Madaling naubos ang isang minuto.
Natauhan si Madeline dahil sa pag-iyak ni Meredith. Tiningnan siya ng masama ni Jeremy at pumindot ng tatlong numero sa kanyang phone. Tatawag siya ng pulis!
"Hindi!"
Naubos ang pagtitimpi ni Madeline.
Namumutla ang mukha ni Madeline habang palapit siya kay Jeremy. "Jeremy, hindi ko talaga tinago ang anak mo! Hindi ko gagawin ang ganung klaseng bagay kahit na galit na galit ako kay Meredith!"
"Naranasan ko ang sakit ng pagkawala ng sarili kong anak, kaya alam ko na mas masakit pa yon sa kamatayan. Hinding-hindi ko—”
"Kaya magiging masaya ka lang kapag naranasan din ni Mer yung sakit na yun, tama ba?" biglang nagsalita si Jeremy. Parang mga kutsilyo na bumaon sa puso ni Madeline ang mga titig ni Jeremy.
"Madeline, hindi nagbabago ang mga batik sa katawan ng isang leopard. Kahit na mamatay ka pa ng 1,000 beses hindi pa rin mababawasan ang galit ko sayo!"
Hiss.
Parang mga balang tumagos sa puso ni Madeline ang mga sinabi ni Jeremy.
"Huwag mong isipin na makakalabas ka pa sa kulungan." ang sabi ni Jeremy, kasabay ng pagpindot niya sa dial button ng phone. Sa huli, tinawagan pa rin niya ang mga pulis.
Patapos na ang panahon ng tag-init at malapit nang magsimula ang panahon ng taglagas. Sa hindi inaasahan, biglang kumulog at kumidlat ng malakas.
Nanginig si Madeline at agad na namutla ang kanyang mukha.
Muli niyang naalala ang mga gabing binugbog siya at pinilit na paanakin.
Pakiramdam niya ay nadurog ang kanyang puso at lumuhod siya sa harap ni Jeremy habang nagmamakaawa. "Jeremy, please maniwala ka sakin! Hindi ko siya tinago!"
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman