Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 30

'Nandidiri ako sayo Madeline.'

Nagmistulang mga palaso na tumusok sa kanyang puso ang mga sinabi ni Jeremy. Nakatuon ang lahat ng ito sa durog-durog niyang puso.

Pinaniwalaan agad ni Jeremy ang mga sinabi ni Meredith. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag si Madeline.

Bumuhos ang nagyeyelong tubig sa kanyang bibig at ilong. Nalulunod na siya. Subalit, hindi na siya nagpumiglas pa.

Hindi ba't mas maganda kung mamatay na lang siya?

Subalit, noong ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata, binuhat siya ni Jeremy at ihinagis sa sahig.

Nagmistulang isang sirang manika si Madeline. Namaluktot si Madeline sa sahig habang basang-basa siya.

Matindi ang sakit na nararamdaman niya dahil sa tumor niya. Sa sobrang sakit nito, nahihirapan na rin siya sa paghinga. Sa kabila nito, iniangat pa rin niya ang kanyang ulo.

"Hindi ko siya kilala. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin Jeremy…"

"Bakit naman ako maniniwala sa sinungaling at napakasamang babae na gaya mo?"

Galit na galit na hinablot ni Jeremy si Madeline. Makikita ang nunal sa kaliwang dibdib ni Madeline. Napuno ng galit at kasamaan ang mga mata ni Jeremy noong maalala niya ang mga sinabi ni Tanner.

Pinunit niya ang damit ni Madeline sa sobrang galit.

Nagmistula siyang isang diktador na nabaliw at pinarusahan ng husto si Madeline.

Maliban sa sakit, wala nang iba pang nararamdaman si Madeline.

Nakita niya kung paano siya tingnan ni Jeremy. Takot na takot siya kay Jeremy sa mga oras na iyon.

Huminga ng malalim si Madeline. Pakiramdam niya ay madudurog ang kanyang mga buto. "Jeremy, huwag…"

"Bakit ka pa nagpapanggap Madeline? Gusto mo 'to di ba? Tutuparin ko yung mga gusto mo." Hinihikayat siya ng malalim at kaakit-akit na boses ni Jeremy.

Noong matapos ito, binato ni Jeremy ng pera si Madeline sa kanyang pagmumukha. Tinrato niya si Madeline na parang isang bayarang babae.

Agad na nanlamig ang dugo sa katawan ni Madeline. Gayunpaman, tumayo si Madeline. "Asawa mo 'ko Jeremy!"

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman