Login via

The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan novel Chapter 4

HINDI pa man natatapos si Shelly sa mapanuksong pagsasayaw sa harap ni Ansel ay bumangon na siya mula sa kama at nilapitan ang dalaga. Agad na naglumikot ang kanyang mga kamay sa hubad na katawan nito. Mariing hinalikan niya ang mga labi ng babae. Nagmamadali namang inalis nito ang pagkakabutones ng kanyang polo. Huwebes pa lang ng araw na iyon at kadalasan ay Biyernes siya nagpupunta sa exclusive bar na iyon na dati ay magkasama nilang pinupuntahan ni Alano.

Maaga siyang umalis ng kanyang opisina kaya alas-kuwatro pa lang ay nasa bar na siya. Mabuti na lang at available si Shelly pagkarating niya roon. Shelly was one of his favorite dancers there. Mayamaya ay darating na rin sa inookupa nilang kwarto sa itaas lang ng bar ang ipinatawag niyang si Madel, gaya ni Shelly ay isa rin ito sa mga star dancers sa bar na iyon. Madel would join them in their little feast. He normally could not satisfy his self with a single woman. He would need about two or sometimes more than those.

He was that playful. He was that… needy.

Hindi nagtagal ay dumating si Madel. Nagpaubaya si Ansel sa dalawang babae nang hilahin siya ng mga ito papunta sa kama. Pagod na ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang dalawa na alisin ang kanyang damit. Ngayon lang siya nagpunta roon nang wala sa kondisyon. Ilang araw na siyang hindi mapakali. At iyon ay dahil lang sa isang babae na ilang ulit na tumapak sa kanyang dignidad. Kahit sa opisina ay si Yalena pa rin ang laman ng kanyang isipan.

Matapos ang naging engkwentro nila ng dalaga noong Martes nang madaling-araw ay maaga siyang umuwi kinahapunan para ibangon ang kanyang pride. Pero hindi niya na ito naabutan pa sa mansiyon. Nakahanap na raw ang dalaga ng town house at agad na lumipat doon. Mahigit dalawang oras ang layo ng town house nito mula sa mansiyon. Noong araw din na iyon ay kumuha ito ng bodyguard. Iyon na ang huling balita niya tungkol sa dalaga mula kay Austin.

Matapos niyon ay parati nang nag-o-overtime si Ansel sa opisina pero sa kabila ng dami ng mga trabaho niya ay ang dragon pa rin na iyon ang laman ng kanyang isip dahilan kung bakit ilang araw na ring mainit ang ulo niya. Hindi siya sanay na nagkakaganoon. He wasn’t used thinking about women knowing that he could have whoever he wanted anytime anyway.

Pero kakaiba si Yalena. Alam niyang dapat ay tigilan niya na ito dahil nasisiguro niyang mas malaking komplikasyon ang idudulot ng dalaga sa kanya sa oras na ilapit niya nang tuluyan ang sarili rito. Ngayon pa nga lang ay nagkakaganoon na siya, halos hindi niya na makilala at maunawaan ang sarili.

There was no one and nothing that he couldn’t handle before… until that dragon came. Ilang beses niya nang muntik ikahiya ang sarili dahil sa mga naging engkwentro niya sa dalaga kaya ganoon na lang ang pagpipigil niyang huwag itong puntahan kahit pa kabisado na niya ang address nito dahil pilit na hiningi niya iyon mula kay Austin noong nakaraang araw.

“Attorney…” Napu-frustrate na dumilat si Ansel nang maramdaman niyang natigilan sina Shelly at Madel sa ginagawa ng mga ito. Sumalubong sa kanya ang kaakit-akit na anyo ni Shelly sa kanyang ibabaw habang nasa kanyang tabi naman ang hindi rin pahuhuling si Madel. They were both appealing and as sexy as sin. But strange enough, he couldn’t feel anything.

Marahas siyang huminga. Hinila niya si Madel sa kanyang tabi at mapusok na hinalikan ang mga labi nito. She expertly kissed him back. Pero nanatiling hungkag ang pakiramdam niya. Ilang sandali lang ay naglaro na sa kanyang isipan ang mukha ni Yalena. Agad na bumitaw siya kay Madel.

Tuluyan nang bumangon at nagbihis si Ansel. He couldn’t do it anymore. Pakiramdam niya ay nagkakasala siya at ni hindi niya maunawaan kung bakit. Nag-iwan na lang siya ng pera sa bedside table at nagmamadaling lumabas ng bar.

Agad na dumeretso siya sa kanyang kotse. Iisang babae lang ang gusto niyang makita, ang gusto niyang marinig, ang gusto niyang mahawakan at mahalikan. Pero duda siya kung magagawa niyang basagin ang depensa ng babaeng iyon.

Attorney… what am I going to do with you?

PASIMPLENG pinindot ni Yalena ang button sa likod ng hugis krus na pendant ng suot niyang kwintas nang makababa na siya ng kanyang kotse. White gold necklace recorder iyon na binili niya pa sa Japan tatlong taon na ang nakararaan. Ginagamit niya iyon sa kanyang mga kliyente, sa kanyang mga iniimbestigahan o `di kaya ay sa mga nakakasalamuha niya na pinagdududahan niya.

Matapos niyang mabasa ang file na ipinadala ni Radha sa e-mail ay nag-iba na ang kutob niya dahilan kung bakit hindi niya na ipinatuloy kay Dennis ang kotse sa garahe ng town house niya.

Si Dennis ang kinuha ni Radha na bodyguard para sa kanya. There was something mysterious about the man. Nang igiit ng kakambal niya na magkaroon siya ng bodyguard ay pumayag na rin siya para mapalagay ang loob nito. Pero kasabay niyon ay ipina-trace ni Yalena kay Radha ang background ng kinuha nitong si Dennis dahil ikinasorpresa niya nang mabasa sa resume nito na ito pala mismo ang may-ari ng security agency na pinuntahan ni Radha pero sa halip na magpadala na lang ito ng tauhan ay ang sarili mismo ang ipinadala sa kanya. Mabuti na lang at mabilis si Radha kaya pagkalipas ng kulang dalawang araw ay nakakuha na ito ng kumpletong impormasyon.

Kung tutuusin ay pwede namang direktang tanungin na lang ni Yalena si Dennis pero gusto niya munang makasiguro na may hawak na siyang impormasyon para madali niyang matuklasan kung totoo ang mga sasabihin nito. Pwede din siyang magpalit na lang ng bodyguard kung gugustuhin niya pero malakas ang kanyang kutob na may maitutulong sa kanya si Dennis bukod sa pagbabantay sa kanyang seguridad… At tama nga ang kanyang hinala.

Nalutas na ang problema patungkol sa kanyang kaligtasan. Ayon kay Maggy ay si Ansel ang siyang nag-asikaso niyon. Gaya nang inaasahan ay hindi kalayuan sa gusali ng McClennan Corporation nagmanman ang mga lalaking sumusunod sa kanya noong araw na makarating siya sa bansa. Kinabukasan, dahil nakilala ni Ansel ang sasakyan ay nilapitan iyon ng magkakapatid na McClennan kasama ang mga pulis na nakasibilyan. Wala nang nagawa ang apat na kalalakihan nang palibutan ang mga ito. Agad na kumanta ang mga Amerikano.

Tama ang hinala ni Yalena. Tauhan ito ng bise gobernador sa Nevada na ipinakulong niya noon dahil sa panggagahasa sa secretary nito nang paulit-ulit noon. Nahirapan siya sa kasong iyon dahil ang kapatid pa ni Mary, ang secretary ng bise gobernador, ang humingi ng serbisyo niya pero dahil sa pagbabanta noon ng bise gobernador sa secretary nito ay natakot ang huling ipagtapat ang katotohanan.

Ilang buwan na hinawakan ni Yalena ang kaso noon na umani pa ng interes ng media dahil isang politiko ang inakusahan niya. Mga tauhan din ng bise gobernador ang nagpaulan ng bala noon sa kanyang apartment sa Los Angeles. Nakakulong na ngayon ang kalalakihan sa patong-patong na mga kasong isinampa niya sa mga ito.

Pero sa kabila niyon ay hindi pa rin mapakali sina Maggy at Clarice na siyang pinuntahan nila ni Dennis nang araw na iyon. Nakipagkita siya sa dalawa sa isang restaurant. Kasama na ni Maggy si Clarice na nag-suggest sa kanya na mag-retire na sa pagiging abogada at tulungan na lang ang mga itong pamahalaan ang YCM Hotel and Resorts.

Napabuntong-hininga si Yalena. Naupo siya sa hood ng kanyang kotse na ipinarada ni Dennis sa tapat ng gate ng kanyang bahay. Ang lahat ng iyon ay utang-na-loob niya kay Radha. Ito ang nag-asikaso ng mga papeles para sa kanyang town house at sasakyan. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Parang nakaunawa namang doon naupo si Dennis.

“Dennis Almeda, spill it out. What are you up to?” hindi na nagpaligoy-ligoy pang tanong ni Yalena. Humarap siya kay Dennis. Ayon sa mga impormasyong ipinadala sa kanya ni Radha ay totoo ngang binata pa ang bodyguard niya. Pinagmasdan niya ito. Moreno si Dennis pero hindi iyon nakabawas sa angking appeal nito. Hindi iyong masasabing gwapo pero makisig ito at malakas ang dating.

Nagkibit-balikat si Dennis at sinalubong ang mga mata ni Yalena. “I’m sure you already did a background check on me.”

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan