Login via

The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan novel Chapter 5

NAGLABAS ng panyo si Ansel mula sa bulsa ng kanyang pantalon at inabot ang kamay ng nasorpresang si Yalena. Pinunasan niya ang kamay nitong hawak kani-kanina lang ng bodyguard nito. Muli niyang ibinulsa ang kanyang panyo pagkatapos ay hinawakan ang palad ng dalaga.

Unti-unting naramdaman ni Ansel ang pagluwag ng kanyang hininga. Higit pa sa simpleng paghawak sa kanyang kamay ang handang ibigay ng mga babaeng iniwan niya sa bar pero nanatiling wala siyang maramdaman. Nanatili siyang may hinahanap na kung ano at natagpuan niya iyon sa presensiya ni Yalena. It surprised him to be able to find solace by just holding her hand.

Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay umangat ang isang braso niya at niyakap ang dalaga. “Please just let me hold you,” nakikiusap na bulong niya nang magsimulang magpumiglas ang dalaga. Damn, hindi niya pa iyon nagawa noon. Hindi pa siya nakiusap para lang sa ganoon kaliit na pabor. “Saka kumpara sa iba, naniniwala akong mas masarap akong kayakap.”

“Ano ba’ng nangyayari sa `yo—”

“Seryoso ako, Attorney. Nakahanda akong maging bodyguard mo. Mayaman ako kaya hindi mo na ako kailangang suwelduhan pa. Just… let me see you, let me hold your hand, and let me embrace you like this,” sa halip ay sagot ni Ansel. “May dalawa pa palang kondisyon. “Don’t smile to someone else. Don’t hold someone else. Gano’n lang kadali, Attorney. At handa na akong magpaalipin sa `yo.”

Naglaro sa isipan ni Ansel ang nasaksihang tagpo sa pagitan nina Yalena at ng bodyguard nito pati na ang pagngiti ng dalaga sa huli. It was such a warm and lovely smile. Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata. Ano na ba ang nagawa ng lalaking iyon para makatanggap ng ganoong uri ng atensiyon mula sa babaeng dragon? He couldn’t believe he was jealous. At hindi niya alam kung paano pakikibagayan ang bagong emosyon na nararamdaman.

“Magaling magluto si Dennis. Kaya mo rin bang gawin ‘yon, Mr. McClennan?”

Marahas siyang napabuga ng hangin. “How is it possible that you just call him Dennis and I’m still Mr. McClennan to you until now?”

“Hindi ka raw marunong magluto. Nabanggit ‘yon ni Austin noong araw na samahan nila ako ni Maggy na maglipat,” sa halip ay sinabi ng dalaga.

Damn it, brother. Bad shot na nga ako kay dragon, siniraan mo pa ako. “Come on. Sinungaling ang sinuman na magsasabing hindi ako marunong magluto. They obviously haven’t tasted my fried egg yet. It’s delightful.”

Narinig ni Ansel ang pagsinghap ng dalaga. Laking pasasalamat niya na hindi na ito muli pang nagtangkang kumawala mula sa yakap niya. Mayamaya ay narinig niya ang pagtawa nito. And man, it sounded heavenly.

“Your fried egg? That’s all you can serve?”

Pilyong ngumiti si Ansel. Bahagya siyang humiwalay sa dalaga at pinakatitigan ang magandang mukha nito. “No. Actually, there are two kinds of special eggs than I can serve you. There’s this one that I can cook delectably and then there’s this other one…” Nagkibit-balikat siya. “That I can’t. Nevertheless, the taste will be the same, I guarantee.”

Natulala ang dalaga. Nang makabawi ay mabilis siya nitong tinampal sa dibdib bago ito tuluyang lumayo sa kanya. “Jerk!”

Sa liwanag na nagmumula sa headlights ng kanyang kotse ay kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi ni Yalena. Parang may mainit na mga kamay na humaplos sa kanyang puso. So, the dragon can blush.

Papasok na sana ito sa gate ng bahay nito nang muli niyang tawagin.

“Attorney!” Humabol si Ansel sa dalaga. Salubong ang mga kilay na humarap ito sa kanya. Automatic na napangiti siya. Sadyang napakaganda pa rin nito sa kabila ng hindi maipintang anyo. “The past days drove me crazy. Kaya ngayong gabi, aamin na ako. You got me… from the very moment I saw you back at the office. Gusto kita at seryoso ako. I want that bodyguard of yours out of your life. I’m going to find you a female one tomorrow.”

“Mr. McClennan—”

“Liligawan kita, Attorney.” Nang matigilan ang dalaga ay sinamantala iyon ni Ansel. Marahang hinaplos niya ang mga pisngi nito at mayamaya ay inabot ang mga labi nito. Pero ilang segundo lang tumagal iyon. Nag-alangan siyang pahabain ang halik dahil natatakot siyang itulak siya ni Yalena palayo pero higit pa roon ay natatakot din siya… na baka hindi niya magawang makuntento sa isang halik lang.

Nanghihinayang na idinikit ni Ansel ang noo sa noo ni Yalena. “I will be here first thing tomorrow morning. Ipagluluto kita. I will serve you the greatest breakfast of all time. Fried eggs, hot dogs…”

“Enough—”

Naaaliw na natawa si Ansel. Sa kabila ng lahat ay magaan ang pakiramdam niya kahit pa walang tigil sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso. “Bacon and friend rice with hot coffee,” patuloy niya. “Come on, those are what everyone serve in breakfast! What dirty thoughts are you thinking?”

“T-TEKA, sandali. There must be something wrong with my ears.” Bahagyang niluwagan ni Ansel ang pagkakabuhol ng kanyang kurbata. Pero nang manatiling parang sinasakal pa rin ang pakiramdam niya ay tuluyang inalis niya na iyon at ibinato sa papatakas na sanang si Alano. Nasa conference room silang magkakapatid para sa kanilang monthly meeting nang bigla na lang tumawag si Yalena na gaya nang dati ay parang nagwawalang dragon dahil sa pagpapadala niya kay Lexy, ang gusto niyang maging bodyguard nito na isang babae rin.

Ibinigay niya sa dalaga ang kanyang contact number apat na araw na ang nakararaan kasabay ng paghahanda niya ng almusal nito. Napu-frustrate na napasandal si Ansel sa kanyang swivel chair. Napalingon siya sa mga kapatid na abala na rin nang mga sandaling iyon. Si Alano ay naka-videocall pa sa cell phone nito habang kausap si Clarice na parang kay tagal na hindi nagkita ang mga ito habang si Austin naman ay narinig niyang kausap din ang asawa. Parehong mga nakangiti ang dalawa na kung tawagin niya noon ay mga under.

Tatlo na lang silang nagmi-meeting dahil noong nakaraang buwan matapos ang napakahabang panahon na pangungumbinsi kay Alejandro ay nabili niya rin sa wakas ang twelve percent shares nito sa kanilang kompanya para mapunta na sa kanilang magkakapatid ang buong kontrol doon. Pinaghatian nila ang pamumuno sa McClennan Power, Oil, and Mining Corporation. Siya sa electricity, sa minahan si Austin, habang sa langis naman si Alano. Humigit-kumulang dalawang oras ang itinatagal ng kanilang meeting. Doon na nila pinag-uusapan pati na ang iba nilang negosyo na ipinamana rin ng kanilang ama tulad ng construction company ng pamilya at ang resort nila sa Valenzuela. Ginagawa nila iyon matapos ang kanilang eight-to-five na pagtatrabaho kaya mag-aalas-siyete na sila kadalasan nakalalabas ng opisina.

Dati-rati ay dalawang beses kada isang buwan pa sila kung mag-meeting tungkol sa mga hinahawakan nila pero naging isang beses na lang iyon na parehong hiniling ng dalawang kapatid niya simula nang mag-asawa ang mga ito. That was how devoted the two fools had become. Parang takot na takot ang mga itong mapaghintay ang asawa nang kahit na sandaling oras lang.

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan