Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 62

Mabigat ang pakiramdam ni Madeline. Pagkatapos siyang alugin ni Meredith, lalo siyang nahilo.

"Maddie, bakit ba napakasama mo? Wala akong pakialam kung galit ka sakin, pero inosente ang anak ko. Paano mo nagawa 'to kay Jack?"

Parang pamilyar ang pangyayaring ito.

Hindi nakalimutan ni Madeline na muntik na rin niyang sabihin ang mga salitang ito kay Meredith.

Subalit, ano bang nangyayari?

Anong sinasabi ni Meredith?

"Maddie, sabahin mo sakin, saan mo tinago si Jack? Sabihin mo!"

Habang naguguluhan si Madeline, muli siyang sinigawan at tinanong ni Meredith.

"Si Jack?" Naalala ni Madeline ang nangyari bago siya makatulog. Pagkatapos, tiningnan niya kung nasaan na siya. Nasa bahay niya siya.

Dadalhin niya sana sa Whitman Manor si Jackson kanina. Bakit nandito na siya ngayon?

Nanlamig ang pakiramdam ni Madeline. Kinilabutan siya. Hindi niya maisip kung ano ang nangyari.

"Madeline, hindi ko inasahan na gagawin mo talaga yung sinabi mo." Ang sabi ng isang nakapangingilabot na boses na nagmula sa itaas.

Tumingala siya at nakita niya ang gwapo ngunit malamig na mukha ni Jeremy.

May laman ang mga sinabi ni Jeremy, at naguluhan si Madeline dahil dito. Subalit, muling umalingawngaw ang pag-iyak ni Meredith.

"Maddie, nagmamakaawa ako sayo. Wala na 'kong hihilingin pa. Ang gusto ko lang, ibalik mo sakin si Jack! Papakiusapan ko si Jeremy na maging mabait sayo basta ibalik mo lang si Jack." Hinawakan ni Meredith si Madeline at nagmakaawa.

Tumingin si Madeline kay Jeremy at ipinaliwanag niya ang nangyari. "Nakita ko si Jack nung pumunta ako sa Cypress Road at napansin ko na naliligaw siya, kaya sinubukan ko siyang iuwi sa Whitman Manor…"

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman