Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 80

Noong marinig iyon ni Meredith, hindi na siya nakapagpigil pa. "Jeremy, hinanap kita agad paggising ko. Hindi nga ako nakapag-almusal. Anong gagawin ko kapag umalis ka?"

Hindi lumingon si Jeremy. "Pwede kang mag-almusal ngayon."

"..." Natulala si Meredith sa kinatatayuan niya. Pinanood niya si Jeremy na lumapit kay Madeline at balewalain siya. Humigpit lalo ang hawak niya sa kanyang pitaka, para bang sasabog na siya ano mang oras.

Nagulat din si Madeline sa mga ikinilos ni Jeremy. Subalit, mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya. Sinadya niyang bagalan ang lakad niya at tumingin kay Madeline pagdaan niya. "Sumama ka sakin."

Hindi maintindihan ni Madeline kung bakit ginagawa 'to ni Jeremy, pero nang makita niya ang nanggigigil na mukha ni Meredith, ngumiti siya at sumunod kay Jeremy. Sumakay siya sa kotse ni Jeremy.

Para hindi na sila magtalo, hindi na nagsalita pa si Madeline habang nasa biyahe sila. Hindi rin nagsalita si Jeremy.

Sinilip ni Madeline si Jeremy at nakita niya ang mahamis at seryosong mukha nito.

Naalala niya ang mga panahon na sinisilip-silip niya si Jeremy noong nag-aaral pa sila. Hindi na niya alam kung ilang beses niya bang ginawa iyon noon. Kahit na ang pakiramdam niya noong nagkagusto siya kay Jeremy ay hindi ang pinakamagandang naramdaman niya, maganda pa rin ito at puro.

Subalit, hindi na siya makakabalik sa panahon na iyon.

Hindi na siya makaramdam ng kahit ano sa ano mang paglalambing ni Jeremy. Tanging poot at kalungkutan na lamang ang kanyang nararamdaman.

Marapos na matulala sandali si Madeline napagtanto niya na huminto na pala ang sasakyan. Nasa Whitman Corporation sila.

Nagtataka siyang tumingin kay Jeremy. Subalit, naunang lumabas ng sasakyan si Jeremy at naglakad papunta sa passenger seat. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto para kay Madeline.

Inakala niya na bukal sa loob ni Jeremy ang paghatid sa kanya sa trabaho, pero, lumalabas na hinatid lang siya ni Jeremy dahil may pupuntahan ito. Subalit, ayos lang din naman ito. Katapat lang naman ng Whitman Corporation ang opisina ni Felipe. Kailangan na lamang niyang tumawid.

Bumaba ng sasakyan si Madeline bitbit ang kanyang bag. "Salamat, Mr. Whitman." Nagpasalamat siya kay Jeremy at tumalikod.

"Saan ka pupunta?" Muli niyang narinig ang boses ni Jeremy. "Mula ngayon, dito ka na magtatrabaho."

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman