“IS IT… normal to want to hear your friend’s voice over and over again? To want to see him always?” may halong pagtataka sa boses na tanong ni Maggy kay Clarice habang nasa veranda sila ng tinutuluyan niyang kwarto. Araw-araw siyang dinadalaw nito.
Tuwing Sabado ay buong araw na naglalagi ang babae sa mansiyon ng mga McClennan kasama ang asawa nitong si Alano, katulad na lang nang mga sandaling iyon. Sa tuwina ay kinukuwentuhan siya nito ng mga bagay tungkol sa sarili niya, sa kanyang mga magulang, sa kakambal niya, sa Tito Harry nila at sa negosyong pinamamahalaan niya.
Sa sandaling naipaliwanag sa kanya ni Clarice ang bigat ng trabaho niya bilang CEO ng YCM ay ginusto niya na kaagad na bumalik sa Nevada. Pero hindi niya pa kaya. Ang dami niyang kinatatakutan, ang daming mga bagay na ipinag-aalala. At kung magpapakatotoo lang si Maggy sa sarili ay aaminin niyang hindi niya mahanap ang masayang bahagi ng pagkatao na madalas ay inilalarawan patungkol sa kanya ni Austin. Dagdag pa roon ang para bang kabaliktaran na mga kwento ni Clarice.
Kung ilarawan siya ng kaibigan ay para siyang isang masigasig na nagtatrabaho na wala nang pakialam sa paligid niya maliban sa negosyong pinamamahalaan. Na para bang wala siyang oras para lumabas at pagmasdan ang ganda ng mundo, na ayon kay Austin ay siya raw palagi nilang ginagawa na dalawa noon. Tuwing nagkukuwento si Clarice ng tungkol sa kanya, pakiramdam niya ay ibang version niya ang naririnig. But Clarice’s story seemed genuine. And so was Austin.
Napahugot si Maggy ng malalim na hininga.
The problem with not knowing who you are is that you could never guess the truth, mapait niyang naisaloob.
Kapag nasa paligid si Austin at siya namang nagkukuwento ay parating tahimik at sumasang-ayon lang si Clarice sa isang tabi. Kaya siguro ang binata ang higit na nagsasabi ng totoo. Isa pa ay kay Austin siya mas komportable. Pero isa sa mga darating na araw ay plano niya pa ring hulihin ang mga ito. Plano niyang magkasarilinan silang tatlo at sabay na usisain ang dalawa.
“Hindi talaga nakakalimot ang puso,” narinig niya na halos pabulong na sinabi ng kaibigan. Mula sa pool area sa ibaba ay nalipat ang mga mata niya kay Clarice.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Lagi mo bang naaalala si Austin?” sa halip ay ganting-tanong nito.
Nag-iwas si Maggy ng mga mata. Muling bumalik ang atensiyon niya sa pool area. Namilog ang mga mata niya nang makita ang pagdating doon ni Austin. Itim na trunks lang ang saplot nito. Agad na naglakbay ang mga mata niya sa katawan ng binata.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang ganoon lang ang suot ni Austin. Alam niya nang malalapad ang dibdib nito. Ilang ulit niya nang naramdaman iyon sa ilang beses na pagyakap nito sa kanya pero ang makita niya iyon ay iba pa rin pala. Sa liwanag na nagmumula sa haring araw ay mas lumitaw ang pagiging mestizo nito. Kay sarap nitong pagmasdan nang mga sandaling iyon. He looked like a beautiful work of art.
I wonder how it would feel if I’d run my fingers over his chest… Mayamaya ay naipilig ni Maggy ang ulo. Normal lang ba ang ganoong isipin? Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang lumingon sa direksiyon nila ni Clarice si Austin. His eyes seemed to be smiling.
“Do you want to join me here?” may-kalakasan ang boses na tanong ng binata.
Mabilis na umiling si Maggy. “N-no, but thank you,” may halong tensiyon sa boses na sagot niya. Tumango lang ang binata mayamaya ay nag-dive na sa swimming pool. He swam gracefully. Napalunok siya. Sandali pa siyang nanghinayang nang hindi na masilayan nang buo ang katawan nito. “Ano ba ‘tong mga naiisip ko?”
“You can tell me about it, Maggy,” mayamaya ay malambing nang sinabi ni Clarice. “Nang hindi ka pa nagkakaroon ng amnesia, aminado akong bihira kang maging open sa mga nararamdaman mo. You have always been strong. You were so afraid to expose your feelings because you didn’t want to be vulnerable. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kaya kung may mga tanong ka, sabihin mo sa akin para matulungan kita.”
Sandaling nakagat ni Maggy ang ibabang labi. “I… I feel more strange than ever the night Austin k-kissed me. Kung noon, hindi ako makatulog sa pag-aalala para sa kinabukasan ko, ngayon naman hindi ako makatulog sa kaiisip sa nangyaring halik sa aming dalawa.”
Walang usapang namagitan sa kanila ni Austin matapos siyang halikan nito sa sinehan noon. Kunsabagay ay hindi niya rin naman alam kung ano ang sasabihin tungkol doon. “Alam kong mali ito. Hindi dapat ako nakakaramdam nang ganito dahil magkaibigan kami. But I… I just can’t control my feelings. And now, I’m silently wishing to always see him with just his trunks. Geez, it was such a beautiful sight.”
Naramdaman ni Maggy ang pag-iinit ng mga pisngi nang malakas na tumawa si Clarice, tawang para bang punong-puno ng pagkaaliw. Pero nagpatuloy pa rin siya dahil wala na siyang iba pang mapagsasabihan tungkol sa bagay na iyon. “Kapag pumapasok siya sa trabaho at naiiwan ako rito, gusto ko siyang tawagan parati. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang parating nakikita. Austin is such an adorable man.” Sa kabila ng nadaramang hiya ay ngumiti si Maggy. “Napakabuti niya sa ‘kin. Hindi ko alam kung gano’n ba talaga siya. Wala naman siyang sinasabi para maliwanagan man lang ako.” Nawala ang ngiti niya. “Come to think of it, ni hindi ko pa pala siya natatanong kung may girlfriend na siya.”
“For the past years, I haven’t seen you smile like you did a while ago,” namamanghang sinabi naman ni Clarice. Pinakatitigan nito si Maggy. “Suddenly, I feel like I’m seeing the thirteen-year-old you. You were suddenly alive… and sassy.” Namamasa ang mga matang mahigpit siyang niyakap nito sa kabila ng pagkasorpresa niya.
“Ngayon ay naiintindihan ko na nang husto si Austin sa gusto niyang mangyari. You’re back, Maggy. The side of you that you have kept hidden for years is slowly coming back. Ganyang-ganyan ka rin noon sa first crush mo. Aligaga pero masaya.” Kasabay nang paghigpit ng yakap sa kanya ay ang masiglang pagtawa nito. “I’ve missed this side of you, best friend!”
“Clarice—”
“`Wag kang mag-alala, walang girlfriend si Austin. Hindi siya palaging magmamadaling umuwi rito kung meron. Wala rin siyang nililigawan ngayon. What you feel towards him is just normal, believe me.”
Matamis na napangiti si Maggy sa mga narinig.
“Come on, I know you wanna giggle or shout. Don’t be a killjoy,” nanunukso ang boses na dagdag pa ni Clarice. “Ganyan ka dati, eh. Let that scream out.”
Humagikgik siya. For some reason, Clarice was right. She really wanted to scream. She was feeling quite high at the moment. “Hindi pwede. Nasa `baba lang si Austin. Baka marinig niya tayo.”
Ibinaon na lang niya ang mukha sa balikat ni Clarice saka impit na tumili. Nang lumakas ang tawa ng kaibigan ay saka lang siya tuluyang napanatag sa presence nito. Sa kasalukuyang estado nila ay noon niya naramdaman nang husto na totoo ngang malapit siya rito.
“YOU ARE trying to seduce Maggy,” bakas ang amusement sa boses na sinabi ni Alano kay Austin pag-ahon niya sa swimming pool. Ibinato nito ang tuwalya sa kanya na ipinatong niya kanina sa ngayon ay kinauupuan na nitong reclining chair. Mabilis na sinalo niya iyon.
Nagkibit-balikat si Austin at pilyong ngumiti. “Maybe.”
Hindi niya nakasanayan ni minsan ang magpakitang-gilas. Pero para sa atensiyon ni Maggy ay nakahanda siyang subukan. Mabuti na lang at mukhang mahaba-haba pa ang panahon niya. Ayon sa doktor ng dalaga ay walang kasiguruhan kung babalik pa ba ang alaala nito. Mahaba pa ang oras niya para ipaalala rito ang pagmamahal na naramdaman para sa kanya. Pagsulyap ni Austin sa veranda ay nakita niyang mahigpit na magkayakap sina Clarice at Maggy.
Napanganga si Austin. During those times that he was trying so hard to swim as gracefully as he can, Clarice and Maggy was just up there having their own moment? Heck! Naiinis na nilingon niya ang natatawa nang kapatid. “Your wife is stealing my supposed-to-be moment, Kuya. Nakita mo naman na pala ang ayos nila. Sana sinenyasan mo man lang si Clarice na tumabi-tabi nang kaunti para nakikita pa rin ako ni Maggy rito.”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan