Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 61

Kailangan niyang manatiling buhay hanggang dumating ang araw ng pagbagsak ni Meredith!

Hindi matagumpay na nakaalis ng Glendale si Madeline. Paminsan-minsan ay dinadala pa rin siya ni Jeremy sa Whitman Manor.

Gustong-gusto ni Old Master Whitman si Madeline at napaka bait niya sa kanya. Tinapik pa nga niya ang balik at ni Madeline at sinabing, "Pamilyar ang batang ito. Tingin mo ba maglolo tayo sa nakaraang buhay natin?"

Yung totoo, hindi lang ang old master ang nakakaramdam nito, maging si Madeline ay ganun din ang nararamdaman.

Magmula noong una niyang makita ang old master, pakiramdam ni Madeline na nagkita na sila dati.

Sa tuwing pupunta si Madeline sa Whitman Manor, maliban sa nagpapanggap si Jeremy na malambing at mapagmahal sa kanya, ang lahat ay masama ang tingin sa kanya. Lalong-lalo na si Meredith.

Noong una, nagagawa niyang saktan si Madeline at kunin ang posisyon ng pagiging Mrs. Whitman, ngunit ngayon, hindi sila makalagpas kay Old Master Whitman. Lubhang napakahirap na ngayong makuha ng posisyon bilang Mrs. Whitman.

Kinahapunan ng Lunes, naghahanap si Madeline ng trabaho. Bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Jeremy. Sinabi ni Jeremy na gusto niyang sumama si Madeline sa pagpunta niya sa Whitman Manor ngayong gabi.

Bago pa siya makatanggi, nagsalita si Jeremy. "Busy ako ngayon, kaya hindi kita masusundo. Pumunta ka na lang dun, pero bago ka pumunta, huwag mong kalimutan na bumili ng paboritong muffins ni Lolo."

Pagkatapos niyang makasama ang old master, alam din ni Madeline na mahilig siya sa muffins, lalo na ang mga muffins mula sa isang tindahan sa Cypress Road. Bumibili si Jeremy doon sa tuwing napapadaan siya sa tindahan na iyon.

Nag-ayos ng gamit si Madeline at sumakay ng tren papunta sa Cypress Road.

Noong paalis na siya pagkatapos niyang bumili ng muffins, nagulat siya nang makita niya ang isang pamilyar na mukha.

Nakita niya ang anak ni Meredith at Jeremy, si Jackson Whitman.

Tumingin sa paligid si Madeline at hindi niya nakita si Meredith. Sa kabilang banda, lumilingon-lingon si Jackson sa paligid na para bang may hinahanap siya.

'Naliligaw ba siya?' ang naisip ni Madeline. Nakita ni Madeline na pinagtitinginan ng mga dumadaan si Jackson. May ilan pa ngang lumapit para kausapin ang bata.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman