Napabilis ang tibok ng puso ni Madeline sa hindi inaasahang matamis na pakikitungo nito. Namula rin siya nang bahagya.
Itinaas niya ang kanyang ulo para tignan si Jeremy. Ang gwapo niya talaga kahit nakatagilid, subalit tila ba wala na namang paki ang mukha nito.
“Andito si Lolo.”
Sinabi niya ang tatlong salitang iyon nang malamig at agad itong naunawaan ni Madeline.
Gusto lamang niyang magpanggap na maayos sila sa harap ng Old Master Whitman. Nanlamig na naman ang puso ni Madeline, at naramdaman niyang isang kabalintunaan ang lahat.
Walang ibang tao sa hapag. Kung mayroon, si Meredith lang.
Mabuti ang mga mata ni Old Master Whitman. Subalit, sa hindi maipaliwanag na dahilan, pamilyar siya. Tila ba nagkita na sila dati.
Ang ikinagulat ni Madeline ay kung paanong hindi pinansin ni Jeremy si Meredith at inasikaso lamang siya nito upang mapasaya ang old master.
Hindi lamang siya nito pinagdalhan ng pagkain, kundi pinagbalat pa siya nito ng hipon. Ito ang unang beses na nakita ni Madeline ang banayad na ngiti ni Jeremy.
Umangat ang tingin ni Madeline kay Meredith. Pinuwersa nitong ngumiti, halata namang hindi siya masaya sa nangyayari.
Tila ba panaginip ang lahat. Subalit, alam niyang matatapos na ito.
Matapos ang hapunan, hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline papunta sa garahe. Umabot ang init na ito sa puso ni Madeline kaya agad siyang namula. Gusto na lamang niyang manatili sa pagkakataong ito.
Ganoon pa man, malupit ang katotohanan.
Nang makarating na sila sa gilid ng kotse, inalis ni Jeremy ang kamay ni Madeline sa pandidiri.
“Umalis ka na.”
Biglang nagulantang si Madeline sa ginawa nito.
Pinanood niyang buksan ni Jeremy ang pinto para kay Meredith na sumunod sa kanila. Sunod, nakatulala na lamang siya habang papaalis ang kotse at nawala na sila sa paningin ni Madeline.
Naiwan si Madeline na mag-isa sa isang madilim na daan. Tumama ang hangin sa mukha niya, at nabalot ng kalamigan ang kanyang puso. Dagdag pa roon, tinangay rin ng hanging ito ang pagpapanggap na mahal nila ang isa’t isa kanina.
…
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman