Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 37

Nabigla sila Jon at Rose nang makita nilang sumusuka si Madeline ng dugo, pero kasabay nito ay natuwa rin sila.

Isinara ng dalawa ang pinto at di pinansin si Madeline. Wala talaga silang pake sa kanya. Mas mabuti pa kung mamamatay siya.

Bumaluktot si Madeline sa gitna ng mga halaman habang ang kanyang katawan ay balot ng dumi at tubig ulan. Hinawakan niya ang masakit niyang sikmura at pinanood na dalhin ni Jeremy si Meredith papasok ng kotse.

Nakikita siya nito mula sa rearview mirror, pero ayaw niya man lang tumingin sa kanya.

Sa kabilang banda, si Meredith ay nakatitig sa kanya. Matagumpay siyang ngumiti nang makita niyang kasinputla ng bangkay si Madeline at puno ng dugo ang kanyang bibig.

Ibinaba ni Madeline ang kanyang kamay na kawawang humihingi ng tulong nang panoorin niyang umandar palayo ang kotse.

Lumabo ang paningin niya dahil sa luha at ulan.

Labis siyang nag-aalala sa anak ni Meredith, pero wala siyang pakialam sa bata sa kanyang tiyan. Binalak pa nitong patayin ang bata sa kanyang tiyan.

Malungkot na humagikhik si Madeline. Tinawanan niya kung gaano kalungkot ang buhay niya.

Kailan pa naging ganito ang buhay niya? Siguro nagsimula ito nung sandaling nahulog ang loob niya sa lalaking di niya dapat minahal.

Naospital si Madeline sa loob ng ilang araw dahil sa kanyang panloob at panlabas na mga sugat. Mabuti na lang at maayos ang lagay ng anak niya.

Walang nagtanong tungkol sa kanya nitong mga nakaraang araw. Si Daniel lamang ang tumawag sa kanya at nagtanong kung anong kalagayan niya. Huminto muna saglit si Madeline bago magpanggap na parang walang nangyari. Ayaw niyang pag-initan pa ni Jeremy si Daniel.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman