Nang itanong ito ni Jeremy, nahulaan na agad ni Madeline ang sagot.
Tama, tinanggihan ito ng nurse sa kabilang lingya ng telepono. "Ano? Lung cancer? Bukod sa kanyang mental health, ang kanyang katawan ay napakalusog. Pano siya nagka lung cancer? Nagkamali ka ata."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman ni Madeline na tumaas ang kanyang temperatura.
Bago pa ibaba ni Jeremy ang linya, sinabi ng nurse, "Sabi mo nawawala siya kanina lang? Nawala na din siya ilang beses noon pero sabi niya sinabi daw sa kanya ng pamangkin niya na magtago siya kasi nakikipagtaguan daw siya sa kanya."
Nang marinig niya ito, naunawaan ni Madeline lahat.
Walang sakit si lolo at di siya nakidnap. Si Meredith ang nagplano ng lahat ng ito!
"Naiintindihan ko na Maddie. Sinadya mong sabihan si lolo na magtago para mai frame up mo ako sa pagkidnap sa kanya." Nagkusa si Meredith na maunang magsalita. Nagsimula siyang umiyak. "Bakit mo yun nagawa Maddie? Tinuring kitang tunay na kapatid noon pa. Paano mo nagawa ang ganitong bagay para maframe up ako? Kahit na ayaw mo sakin, di mo pwedeng gawing biro ang buhay ni lolo!"
"Bakit mo pa siya tinatanong? Gustong gamitin ng putang to ang pagkakataon na ito para ayawan ka ni Jeremy!" Sumunod si Rose. "Napakasama mong tao Madeline! Pinalaki ka ng mga Crawford at binayaran ang mga bayarin mo sa university. Paano mo nagawa yan sa tumutulong sayo? Di mo lang inagaw ang boyfriend ni Mer, ginawa mo pa ang mga kasuklam-suklam na panlolokong ito. Napaka di makatao mo!"
Sabay na sinabi ng mag-ina at ibinintang ang mga krimen na ito kay Madeline.
Biglang nawalan ng lakas si Madeline. Alam niya na di na niya kailangan pang magpaliwanag. Inilatag ni Meredith ang patibong na ito para sa kanya mismo.
Kahit na magpaliwanag siya hanggang sa masira bibig niya, di pa rin maniniwala sa kanya ang lalaking nasa harapan niya.
Sa kabila nito, umaasa pa rin siya kay Jeremy. "Jeremy, wala akong pake kung maniwala ka sa akin o hindi, pero di ko ginawa ang mga karumal-dumal na bagay na ito."
Pak!
Pagkatapos niyang sabihin ito, nasampal si Madeline sa mukha. Dumugo ang sulok ng kanyang labi.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman