Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 28

Nagbebenta ng katawan?

Hindi sinabi ni Madeline na binebenta niya ang katawan niya kaya siya nandoon, pero iyon agad ang inisip ni Meredith.

Mayroong kasamaan na makikita sa mga mata ni Jeremy. Lalo itong naging nakakatakot. Nagmistula siyang si Satanas na nagmula sa impyerno. Gusto niyang pira-pirasohin si Madeline.

Binenta niya talaga ang sarili niya.

Sasama siya sa kahit sinong lalaki para lang sa pera!

Nagawa pa niyang ipagmalaki na siya lang ang nakagalaw sa kanya noon.

Nakakadiri.

"Maddie, makinig ka sakin. Umuwi ka na, baka magalit si Jeremy. Hindi ko siya mapipigilan kapag nangyari yun."

Nandiri si Madeline sa mahinhin at mahinahong boses no Meredith.

Natutuwa siyang tumingin siya kay Meredith. "Umuwi? May uuwian pa ba ako? Hindi ba't inagaw na ng walang hiyang kabit na gaya mo yung uuwian ko?"

Kakaiba ang itsura ni Meredith. Kumibot ang gilid ng kanyang mga labi at malungkot siyang tumingin kay Jeremy. "Huwag kang magalit kay Maddie, Jeremy. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko na patay na patay ako sayo. Kasalanan ko ang lahat."

Talagang nakakabwisit at napakahipokrito ng ginagawa niyang pag-arte, pero lumapit pa rin sa kanya si Jeremy at hinawakan si Meredith na tila hindi napapansin ang kabulukan niya.

"Huwag kang ganyan, paano mo naman naging kasalanan yun? Ikaw lang ang mahal ko mula pa noon. Yung may kasalanan dito ay yung babaeng nanamantala at pumikot sakin."

'Ikaw lang ang mahal ko mula pa noon.'

Noong sinabi iyon ni Jeremy, pakiramdam ni Madeline ay dinudurog ng pinong-pino ang kanyang puso.

Hehe.

Kailan pa naging si Meredith yung babaeng pinakamamahal niya?

Ngayon, gulat na gulat si Meredith. "Kilala kita. Ikaw yung ex-boyfriend ni Maddie. Naaalala ko na madalas kang makitulog dun sa dating tinitirahan ni Maddie."

Pagkatapos niyang sabihin yun, lumamig ng husto ang paligid.

Kalokohan iyon para kay Madeline. Kailan pa niya naging ex-boyfriend si Tanner?

"Ang tagal nating hindi nagkita Maddie. Ngayong nagkita tayo uli, buhayin natin ulit yung relasyon natin." Nakikipagtulungan si Tanner kay Meredith. Napakasama ng kanyang mga ngisi. Hinila niya si Madeline palapit sa kanya. Hindi makapalag si Madeline sa kanya. Sobrang sakit ng katawan niya kaya hindi siya makawala sa pagkakahawak sa kanya ni Tanner.

"Bitawan mo ako!" Nagpumiglas siya ng husto.

"Anong problema, Maddie? Hindi ka naman ganito dati. Kulang ba ang binigay ko sayo? Dalawang daan? Paano kung dalawang daan ang ibigay ko sayo ngayon? Binibigyan kita lagi ng isang daan dati."

"Manahimik ka! Manahimik ka Tanner! Hindi ko alam…"

"Paanong hindi mo ako makikilala? Malapit tayo sa isa't isa. Naaalala ko pa nga na may nunal ka sa kaliwang dibdib mo!"

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman