Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 17

Naulanan si Madeline ng malalamig na pamimintang mula sa lalaki, at para bang isang malaking biro ang lahat.

“Hindi ba alam mo namang ganyan talaga ako, Mr. Whitman?”

Lalong nagalit si Jeremy sa sagot ni Madeline. Inangat niya nang marahas ang baba nito at tinignan ito nang masama gamit ang kanyang mga itim na mata.

“Nagpunta ka pala para hanapin ang dati mong nobyo, hmm?”

‘Dating nobyo? Si Daniel siguro ang tinutukoy niya.’

Magkaklase si Jeremy at Daniel. Dalawang taon na mas matanda ito sa kanya at seniors niya sila.

Nang umamin si Daniel kay Madeline noong graduation ceremony, inakala ng lahat na nagdedate na sila pagkatapos no’n.

Hindi alam ni Madeline na pinaniwalaan rin ni Jeremy ang mga sabi-sabing iyon.

“Madeline, sinasabi ko s aiyo, kahit paalisin kita sa buhay ko, hindi ka makakapunta sa ibang lalaki. Gusto kong makita kung sino ang mangangahas na pulutin ang basurang tinapon ko na dati!”

Basura.

Nilalarawan siya ng lalaking ito gamit ang mga gano’ng salita.

Nananakit ang puso ni Madeline. Tinulak niya ang lalaki ng buong pwersa na hindi niya inakalang mayroon siya.

“Jeremy, hindi porket ayaw mo sa kasal nito at may iba ka ay ganoon rin ako! Isang lalaki lang ang mayroon ako at ikaw lang ‘yun! Hindi mo lang ako pinahiya sa mga salita mo pati na rin ang sarili mo!”

Pagkatapos itong sabihin, agad na tumakbo si Madeline sa kanyang kwarto.

Sa kabilang banda, nakatayo lamang si Jeremy roon; ang agwat sa kanyang mga braso ay tila ba nakapagpatulala sa kanya. Inangat niya ang kanyang ulo para tignan ang likod ni Madeline at napasimangot nang kaunti. Tumama ang liwanag ng buwan sa kanyang mukha at kitang hindi maipaliwanag ang kanyang ekspresyon.

Nagpunta si Madeline sa trabaho gaya ng nakasanayan. Subalit, sa pagkakataong pumasok siya sa opisina, pinatawag siya sa human resources department.

Binigyan siya ng manager niya ng isang resignation letter, at nalito si Madeline. Ganoon pa man, malamig nitong sinabi, “Hindi kami tumatanggap ng isang magnanakaw.”

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman