Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 19

Matapos ang ilang sandal, dumating na si Jeremy. Subalit, hindi upang makita si Maddie. Kundi, upang parangalan siya nang matindi.

Madilim ang liwanag sa meeting room. Ganoon pa man, sapat na ito para makita ni Madeline ang malisya at galit sa mukha ng lalaki.

Pirming sumagot si Madeline. “Hindi ko tinulak si Meredith. Nahulog lang siya sa sarili niya. Jeremy, pakiusap maniwala ka naman!”

Nang marinig ang mga salita niya, inabot niya ang kanyang kamay kay Madeline. Sinunggaban niya ito sa likod ng leeg saka hinila papunta sa kanya.

Para bang matatalas na kutsilyo ang tingin nito kay Madeline at saka sinabing, “Hindi lamang may ebidensya, pero may mga nakakikita pa. Pero may apog ka pa ring sabihin na hindi mo iyon kagagawan?”

“Hindi ko naman talaga ginawa! Finrame lang ako ni Meredith. Hindi ko siya tinulak! Hindi!” Nagiging emosyal na si Madeline. Patuloy niyang sinasambit ang totoo sa pag-asang maniwala sa kanya ang lalaki.

Subalit, lalo lamang naging nakakatakot ang mga mata nito. Humigpit ang hawak nito sa kanyang leeg. “Sinasabi mo bang nilagay ni Mer ang kanyang buhay sa peligro pati na rin ang bata? Madeline, sigurado ka bang tama ang teorya mo?”

Tiniis ni Madeline ang sakit sa kanyang tiyan at tumingin sa mga mata ni Jeremy. Tila ba nandidiri ito sa kanya. “Ang batang nasa sinapupunan niya ay hindi…”

“Tumigil ka!”

Bago pa man matapos si Madeline, bastos siyang pinigila ni Jeremy.

Galit na galit ito at tinulak si Madeline.

Nakaposas si Madeline kaya hindi niya masuportahan ang kanyang sarili. Natumba siya sa sahig at nakaramdam ng sakit sa kanyang tiyan. Maputla ang mukha niya, subalit nagngingitngit ang kanyang ngipin at nahihirapan siyang i-angat ang kanyang ulo.

“Jeremy, hindi ko talaga ginawa! Hindi ko siya tinulak!”

Tinignan siya ng lalaki, malamig at madilim ang mga mata nito. “Ipaliwanag mo iyan sa kulungan. Makinig ka sa akin Madeline. Kapag may nangyari kay Mer at sa anak niya, ililibing kita kasama sila!”

Tumama ang kanyang malalamig na salita kay Madeline bago ito umalis nang walang awa.

Malamig ang pawis sa ulo ni Madeline habang gumagapang siya sa direksyon ni Jeremy. Humingi siya ng tulong.

“Jeremy, ang tiyan ko…”

Subalit, hindi tumigil ang lalaki. Lumakad lamang ito paalis.

Sinara ng officer ang rehas ng meeting room at dinala na si Madeline pabalik ng kulungan.

Sa gabing iyon, nagdusa si Madeline sa sakit ng kanyang tiyan. Sinabihan niya rin ang nagbabantay tungkol sa kanyang pagbubuntis, pero wala siyang natanggap na tulong. Sa kabilang banda, pinagsasaktan pa siya ng mga kasamahan niya sa preso.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman