Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 82

Hinawakan ni Madeline ang kanyang masakit na kanang pisngi. Naguguluhan siya.

"Madeline, napakasama mong babae! Bruha ka!" Sigaw ni Eloise nang ituro niya ang ilong ni Madeline.

Hindi maunawaan ni Madeline kung bakit ang sama ng pakiramdam niya nang makita niya ang tumatagos na titig ni Eloise.

*Mrs. Montgomery, bakit mo ako sinampal?" Sinubukan ni Madeline na manatiling kalma ngunit ang lakas ng tibok ng puso niya.

"May kapal ka pa ng mukha na tanungin ako kung bakit?" Galit na tinuro ni Eloise si Madeline. "Dinakip mo ang apo ko kasama ang isang tao at inapi mo ang pinakamamahal kong anak na si Meredith! Ngayon pinapakampi mo pa sa iyo ang isa pang lalaki. Pinadalhan niya si Mer ng isang sulat mula sa abogado at sinabing sinadya niya daw na buhusan ng mainit na kape ang isang tao!"

Nang sabihin niya ito, galit niyang ibinato ang sulat sa mukha ni Madeline.

"Madeline, isa kang napakasamang babae! Salamat sa Diyos at maagang namatay ang magulang mo. Kung hindi, mamamatay sila sa kahihiyan! Kung anak kita, pinalayas na kita sa pamilya ko!"

Nang marinig niyang sinisigawan siya ni Eloise, bawat salita nito ay tumarak sa kanyang puso na parang mga bubog.

Naunawaan na niya. Pumunta si Eloise dito para magreklamo para sa kanyang pinakamamahal na anak na si Meredith.

Heh.

Napakagaling na ina. Di niya alam ang katotohanan at kung ano ba talaga ang nangyari. Subalit, laging paniniwalaan ng mga nanay ang kanilang mga anak dibs?

Naramdaman ni Madeline ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya na ang kanyang puso ay hinawakan ng isang di nakikitang kamay. Sobrang sama ng pakiramdam niya na nasasaktan siya sa kanyang oaghinga.

"Madeline, binabalaan kita, huwag kang umasa na kaya mong gawin ang kahit na ano dahil lang may umaalalay sayo! Dodoblehin ko ang ginawa mo kay Mer at sa apo ko!"

Dinuro ni Eloise si Madeline habang binalaan niya ito. Pagkatapos ay tumalikod siya habang nagdidilim ang kanyang mukha.

"Akala ko nagkataon lang na pareho sila ng pangalan, pero di ko inakalang siya pala ang Madeline Crawford na yun "

"Siya yung nang-agaw ng boyfriend at dahilan kaya nakunan ang kanyang kapatid."

"Tch, magtatrabaho na tayo kasama ang ganung tao mula ngayon?"

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman