina, iyon ay ang katotohanang mas gusto raw nito si Dean kaysa kay Adam. Pero ang ama niya ang makakalaban niya kung itutuloy niya raw ang lihim na relasyon sa binata. Dahil itinuturing ng ama na sabit lang si Dean sa pamilya Trevino. Hindi si Dean ang orihinal na tagapagmana kaya malabong ibigay ng ama sa kanila ng binata ang basbas nito. Damn their unbelievable beliefs!
Ngayon na-realized ni Selena ng husto ang bigat ng pinasok niya, ang bigat ng pagiging isang Avila at ang bigat na hatid na maiugnay sa mga Trevino lalo na at para bang mas pinahahalagahan ng mga ito ang arranged marriage. Arranged marriage din ang sa mga magulang ni Adam pati na ang sa kanya. Nagpapakasal ang mga ito hindi dahil sa pagmamahal kundi para ma-secure ang kayamanan ng mga ito. Pathetic.
Kung may isa lang sanang hindi natakot na sumuway noon sa nakakairitang bagay na iyon, sana ay nalaman ng mga ito ang tungkol sa pag-ibig. Hindi gaya ngayong sumara na ng husto ang puso ng mga ito at puro pera at kapangyarihan na lang ang iniisip.
Kung datirati ay balewala sa kanya na sumunod sa ganoon, ngayon ay iba na. Lalo pa at may isang lalaking hindi man magsalita ay alam ni Selena na nasasaktan sa tuwing may mga oras na kailangan nilang magkita ni Adam para sa wedding details. At ang isa pang nakaka-frustrate sa kanya ay si Adam mismo. He was being the man she had dreamed for him to be only now.
Comments
The readers' comments on the novel: Once Upon A Time