Login via

The Trouble With Good Beginnings novel Chapter 14

“YOU NEED to congratulate me, Hailey. After what seemed an eternity, my manuscript was finally approved.” Marahang wika ni Holly sa puntod ng kakambal matapos niyang magsindi ng mga kandila.

Sa Maynila inilibing si Hailey ayon sa kahilingan nito. Ang orihinal na gusto nito ay katabi ng puntod ni Athan pero wala ng bakante roon kaya sa ibang lugar ito nakapwesto pero sinuguro nilang sa iisang sementeryo lang nakalibing ang mga ito. Naupo siya sa bermuda grass.

“Nakakapagsulat na uli ako, Hailey. Kaya ko na uli.” Marami siyang naisulat na manuscripts sa nakalipas na mga bwan pero kadalasan ay hindi niya natatapos ang mga iyon. Pakiramdam niya ay sandali siyang nawalan ng kapasidad na makagawa ng happy ending dahil sa magkakasunod na sinapit. May iilan siyang natapos pero puro for revision naman. Ayon kay Jazeel ay sarado ang puso niya kaya hindi siya makasulat. At tama ang pinsan. She couldn’t write about conflicts without remembering what she had gone through.

She couldn’t write about happiness as well, not when her heart was filled with pain. Pero hindi niya rin naman magawang makapagsulat ng tungkol sa sakit nang hindi naaalala ang estado ng puso niya. At doon sa puntong iyon siya napapahinto. Ilang ulit niya pang kinailangang i-revised ang manuscript niya bago iyon sa wakas inaprubahan ng editor niya sa araw lang na iyon. At hindi na pwede ang ganoong gawain niya. Pagsusulat ang trabaho niya at masisira iyon dahil sa iniinda niya.

Nagsisikip ang dibdib na hinaplos ni Holly ang puntod ng kakambal. “Sana ang happy at painful memories, pwedeng paghiwalayin, ‘no? Tamang lalagyan para sa tamang emosyon dapat. Iyong painful memories, sa isip para matuto, para magtanda. Iyong happy memories, sa puso para hindi makalimot, para lagi pa ring masaya. ‘Tapos kapag natuto na ‘yong isang tao, kapag nagtanda na siya, itapon na ‘yong masasakit na alaala. Para ‘yong masasaya na lang ang matitira. Pero hindi gano’n sa totoong mundo.”

Hanggang ngayon, damang-dama niya pa rin ang konsekwensya ng naging pagkakamali niya sa pangalawang lalaking minahal. Hindi niya pa rin maibalik sa dati ang paglalakad. Mabagal pa rin maglakad at mahina ang kanang binti niya. Hindi pa rin siya makatakbo. Pero walang-wala ang pananakit ng binti niya kumpara sa sakit na araw-araw ay parang pumupunit sa puso niya. Ang pagkamatay ni Hailey, ang panlalamig ng mga magulang at ang nalamang paghihiganti ni Aleron, hanggang kailan niya ba iindahin ang mga iyon?

“Holly…”

Walang buhay na natawa siya nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Ilang ulit na ba niyang narinig sa isip ang boses na iyon ni Aleron sa nakalipas na mga bwan? Hindi niya na mabilang. Ang pagha-hallucinate ay para bang naging normal na gawain na para sa kanya.

“Holly, I’m so sorry-“

“Damn it.” Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya sa frustration na nadarama. “For crying out loud, leave my mind even for a moment, Aleron! Ang sakit mo na nga sa puso, problema ka pa sa isip. Utang na loob,” Gumalaw ang mga balikat niya sa pagluha. “Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Maawa ka naman.”

“ALERON? Aleron Williams?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Aleron nang marinig ang naninigurong tanong na iyon ng isang lalaking kabababa lang mula sa kotse nito. Gaya niya ay sa harap din ng mansyon ng mga Lejarde nito ipinarada ang sasakyan nito. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng gate roon pero hindi niya magawang mag-doorbell para ipaalam ang presensiya niya.

Kadarating niya pa lang sa bansa. Nagbihis lang siya sandali bago siya dumeretso papunta sa townhouse ni Holly, nagbabaka-sakaling naroroon pa rin ito. Pero ayon sa mga napagtanungan niyang kapit-bahay ay ilang bwan na raw hindi umuuwi roon ang dalaga. Kaya sa mansyon ng mga magulang ni Holly siya sumunod na tumuloy.

Napakaraming naglalarong tanong sa isip niya pero kung kailan naroroon na siya at may pagkakataon nang masagot ang mga tanong niya ay saka naman siya inatake ng kaduwagan, saka siya natakot malaman ang totoo dahil natatakot siyang matuklasan na sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nagkamali.

“Ako nga.” Aniya sa bagong dating pagkaraan ng ilang segundo. “And you are?”

“I’m just someone who happened to love Holly. I’m the one she turned down because of you. Alam ko ang totoo. At bilang pag-respeto sa katotohanang iyon, hinihiling ko sanang umalis ka na.” Bahagyang dumiin ang boses ng lalaki. “Leave, Williams, before I lose my control. I’ve never used violence against anyone. Don’t tempt me now.”

Nakipagsukatan ng tingin si Aleron sa bagong dating, hindi inaalintana ang malinaw na pagbabanta sa likod ng mga sinabi nito.

“Kung totoong alam mo ang nangyari, dapat ay alam mo rin ang tungkol sa kapatid ko. I thought Holly was Hailey. Athan left a journal and written there were all the informations about Holly-“

“You should have figured out later on that Holly would never do such thing. Nakilala mo na siya. Dapat ay alam mong-“

Chapter 14 1

Chapter 14 2

Chapter 14 3

Comments

The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings