Ganoon na nga, ang dahilan kung bakit niya nakuha nang ganoon kadali ang trabahong ito ay dahil may ginawa si Meredith.
Subalit, hindi tanga si Madeline. Paanong magiging mabait si Meredith?
"Tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo. Hindi ka nandidiri, pero ako, oo." Hinawi niya ang kamay ni Meredith na papalapit sa kanya.
Ginilid ni Meredith ang kanyang katawan na para bang napakahina at napakahinhin niya. Pagkatapos ay sumandal siya kay Eloise.
Nakita ni Eloise na kinakanti ang kanyang pinakamamahal na anak kaya galit siyang lumapit kay Madeline at hinarangan si Meredith sa kanyang likuran.
"Madeline, 'wag kang maging bulag sa kung anong maganda para sa'yo! Kung hindi nagmakaawa sa'kin si Mer, hindi ko sana hahayaan na magtrabaho sa company ang isang taong kagaya mo!" Galit na sabi ni Eloise.
"Kahit na hindi ka tunay na kapatid ni Mer, hindi siya nakipag-away sa'yo kahit na paulit-ulit mo siyang kinakanti. Iniisip ka pa nga niya eh. Ok lang kung hindi ka magpasalamat, pero balak mo pang kagatin ang nagpapasubo sa'yo!"
Ayan na naman ang katagang iyan.
Magbabago na ang pagtingin ni Madeline sa kasabihang iyon simula ngayon.
Hanggang ngayon, wala pa rin siyang alam kung anong kabutihan ang binigay sa kanya ni Meredith. Ang tanging binigay lang ni Meredith sa kanya ay patong-patong na sakit.
Nang makita ni Madeline si Eloise na pinoprotektahan si Meredith habang pinapagalitan siya, nakaramdam siya muli ng sakit sa kanyang puso.
"It's fine, Mom. Naiintindihan ko si Maddie. Hindi siya nakaranas na magkaroon ng magulang simula noong bata pa siya kaya medyo kakaiba ang kanyang persepsyon. Please 'wag kang magalit sa kanya," hinawakan ni Meredith ang kamay ni Eloise at nagsabi nang may mapangunawang tono.
Pagod na si Madeline na ipaliwanag ang kanyang sarili. Umiral siya at nagsabing, "Nakakadiri."
Bumagsak ang mukha ni Eloise. Nang may sasabihin pa sana siya ay pinigilan na naman siya ni Meredith.
"Maddie, kung gaganda ang pakiramdam mo pagkatapos mo kong sigawan, eh di sige lang. Alam ko na nagdusa ka sa loob ng tatlong taon sa kulungan." Masyadong maunawain ang pagkakasabi ni Meredith. Sinabihan pa niya ang ibang mga empleyado sa cafeteria, "Maraming nagawang masama si Maddie noon, pero ang lahat ng tao ay nagkakamali. At saka, natapos na ang kanyang pagkakakulong at pinagsisihan na ang kanyang mga pagkakamali. I hope na 'wag niyo siyang huhusgahan. Pinapasalamatan ko na kayo in advance."
Isa itong napakamapagpanggap na eksena, pero pagkatapos niyang sabihin iyon, nagsimulang purihin ng bawat isang empleyado ang kabutihang pinakita ni Meredith. Kahit si Eloise ay namamanghang nakatingin sa kanyang anak.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman