"SURPRISE."
Nahinto si Jethro sa pagbabasa ng mga dokumentong hawak nang marinig ang isang pamilyar na malambing na boses. Pag-angat niya ng mukha ay hindi na siya nagulat nang makitang nakatayo malapit sa pintuan si Cassandra.
Nakasimpleng bulaklaking damit lang si Cassandra na ang haba ay hanggang kalahati ng mga hita na nagpalitaw sa mahahabang biyas, at tinernuhan lang ng puting sandals na walang takong. Halos tulad pa rin ang dalaga ng dati, simple pa rin kung manamit. Nakatali ang mahabang buhok nito na kulot na ang dulo ngayon, dahilan para mas maging kapansin-pansin ang malasutla nitong leeg.
Kung pagmamasdan nang husto ay wala pa ring ipinagbago si Cassandra, maliban sa taglay na nitong kumpiyansa sa sarili na hindi maikakaila sa paraan ng pagkilos at pananalita; hindi gaya ng dati na kahit pa modelo ay mailap at bahagyang nangingimi kapag kinakausap.
Mapait na napangiti si Jethro. Mukhang nahiyang si Cassandra sa ibang bansa dahil mas gumanda ito ngayon. Mamula-mula ang balat nito. Masigla rin ang ngiti kaya gusto niyang pagtakhan ang nakikitang lungkot sa mga mata nito.
Sa naisip ay naipilig niya ang ulo. Malay ba niya kung nagkakamali lang siya ng basa? Dahil minsan sa buhay niya ay nagpadala na siya sa malulungkot na matang nasa harap at hindi naging maganda ang kinahinatnan niyon.
Malakas siyang napatikhim. "Next time, I guess I should remind my secretary to be careful who she lets in. Dapat niyang maintindihan na hindi por que naging bahagi ng nakaraan ng boss niya ang isang bisita ay papapasukin niya na kaagad nang hindi man lang kinukumpirma sa akin."
Nabura ang ngiti ni Cassandra. "Jet naman-"
"A conversation with an old flame is not on my priority list right now, Cassandra. So get straight to the damn point." Sumandal si Jethro sa swivel chair, pagkatapos ay sinalubong ang mga mata ng dalaga. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Pangalawang beses pa lang nating nagkikita ngayon pagkalipas ng apat na taon, Jet. Wala ka man lang bang-"
Kumunot ang noo niya. "At ano'ng gusto mong gawin ko? Throw you a party with a banner that says 'welcome back'?"
"N-NO, IT'S NOT t-that." mahinang sagot ni Cassandra pagkalipas ng mahabang sandali. Parang nauubusan ng lakas na naupo siya sa couch na naroon at ipinatong ang nanginginig na mga kamay sa kanyang hita. "H-hindi mo man lang ba ako... kukumustahin, Jet?" Pinilit niyang ngumiti. "Fashion designer na ako ngayon."
"Oh, right. Sikat ka na nga pala. Pasensiya na, nakalimutan kong batiin ka kaagad." Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Jethro. "Congratulations, Cassandra. Gusto ko pa sanang makinig sa mga ipinagmamalaki mong narating mo pero," sumulyap ito sa wristwatch, "may mga gagawin pa kasi ako."
Napabuntong-hininga si Cassandra. "Pero hindi ko naman ipinagmamalaking may narating na ako, Jet. Alam mo ba kung ano'ng ipinagmamalaki ko?" Lakas-loob na nakipagtitigan siya kay Jethro. "It's the fact that once upon a time in your crazy life, you actually fell in love with someone like me. Dahil noon pa lang na minahal mo ako, may narating na kaagad ako."
Nagsalubong ang mga kilay ni Jethro. "So that was the reason why you came here? Para ipaalala ang nakaraan?"
"Oo. Mahal pa rin kita, Jet. Bumalik ako para sa 'yo-"
"At ano nama'ng akala mo sa pagmamahal, Cassandra? Rest house? Na kung kailan mo lang gusto, saka mo pupuntahan at kapag ayaw mo na, bigla mo na lang iiwan?" punong-puno ng sarkasmong wika ng binata. "I'm not one of your possessions, Cassandra. You can't always return to me whenever you want to. I can't be your rest house forever."
Napayuko si Cassandra. "Alam ko."
"Dapat alam mo rin na sa tagal mong nawala, hindi na imposible kung may ibang nagkainteres at umupa sa bahay na iniwanan mo."
Nag-angat na siya ng tingin. "Pero tulad nga ng sinabi mo, umupa pa lang naman-"
"Umupa nga," Muling tumaas ang sulok ng mga labi ni Jethro. "Pero gusto ko na siyang gawing permanenteng boarder. Paano ba 'yan?"
"Ano'ng... ano'ng nangyari sa 'yo?" sa halip ay hindi napigilang tanong ni Cassandra. Habang tinititigan niya si Jethro, pakiramdam niya ay nakatitig siya sa isang estranghero. Dahil kung pakitunguhan siya nito ay ni wala man lang bakas na naging magkarelasyon sila.
"Sometimes, the past changes a person, Cassandra," sinabi ng binata, pagkatapos ay tumayo na, lumapit sa pinto at binuksan. "I believe we're done talking." Nang hindi kumilos si Cassandra ay para bang naiinis itong napabuntong-hininga. "Don't you have anything better to do?"
"Actually I have." mahinang sagot niya bago tumayo at dahan-dahang naglakad papalapit. "Bukod sa titigan ka, lapitan ka, kausapin ka, at ma-miss ka kahit nasa harap lang kita, siyempre, may mga bagay pa ako na naiisip na mas matinong gawin... tulad na lang ng halikan ka."
Tinawid ni Cassandra ang distansya sa pagitan nila ni Jethro, saka maagap na ikinawit ang mga braso sa batok nito at buong pusong hinalikan sa mga labi. She shut her eyes and savored the kiss. God... she had yearned for those lips. Pero pakiramdam niya ay para siyang humahalik sa isang rebulto. Nang imulat niya ang mga mata ay bumungad sa kanya ang nagyeyelong mga tingin nito dahilan para dahan-dahan din siyang bumitaw.
"Just how many times do I have to pretend you're Dana every time you kiss me, para lang hindi ka mapahiya, Cassandra?"
Napapikit siya nang mariin. Just when she thought she had heard enough, he would say another word to prove her wrong. Sana ay sinaktan na lang siya ni Jethro. Tutal, ang mga pilat naman ay naghihilom pero hindi ang sakit na dulot ng mga salita nito.
Pagmulat niya ay mabibilis ang mga hakbang na lumabas na siya para lang mapasinghap sa narinig na pahabol nito.
"O, aalis ka na?"
"Yeah, quota na kasi ako."
"GALING SIYA RITO... hindi ba?"
Comments
The readers' comments on the novel: Thirty Last Days