Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 64

Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa ulan, ngunit ramdam niya ang galit ni Jeremy.

Sa sobrang higpit ng hawak ni Jeremy sa leeg ni Madeline, halos hindi na siya makahinga.

Nang makita niya ang namumulang mukha ni Madeline na halos malagutan na ng hininga, bumitaw siya na para bang nailabas niya na ang kanyang galit. Pagkatapos nito, itinulak niya palayo si Madeline.

Naghabol ng kanyang hininga si Madeline habang bumubuhos ang ulan.

Pinulot niya ang basa niyang phone at nakita niya ang mga message niya sa screen.

Mayroong message mula sa isang unknown sender na nasa unahan ng listahan. 'Ayaw makinig sakin ng bata, kaya binugbog ko siya. Hindi na siya nag-iingay ngayon. Kailan mo ba makukuha yung pera sa mga Whitman para kunin yung bata na 'to?'

Noong mabasa niya ang message na ito, sumabog ang utak ni Madeline. Pagkatapos, nablanko ang kanyang isipan.

Malinaw na isa itong mensahe tungkol sa pandurukot na naganap, pero bakit ipinadala sa kanya ang mensaheng 'to?

"Madeline, pambihira ka talaga. Nakipagtulungan ka pa talaga sa isang hudlum para lang dukutin ang anak ko. Kapag nasaktan ang anak ko, pagpipira-pirasuhin kita."

Nanginig si Madeline. Noong patayo na siya, nakaramdam siya ng matinding pananakit sa kanyang tiyan.

Hindi siya makatayo, kaya napaluhod na lamang siya sa tabi ng kotse ni Jeremy habang tinitiis ang sakit na kanyang nararamdaman. "Jeremy, hindi ko kilala yung taong 'to! Hindi ko kinuha ang anak mo. Paninirang-puri 'to!"

Bumuhos ang ulan sa kanyang mukha at hindi niya maimulat ang kanyang mga mata sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman.

"Paninirang-puri? Siniraan ka nanaman ba ni Mer? Ginamit niya ang buhay ng sarili niyang anak para lang paulit-ulit kang siraan, ganun ba?"

Nagmistulang uhaw sa dugo si Jeremy sa tindi ng kanyang galit.

"Madeline, sinasabi ko na sayo ngayon pa lang. Kapag hindi mo inilabas ang anak ko, sisiguraduhin ko na makakasama mo na yung namatay mong anak na bastardo!"

Agad siyang umalis pagkatapos niyang pagbantaan si Madeline.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman