Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 20

Hindi alam ni Madeline ang kanyang gagawin ng maalala ang kanyang kalagayan.

Lahat ng babae ay gusto na ipresenta ang kanilang sarili na maayos sa lalaking kanilang pinakamamahal.

“Sinong nagsabi na pwede kang pumasok?” Sabi ni Jeremy pagkatapos humarang sa pinto.

Tinignan siya ni Madeline at sinabi, “Dito ako nakatira, ito ang bahay ko.”

“Bahay mo?” Sabay tawa ni Jeremy. “Sa tingin mo may karapatan ka na sabihin na pamamahay mo ‘to?”

Nawala ang mga kislap sa mata ni Madeline. Parang sinaksak ng basag na salamin ang puso ni Madeline dahil sa mga sinabi ni Jeremy.

“Kung hindi lang dahil mabait si Mer, malamang nabulok ka na sa bilanguan.” Kitang kita ang pagmamahal ni Jeremy kay Meredith sa kanyang mga sinabi.

Napangisi si Madeline. “Oo, kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi ako hahantong sa ganong lugar.”

Kita na nagalit si Jeremy sa kanyang mga sinabi. “Pagkatapos ang mga nangyari, may lakas ka pa ng loob na sumagot?”

“Hindi ko ginawa ‘yun Jeremy! Nagsasabi ako ng totoo!” Naglakas loob at taas-noo niyang binigyan ng diin ang kanyang sinabi.

Gayunpaman, hindi natinang ang napakagwapong si Jeremy. Tinignan niya si Madeline at sinabii, “So ayaw mo talaga huh? Sige, lumuhod ka doon. Maniniwala ako sayo kapag nanatili kang nakaluhod hanggang sa tumigil ang ulan.”

Nabigla si Madeline, at agad nyang hinawakan ang kanyang tiyan.

“Ayaw mong maniwala ako sa’yo? Bakit nakatayo ka padin dyan?” Masungit na sagot ni Jeremy.

Nakatayo si Madeline sa ulan at tinaas ang kanyang mga matang puno ng luha sa lalaking lubos na nagmalasakit sa kanya sa kanyang alaala. “Jeremy, meron akong...”

“Jeremy, nagugutom na ako.”

Bago pa makatapos magsalitia si Madeline, narinig ang boses ni Meredith mula sa loob ng bahay.

Nandito pala si Meredith.

Matinding sakit ang nagsimulang kumalat sa buong katawan ni Madeline. Nanikip ang kanyang dibdib na para bang nahuhulog siya sa isang walang katapusang kadiliman.

Tumingin si Jeremy kay Madeline. “Dito mananatili si Maredith ngayong gabi. Kung gusto mong pumasok sa bahay na ‘to. Kailangan mo manatiling nakaluhod hanggang sa gusto ko.”

Pagkatapos niya sabihin iyon. Sinara niya ng malakas ang pinto at walang-awang tumalikod.

Ramdam ni Madeline ang malamig na ulan sa kanyang katawan. Kasabay nito, nanlamig din ang kanyang puso kasabay ng paglamig ng kanyang katawan.

Nagsimula ng dumilim ang kalangitan, at nakita ni Madeline na bumukas ang ilaw sa master bedroom. Dalawang anino ang makikita sa kurtina, at napakasakit sa mata na makita ito.

‘Jeremy, paniniwalaan mo ba ‘talaga ako?”

‘Pagkatapos ng lahat, hindi parin ako maikukumpara kay Meredith kapag nakatabi sayo sa kama...’

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman