Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 83

Nagtataka si Madeline kung may Multiple Personality Disorder ba si Elizabeth. Pabago-bago ang trato sa kanya nito.

Sa sandaling ito, isang matangkad at mapayat na tao ang lumitaw sa pinto.

Lumiwanag ang mga mata ni Elizabeth. "Mr. Whitman, bakit ka naparito?"

Nagbago ang ugali niya. Napakahinhin na niya ngayon.

Nang marinig ito ng ibang mga empleyado, inipalag nila ang kanilang mga bag at magalang na ngumiti kay Felipe. "Mr. Whitman."

Nakabalik na sa ulirat si Madeline. Subalit, tapos na ang lahat na batiin ito. Magmumukhang gusto niyang magpasikat kung babatiin niya ito ngayon. Kaya tumango na lamang siya at nginitian si Felipe.

Nginitian ni Felipe si Madeline bago pumasok. Mukha siyang maringal. Napakagwapo at elegante niya.

"Maraming salamat sa pagtitiyaga niyong lahat. Good luck sa bago niyong proyekto," mahinhin niyang sinabi.

Tinignan ni Elizabeth ang kanyang mga katrabaho at kaagad naunawaan ng lahat ang ibig-sabihin niya. "Maraming salamat sa iyong pag-aalala Mr. Whitman. Gagawin namin ang aming makakaya!"

"Okay." Tumangi si Felipe.

Pinaglaruan bi Elizabeth ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Nang hintayin niya na lumapit sa kanya si Felipe, nakita niya itong nilagpasan siya at dumiretso kay Madeline.

Nasira ang ngiti ni Elizabeth. Tumingin sa pagtataka ang ibang mga empleyado.

Pakiramdam ni Madeline na may nangyayari. Mukhang may nararamdaman su Elizabeth para kay Felipe. Subalit, nang mapagtanto na niya ito, nakatayo na si Felipe sa harapan niya.

"Maddie." Mahinahon niyang sinabi, "Kumusta ka naman?"

Mabilis na tumayo si Madeline. "Ayos lang ako Mr. Whitman. Maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng ganito kalaking oportunidad."

"Pamilya tayo. Di mo kailangang maging magalang sa akin." Magiliw ang ngiti ni Felipe.

Subalit nang marinig ng lahat ang sagot niya, sumabog ang buong opisina.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman