Inakala ni Madeline na maganda ang sagot niya, subalit, nang marinig ang sinabi ni Meredith, talagang talo na siya.
Kasama pala nito si Jeremy para sa kanyang maternal checkup.
Isang bagay dapat ito na ginagawa ng mag-asawa; subalit ibang babae ang inuuna ni Jeremy.
Naglakad si Meredith sa harap ni Madeline. “Maddie, anong mali? Nalungkot ka ba? Nasira ang puso?”
Kinuyom ni Madeline ang kanyang mga kamao, pinipigilan niyang mawala ang kanyang kalma. “Hindi, iniisip ko lang na walang hiya ka.”
Matapos sabihin iyon, tumingin lamang siya nang diretso sa namimilipit na mukha ni Meredith.
“Meredith, hindi ko akalaing makakahanap ako ng babaeng kasing walang hiya at yabang mo; masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo kahit kabit ka lang.”
“Ikaw…”
“Balanga raw, malalaman rin ni Jeremy na hindi sa kanya ang dala-dala mong bata.”
Tila ba napupunit ang maskara ni Meredith sa mga sinabi ni Madeline. Subalit, bigla siyang ngumiti, “Masyado akong mahal ni Jeremy kahit hindi sa kanya ang bata, mamahalin niya pa rin ako nang walang tigil. Hindi gaya mo, ano naman kung nasa iyo ang anak niya? Hindi niya lang ayaw rito, hindi niya pa hahayaang manganak ka!”
Nagngitngit ang ngipin ni Meredith at hinila niya si Madeline na papaalis na. Sa sumunod na bigla, lumubog ang mukha ni Meredith, at umiyak. Malakas ang boses niya habang nagsasalita siya.
“Maddie, pakiusap. Mahal ko si Jeremy. Ibalik mo siya sa akin.”
Ano?
“Maddie, sumigaw ka lang at saktan mo ako. Huwag lang ang anak ko! Ah!”
Sumigaw si Meredith at sa parehong pagkakataon, binitawan niya ang kamay ni Madeline saka nagpagulong-gulong sa hagdan.
Lahat ng klase ng tingin ay napuno ng pagbibintang at gulat kay Madeline. May sumigaw pa at sinabing, “Tinulak ng babaeng iyan ang isang buntis sa hagdan!”
“Hindi ako! Hindi ko siya tinulak!”
Sinubukang ni Madeline na magpaliwanag, subalit walang naniwala sa kanya.
Gusto niyang bumaba para tignan ang kondisyon ni Meredith nang biglang may humila sa kanya.
Paulit-ulit na sinasabi ni Madeline na hindi niya tinulak si Meredith. Subalit, nilagay ng pulis sa kanyang harap ang tinatawag nilang ebidensya.
Pinakita sa security footage ng ospital na kausap niya si Meredith sa may hagdan.
Sa pagkakataong iyon, ang mukha ni Meredith ay mabait at palakaibigan, samantalang malamig naman ang kay Madeline. Nagsimula silang magtulakan. Matapos iyon, ‘natulak’ raw si Meredith sa hagdan ni Madeline.
Dalawa pa ngang buntis ang nagtungo para magbigay testimonya. Sinabi nilang nagmakaawa si Meredith na huwag saktan ni Madeline ang kanyang anak. Sunod, paglingon nila, nakita nilang natulak ni Madeline si Meredith sa hagdan.
Gulat na gulat si Madeline nang makita ang ebidensya pati na rin ang mga testimonya.
Naloko na naman siya ni Meredith. Nagawa nitong lokohin ang lahat. Dahil dito, dinala si Madeline sa isang kulungan.
Nabahala at kinabahan si Madeline nang makita ang mga metal na rehas at madilim na paligid.
Kapag naparatangan siyang may sala, paniguradong mapupunta siya sa kulungan. Subalit, buntis siya sa pagkakataong ito. Hindi niya hahayaang malagay sa peligro ang kanyang anak.
Habang iniisip ito, agad na tumakbo si Madeline sa rehas habang natataranta. “Na-frame lang ako! Wala akong kahit sinong itinulak! Gusto kong makita ang asawa ko! Pakiusap, gusto ko siyang makita!”
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman