Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 4

Hindi makilala ni Madeline kung sino ang babaeng kausap ni Meredith habang nilalait siya.

Simula noong makapasok siya sa Crawford Family at makilala si Meredith, inisip niyang isa itong dalaga na mabait, mapagkumbaba, elegante, at mahinahon. Subalit, sa ngayon…

“Galit na galit ako! Nagsayang pa ako ng oras para bumuo ng isang plano at para painumin si Jeremy ng inuming may droga. Nagtawag pa nga ako ng mga reporters para may ebidensya na kasama ko si Jeremy sa gabing iyon para pumayag na rin ang Old Man Whitman na ikasal ako sa kanila. Sino naman ang mag-aakalang mali ang room number na napuntahan ko at iba pala ang kasama ko sa gabing iyon, talagang aksidente pang sinuwerte si Madeline!”

Ito pala ang katotohanan; ito ang totoong mukha ng isang mabuting kapatid na kunwaring humihingi ng awa para sa kanya ilang minuto lang ang nakararaan.

Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Talagang mababaliw siya sa mga naririnig niya.

Ito ang babaeng pinakamamahal at pinakamabuti sa mga mata ni Jeremy.

Malambing ito at madaling makausap sa mata ng lahat.

Bukod pa roon, mataas talaga ang pagtingin niya rito dati.

“Tanga ka rin. Bakit nagkamali ka ng pasok ng kwarto?” Nagreklamo pa si Rose, ang nanay ni Meredith.

“Gusto kong maging mas masaya kaya ininom ko na rin ang droga. Hindi ko naman akalaing epektibo pala talaga?” Naiinis na sagot ni Meredith. “Anong sunod nating gagawin? Ayokong manatili siya sa posisyon niya bilang Mrs. Whitman kahit isang segundo lang! Akin si Jeremy!”

“Simple lang naman. Kita mo naman ang pag-aalala ni Jeremy ngayon. Sabihin mo lang ang isang salita, hihiwalayan niya ang hayop na iyon!” Kampanteng sagot ni Jon.

Nagsimulang tumawa si Rose. “Tama ang papa mo. Napilit lang naman si Jeremy ng matandang iyon. Ikaw talaga ang mahal niya. Kahit anong sabihin mo, sa iyo ang posisyon ng Mrs. Whitman!”

Napasinghal si Meredith. “Sino ba ang walang kwentang iyon? Ang kapal naman ng mukha niyang labanan ako para kay Jeremy. Kung hindi lang nag-match ang bone marrow namin, hindi naman siya makakatapak sa bahay natin. Alam mo ba kung paano ako nandidiri sa tuwing tinatawag ko siyang kapatid?”

Nang marinig ang mga salita ni Meredith, naramdaman ni Madeline na nandilim ang kanyang paningin. Tila ba may gumagapang na lamig sa paanan niya.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman