Login via

Thirty Last Days novel Chapter 4

HABANG tinititigan ni Cassandra ang gwapong mukha ni Jethro ay gustong manlambot ng mga tuhod niya. Gustong-gusto na niyang tapusin ang paghihirap ng boyfriend at tumango na lang. God. How she loved this man. Tuwing kasama niya si Jethro, pakiramdam niya ay buong-buo siya. Dahil walang kapantay ang pagtanggap nito sa kanya. She never had a purpose in life, a real one, until she fell in love with him.

Bigla ay pumasok sa isip ni Cassandra ang naging pag-uusap nila ni Gertrude nang ito na mismo ang tumawag sa kanya noong nagdaang araw...

"Hindi sa minamadali kita, Cassandra. Pero biglaan kasi ang pagre-resign ng ka-partner ko rito sa boutique." Urgency was evident in Gertrude's voice. "Nag-aalala ako kasi, marami siyang trabahong naiwan. Marami rin akong sketches na kailangang tapusin. Needless to say, I'm desperately in need of a partner right now." Narinig ni Cassandra ang malakas na pagbuntong-hininga ng babae. "I know I can find someone here. Pero wala na akong oras. So I'm taking a chance on you. Bukod sa Filipina ka rin, nakita kong may potensiyal ka. Given a little more time and a proper training, I'm sure you'd make it big in this industry."

"Cassey?" narinig niyang tawag sa kanya ni Jethro.

Bigla ay parang sirang plaka naman na nagpaulit-ulit sa kanyang sistema ang mga sinabi ni Vincent sa opisina ni Jethro. "You're losing your taste, Jethro."

She shut her eyes. Her desire to establish something for herself and for Jethro was tempting her.

Mula nang marinig niya ang mga sinabi ni Vincent, i-deny man niya kay Jethro, ay paulit-ulit na siyang nakadarama ng hiya at panliliit sa sarili. Noon lang niya naramdamang magbe-bente-siyete na siya pero ganoon pa rin ang kanyang buhay, walang pagbabago. Modelo nga siya pero hindi naman iyon matatawag na trabaho dahil kasabay ng panlabas na anyo ay lumilipas din iyon.

Lumuhod si Cassandra at malambing na hinawakan ang mga pisngi ni Jethro. Ayaw na niyang mahila ang binata sa kanyang paglubog. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginusto niyang umangat. Para umangat din ito, para hindi na uli isipin ng iba na nagkamali si Jethro sa pagpili sa kanya. Hindi na niya mababago ang kanyang nakaraan pero magagawan pa niya ng paraan ang kinabukasan nilang dalawa. "Jet, gusto kong umoo. Sobra. Pero hindi pa ngayon. Mahihintay mo ba ako?"

"B-bakit?"

Sandaling nag-alinlangan si Cassandra bago sa huli ay pinili ring sabihin ang totoo. "Nagkita kami ni Chad noong isang araw. May kakilala siyang designer sa France na pwedeng tumulong sa akin-"

Mabilis na bumitaw sa kanya si Jethro at tumayo. Mayamaya ay natigilan siya sa nakikitang galit sa mukha nito. "Kung gano'n, totoo pala ang mga sinabi ni Amanda? Nagkita nga kayo ni Chad? He's the reason why you changed your mind, isn't he? My God." Nasapo ng binata ang noo. "I'm so stupid!"

Napasinghap si Cassandra. Tama nga ang hinala niyang kotse ng girlfriend ni Vincent na si Amanda ang nakita niyang pumasok sa parking lot noong araw na nakausap niya si Chad. Kailan ba tatantanan ng babae ang pribado niyang buhay? Tumayo siya at pilit na hinawakan sa braso si Jethro pero umiwas ito. "Jet, makinig ka muna. Please. Hindi mo naiintindihan-"

"Ano ba'ng hindi ko naiintindihan? Heck, nagpakagago na naman ako. Sa France?" Natawa si Jethro. "What an excuse! Okay lang sana kung hindi ko rin nalaman mula kay Amanda na naroon si Chad ngayon. Tell me, Cassandra, magkikita ba kayo ro'n, ha? Nang bumalik siya, gano'n na lang? Mang-iiwan ka na sa ere? Siya na naman ba?"

Nangilid ang mga luha niya nang makita ang pagrehistro ng sakit sa mukha ni Jethro. "Jet, hindi gano'n 'yon. Hindi ko magagawang lokohin ka-"

"You've done this before, Cassandra. Niloko at sinaktan mo na ako noon. I'm so stupid to believe that you could change."

Parang piniga ang puso ni Cassandra sa sinabi ni Jethro. Nahihirapan siya dahil alam niyang nasasaktan ang binata. Pero bakit parang napakabilis naman nitong mag-isip ng masama sa kanya? Kahit nagtatampo ay nilapitan niya pa rin si Jethro. "Jet-"

"Just go," sa halip ay mataas ang boses na wika ng binata. "Go!"

Frustrated na napabuntong-hininga si Cassandra. "I will. Pero babalik ako bukas, Jet. Kapag maayos na ang takbo ng isip mo, mag-usap uli tayo-"

"I said go!"

Sa estado ng emosyon ni Jethro, walang nagawa si Cassandra kundi ang tumalikod at umuwi na muna. Pero pagdating niya sa kanilang bahay ay nasorpresa siya nang madatnan ang babaeng nagpakilala bilang si Gertrude. Kausap nito ang kuya Throne niya. Ayon kay Gertrude, nang ipakita nito ang ilan sa mga sketches niya ay nagustuhan daw iyon ng kliyente nito. Gusto ni Getrude na mag-collaborate sila sa paggawa ng mga design para sa isusuot ng kilyente na nagmula sa Hollywood.

Wala naman sanang problema dahil katatapos lang ng kontrata ni Cassandra sa pagmomodelo noong nakaraang lingo. Pero ang gusto ni Gertrude ay sumama na siya sa France sa susunod na araw dahil marami nang mga kailangang asikasuhin sa boutique.

Kitang-kita ni Cassandra ang tuwa sa mukha ni Throne. Kaya kahit kasasabi lang niya sa kapatid ng kasalukuyang estado nila ng boyfriend ay hinikayat pa rin siya nitong umalis. Ayon kay Throne, ayusin na raw muna niya ang kanyang sarili, saka siya bumalik para ayusin naman ang kanilang relasyon ni Jethro dahil maiintindihan naman daw siya ng boyfriend sa dulo.

Nagpahikayat naman siya sa pag-asang ganoon nga ang manggyayari. Mabilis na tumawag si Throne sa travelling agent na kakilala at ginamit ang koneksiyon. Pinalad siyang makuha bilang chance passenger. Pero bago umalis ay binalikan niya si Jethro sa Batangas, kasama ni Throne.

"Jet, utang-na-loob, mag-usap na muna tayo bago man lang ako umalis," nagmamakaawang sinabi ni Cassandra nang makitang pasakay na sa kotse nito si Jethro.

"Umalis ka kung gusto mo, wala akong pakialam. Tapos naman na tayo, 'di ba? After all, nakapili ka na." Nang sumakay na ang boyfriend sa kotse ay pinilit pa niyang habulin ito pero pinigilan siya ng kapatid.

"He'll come around, Cassey. Believe me. Sa ngayon, asikasuhin mo na muna ang buhay mo. If you really love him, go and build something for yourself. Make us proud, sweetie."

"Wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti ka, Cassandra." Nahinto si Cassandra sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang boses ni Throne. "So when Gertrude came, I grabbed the chance to push you to give birth to something new. Nagkaroon ka ng sariling mga pakpak, Cassey. Natuto kang lumipad. See? Hindi ako nagkamali... dahil may narating ka."

Chapter 4 1

Chapter 4 2

Chapter 4 3

Comments

The readers' comments on the novel: Thirty Last Days