Hinanap agad ni Madeline si Jeremy. Kasing gwapo pa rin ng dati si Jeremy. Nakauoo siya sa kanyang mesa habang nagbabasa ng ilang dokumento; hindi man lang niya iniangat ang kanyang ulo.
Napahalakhak siya nang malaman niya na nangungutang ng tatlong daang libo si Madeline sa kanya. "Maliit na bagay lang ang pera para sakin Maddie. Pero, hindi kita bibigyan ng kahit isang sentimo."
Nagpatuloy sa pagmamakaawa si Madeline, "May cancer sa baga ang lolo ko, kailangan niya yung pera para sa pagpapagamot niya. Jeremy, please, pahiramin mo ako ng pera. Babayaran kita."
"Babayaran mo ako? Ng ano?" Alam niyang hindi siya kayang bayaran ni Madeline. Subalit, bigla niya sinabi na, "Mapapahiram kita ng pera, pero kailangan mong pumayag sa hinihingi kong divorce."
Hinawakan ng mahigpit ni Madeline ang dulo ng kanyang damit.
Gusto ni Jeremy na maging asawa si Meredith at siya naman ang maging kabit.
Pinigil ni Madeline ang sakit na naramdaman niya. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. "Jeremy, maliban dun, papayag ako sa kahit ano."
Isinara ni Jeremy ang mga dokumentong binabasa niya. Masama ang tingin niya kay Madeline. "Kung hindi ka papayag, huwag ka nang umasa na may makukuha ka sakin."
Noong makita ni Madeline na paalis na siya, wala nang pakialam pa si Madeline sa kahit ano. Hinablot niya ang braso ni Jeremy. "Jeremy, please tulungan mo ang lolo ko. Hindi pwedeng ipagpaliban ang operasyon niya."
Natawa si Jeremy. Walang kahit anong awa sa mga mata niya. "Ano ngayon? Anong kinalaman nun sakin?"
Kinilabutan si Madeline sa kanyang narinig. Biglang naging iba ang tingin niya kay Jeremy.
Habang lumilipad ang isipan ni Madeline, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang baba. Noong matauhan siya, napatingin siya sa mga mata ni Jeremy. Napakaganda ng mga mata at kilay niya; ngunit, makikita ang pang-iinsulto sa ekspresyon ng kanyang mga mata.
"Para kay Mer, bibigyan kita ng ibang paraan. Tutal gustong gusto mo ng pera, pwede mong ibenta ang sarili mo. Hindi magiging problema ang tatlong daang libo sa ganda mo."
Tinulak niya si Madeline at naglakad palayo.
Tumatak sa puso ni Madeline ang mga sinabi ni Jeremy. Muling sumakit ang tumor ni Madeline.
Diniinan niya kung nasaan ang kanyang tumor at uminom siya ng painkiller.
Umaalingawngaw pa rin sa mga tenga niya ang mga sinabi ni Jeremy habang sinusubukan niyang pigilan ang kanyang mga luha. Tinatagan ni Madeline ang kanyang loob at tumayo.
Sa mga sandaling iyon, nandoon din sa silid si Meredith.
Hindi inasahan ni Madeline na si Jeremy ang pinakamayamang customer noong gabing iyon.
Namanhid ang kanyang katawan noong uminom siya ng painkiller. Subalit, bigla na lamang sumakit ang kanyang tumor.
Ayaw nang ipahiya pa ni Madeline ang kanyang sarili kaya naisip na lang niyang umalis.
"Hindi ko inasahan na ibebenta mo talaga ang sarili mo Madeline." Maririnig ang pangungutya sa boses ni Jeremy. Sumakit ang mga kalamnan ni Madeline noong marinig niya iyon. Kasunod nito, lumapit sa kanya si Meredith.
"Ikaw nga Maddie! Bakit ka nandito?"
Gustong masuka ni Madeline noong makita niya ang pagmumukha ni Meredith. "Ibahin niyo 'ko. Nagpunta kayo dito para magpakasaya, habang ako nandito para kumita ng pera."
"Kumita ng pera? Bakit ka nagkaganyan Madeline? Hindi ba't parang pinapahiya mo si Jeremy sa ginagawa mo? Pwede mong sabihin sakin kung kailangan mo ng pera. Paano mo nagawang ibenta ang sarili mo?"
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman