Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 16

Natapos panoorin ni Jeremy ang video, at blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Saan mo ito nakuha?” Malamig ang boses niya.

Para bang kalokohan ang naririnig ni Madeline. “Mahalaga pa ba kung saan ko ito nakuha? Hindi ba ang katotohanan ang dapat mong pagtuunan ng pansin.”

“Ang katotohanan?” Inangat ni Jeremy ang kanyang ulo at dinelete ang video sa isang swipe ng kanyang kamay. Dinelete niya rin ang backup copy nito na nasa album ni Madeline.

Gulat na gulat si Madeline sa mga kilos nito. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Subalit, huli na ang lahat. Wala ng laman ang album niya.

“Jeremy, bakit? Bakit mo iyon ginawa? Hindi mo ba alam kung gaano karaming tao ang hinahamak ako ngayon? Iyan lamang ang video na makapagpapatunay na wala akong ginawang kasalanan!”

Naging emosyonal si Madeline.

Subalit, napasinghal lang si Jeremy. “Ano bang kinalaman ng pagiging inosente mo sa akin? Magiging maayos ang lahat basta masaya si Meredith.”

Hindi makapagsalita si Madeline sa tanong ni Jeremy.

Wala siyang paki sa pagiging inosente niya at sa buhay ni Madeline!

Si Meredith lamang ang gusto niya. Kaya kahit may masama itong gawin, ayos lang.

Dahil nga naman mahal niya ito. Nabubulag siya ng pagmamahal; masyado niya itong iniibig para magkaroon ng prinsipyo.

Sa isang bigla, napakalma si Madeline. Nang tignan niya ang lalaking nasa harap niya, tutulo na sana ang luha niya. “Jeremy, ayos lang ba sa iyo kung mamatay ako dahil sa ginagawa nilang cyberbullying?”

Hindi inangat ni Jeremy ang kanyang ulo. “Mamamatay ka ba?”

Malamig ang kanyang sagot. Tila ba isa itong kutsilyo na tumusok sa puso niya. Bawat pulgadang bumabaon sa kanya, kumakalat ang sakit sa katawan ni Madeline.

Kinuyom niya ang kanyang kamao. Nanlabo ang gwapong mukha nito dahil sa luha niya. “Jeremy, sana ganyan ka pa rin hanggang sa araw na mangyari iyon.”

Nang sabihin ito, umalis na si Madeline at hindi na lumingon pa. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang walang tigil.

Pwede naman niyang kalimutan ang pagmamahal na mayroon siya para sa lalaking ito sa nakalipas na labindalawang taon. Hindi lang siya makapaniwala na nahulog ang loob niya kay Jeremy.

Umalis si Madeline papalabas ng gusali at nagsimula pang umulan. Nakatulala siya at hindi napansing may kotseng papalapit.

“Screech!” Isang nakabibinging tunog ang maririnig nang tumigil ang sasakyan, inangat ni Madeline ang kanyang tingin. Subalit, malabo ang mata niya dahil sa ulan at luha. Gayundin, kita niya na may lalaking lumabas sa kotse at nagmadaling puntahan siya. Bago niya pa makita ang mukha nito, nahimatay na siya.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman