Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 47

Naging isa sa mga maharlika si Meredith mula sa apat na pinakamayayamang pamilya sa Glendale. Kung may manggugulo sa kanya, baka hindi na sila manatili sa lugar na ito.

Ayaw niyang mapahamak si Ava nang dahil sa kanya.

Pagkatapos niyang magmuni-muni tungkol sa kanyang masakit na karanasan, nagpasya si Madeline na magsimulang muli.

Magagawa niya lang na ipaghiganti ang kanyang sarili at ang kanyang patay na ang kung tatayo siya mula sa pagkalugmok.

Dalawang araw ang nagdaan, nagpunta si Madeline sa kanyang bagong kumpanya para magtrabaho.

Hindi pa gumagaling ang iba sa mga sugat sa mukha ni Madeline kaya gumamit siya ng concealer para itago ang mga pasa.

Pagkadating niya sa opisina, bago pa siya makaupo ay pinatawag na siya ni Eve Garcia-- ang kanyang superior.

Mukhang isang malakas at makapangyarihang businesswoman si Eve. Nakasuot siya ng mga pinaka-usong damit at maganda rin siya. Subalit, laging seryoso ang kanyang ekspresyon kaya mukhang napakaseryoso niya. Dahil dito ay kinakabahan nang todo si Madeline. Nag-aalala siya na baka magkamali siya at pumalpak sa kanyang probation.

Subalit, mabait si Eve sa kanya. Sinabi niya kay Madeline na ayos lang na matagalan siya at hindi niya kailangang mag-alala sa mga bagay na iyon.

Iniisip ni Madeline ay malamig ang kanyang superior sa labas at mabait sa kalooban. Seryoso lang talaga siya sa kanyang pananalita at mga gawi. Nang nanananghalian sila sa cafeteria, nakita niya ito na nakaupo kasama ang ilan sa kanilang mga babaeng katrabaho na nakangisi nang may pagkamuhi.

"Napakawalang kwenta naman ni Madeline. Hindi siya makagawa ng kahit na anong tama. Kung hindi lang sinabi ni boss na i-hire ko siya, kahit tignan siya ay di ko gagawin."

Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline.

Sino ang boss na sinasabi ni Eve? Naalala niya na nakita niya si Meredith sa tapat ng office building. Pagmamay-ari din ba ng Montgomery ang kumpanyang ito?

"Nasa department natin ang isang dating nakulong, dating naging call girl, at nangnakaw ng gawa ng iba. Nandidiri ako! Gusto ng babaeng iyon na maging parte ng design ng ating department. Hindi ba sila nag-aalala na baka sirain niya ang ating trabaho?" Namumuhing sabi ni Eve. Ang inis sa kanyang boses ay talagang naiiba sa kanyang pagiging magalang kanina.

Subalit, mas naging sigurado si Madeline na may koneksyon nga kay Meredith ang kumpanyang ito mula sa kanyang mga sinabi.

Si Meredith lang ang taong magsasalita nang masama sa kanya at dudungis sa kanyang pangalan.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman