Login via

The Trouble With Good Beginnings novel Chapter 7

ALERON couldn’t believe he was in love with someone whose eyes can glimmer just by actually seeing Jollibee, someone who can be so forgetful. May mga pagkakataong hanap ng hanap si Holly ng mga bagay na nasa kamay na pala nito, nalimutan lang nito.

Bigla na lang itong lumuluha sa harap ng monitor kapag nagsusulat. Pagkatapos kapag nilapitan ito para damayan, magagalit pa ito dahil ninanakaw daw ang momentum. Iyon pala, ang iniiyakan nito ay ang mga karakter nito sa nobela na naghiwalay, namatay o kung ano pa mang may pinagdaraanang pagsubok sa buhay. I’m in love with her and I don’t even know if she’s real. Shit. She can just be pretending all these time.

Kumuyom ang mga kamay ni Aleron sa naisip. Sunod-sunod na napabuga siya ng mararahas na hininga.

“I love you, Aleron.” Narinig niyang mabining bulong ni Holly. At sapat na iyon, sapat na iyon para tuluyan niyang kalimutan ang lahat.

Ayon sa diary ni Athan ay bigla na lang umanong nanlamig si Holly rito at nakipaghiwalay. Pagkatapos niyon ay nakita na lang nitong iba na ang kasama ni Holly at kahalikan. Pero baka kulang pa ang ibinigay ng kapatid niya. Baka kapag isinuko ni Aleron ang lahat, kapag ibinigay niya kay Holly ang lahat ay magdalawang-isip rin itong iwanan siya. Lahat ng gustuhin nito, ibibigay niya. Handa na siyang pagkatiwalaan ang pagmamahal na nakikita sa mga mata nito. Dahil saka niya lang nagawang sumaya nang dumating ang dalaga sa buhay niya.

Binuksan ni Aleron ang pahina ng buhay niya kay Holly, pahina na ipinagkait niya sa iba. Inilahad niya rito ang lahat maliban sa dalawang bagay: ang tungkol sa pagiging Williams niya at ang koneksyon niya kay Athan. Hindi pa siya nakahandang aminin ang mga iyon. Natatakot siyang iwanan siya nito dahil roon. Narinig niya ang pagsigok ng dalaga matapos niyang magtapat. Lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya.

“Hindi ko pa naranasang maging masaya sa buong buhay ko. When my brother died, kasabay ng pagkawala niya ay ang pagkawala rin ng natitirang positibong emosyon sa puso ko. But every time I’m with you, I feel a certain warmth, a certain glow in my heart. And if that’s what everyone call happiness, then I’m happy to be with you, Holly. When I met you, I stopped regretting I was born.”

Sa tuwing kasama niya si Holly, nalilimutan niya ang kailangan niyang gawin. Siya ang nahulog sa sariling bitag. Napakadali para sa dalaga na pangitiin at patawanin siya sa kabila ng mga pinagdaanan niya.

Bahagyang lumayo kay Aleron si Holly. Puno ng luha ang mga mata nito nang humarap sa kanya. Ipinaloob nito ang mukha niya sa malalambot na mga palad nito.

“I’m so proud of you. Totoong napakahirap nang magmahal pagkatapos ng mga nangyari sa ’yo pero minahal mo ako. I feel so honored. I must have done something good in my past life to have your love right now.” Masuyong hinagkan ni Holly ang noo ni Aleron pababa sa tungki ng kanyang ilong at patungo sa kanyang mga labi.

Sa kabila ng lahat ay napangiti siya. She always make him feel like it was her first time to kiss someone, like his lips were the only ones she had ever kissed. Marahang-marahan ang naging paghalik nito sa kanya na para bang pilit nitong inaalis ang lahat ng sakit na iniinda niya. Ipinikit niya ang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon, natagpuan niya ang kapayapaan. Ngayong tuluyan niya nang sinukuan ang paghihiganti, pakiramdam niya ay nakalaya ang isip at puso niya. Tinugon niya ang bawat halik ng dalaga.

Now that he had her in his arms, for the first time, he stopped thinking just how unfair life was. Ipinaikot ni Aleron ang mga braso sa baywang ni Holly. Nang sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi ay nagmulat siya. Punong-puno ng pangako ang mga mata ng dalaga.

“Simula sa gabing ito, hindi ka na mag-isang makikipagsagupaan sa buhay. Join forces na tayo. I will be your partner in crime, partner in everything.” Kinindatan ni Holly si Aleron. “We will be the greatest love team in the whole world!”

Naiiling na napangiti muli si Aleron. Masarap rin palang magmahal.

“FINALLY, you answered my call! Nasaan ka na ba? Ang sabi mo kanina, nandito ka na?” Kunot ang noong tanong ni Holly sa kabilang linya. Iginala niya ang mga mata sa paligid.

Nasa tabi siya ng isang fountain sa loob ng isang kabubukas pa lang na mall. Ngayon pa lang siya nakapasok roon. Napakalaki at napakalawak niyon kaya pinili niyang pumirmi na lang sa kinaroroonan para madali siyang mahanap ni Aleron kung sakali. Dahil kung siya ang maghahanap sa binata ay baka maligaw lang siya. Hindi pa naman siya matandain sa isang lugar. Bukod pa roon ay puno ng tao roon, halos siksikan pa nga ang mga iyon kung tutuusin.

“Kung hindi lang sana tapos na ang bakasyon ko, sa ibang lugar kita dadalhin.” Sa halip ay sagot ni Aleron. Bakas ang panghihinayang sa boses nito.

Lumalim ang mga gatla sa noo ni Holly. “Ano bang sinasabi mo dyan? Magpakita ka na nga.”

“Think of this place as a world filled with random people. Sa laki nito, it was truly a wonder how two people meet and just fall in love. Noong mahalin mo ako at mahalin rin kita, napatunayan kong hindi pala totoong malupit ang mundo. Paraan ka ng tadhana para ipaalam sa akin na nagkamali ako ng akala. Maybe things happened in my life not just to hurt me but also to prepare me for a kind of life that we are about to have.”

Comments

The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings