Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 38

Umuwi si Madeline sa bahay. Balak niyang umalis matapos mag-impake ng damit. Subalit, nang makita niya ang mga pambatang damit sa sofa, di niya mapigilang hawakan ang mga ito at mag-alinlangan.

Nang maalala niya na si Jeremy ang bumili ng mga pambatang damit na ito para kay Meredith, nakaramdam siya ng di maipaliwanag na sakit sa kanyang dibdib.

Hinawakan niya ang kanyang tatlong buwang nagbubuntis na tiyan. Nararamdaman niyang napupuwing siya ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.

Subalit, mabilis na pinawi ni Madeline ang kanyang mga luha.

Kinamuhian niya ang kanyang sarili dahil wala siyang narating sa buhay. Napakalupit sa kanya ng lalaking itp subalit labis pa rin siyang nag-aalala at nasasabik sa lalaking ito na di niya makukuha.

Kumuha si Madeline ng damit na pambata at bumaba. Subalit, di niya inasahan na makakasalubong niya sila Jeremy at Meredith sa pinto.

Nang makita niyang palapit si Meredith habang hawak ang kamay ni Jeremy, nagsimulang sumakit ang puso ni Madeline na para bang tinutusok ito ng isang milyong karayom.

"San ka pupunta Maddie?" Tanong ni Meredith habang inosenteng kumukurap. Tinignan niya ang eyebags sa mga mata ni Madeline at nagpanggap na nagtataka. "Eh, kailan ka nagpunta sa maternity shop Maddie? Gusto mo bang bigyan ng regalo ang baby ko?"

Di pa kailanman nakakita si Madeline ng isang kabit na kasintapang ni Meredith noon.

Nandidiri niyang tinignan si Meredith. "Proud na proud ka na ipagbuntis ang anak ng isang lalaking may asawa. Ang kapal ng mukha mo Meredith."

Nanlumo ang mukha ni Meredith. Namimighati siyang tumingin kay Jeremy. "Dapat siguro umuwi na ako Jeremy. Nag-aalala ako na baka magselos uli si Maddie. Ayos lang na saktan niya ako, pero pag sinaktan niya ang anak ko, nag-aalala ko na baka di ko siya maalagaan."

Inosente niya itong sinabi, pero halatang sinusubukan niyang galitin si Jeremy.

"Di ikaw ang dapat umalis." Tinitigan ni Jeremy si Madeline nang malamig. "Lumayas ka. Wag ka nang magpapakita ulit kay Mer." Galit siyang nagbabala. Tapos tinuro niya ang pambatang damit na hawak ni Madeline.

"Binili ko yan para sa anak ni Meredith. Sinong nagpahintulot sayo na hawakan yan? Alam mo ba kung gaano ka kadumi? Paanong magsusuot ang anak ko gn damit na nahawakan mo na?"

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman