"Namumutla ka."
Nang marinig ni Madeline si Felipe, naiilang niyang hinawakan ang kanyang mukha.
Hindi mabuti ang kanyang kalagayan. Mas lumalala na ang kanyang katawan, kaya malamang hindi siya magmumukhang malusog.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong.
"Salamat sa pag-aalala niyo, Mr. Whitman. Ayos lang ako."
Mabilis siyang pinasalamatan ni Madeline bago tumayo.
Naalala niya kung paano nadamay si Felipe dahil kay Jeremy at nakaramdam siya ng pagsisisi.
"Kahit di mo na ako tawaging Mr. Whitman kapag walang ibang tao sa paligid."
Nagdalawang-isip si Madeline sabay nagsabing, "Mauuna na ako, tito."
"Actually, mas matanda lang ako kay Jeremy ng tatlong taon. Ayaw kong tinatawag na tito, kaya pwede mo akong tawagin sa pangalan ko.
Nabigla si Madeline. Pagkatapos ay tumango siya. "Babalik na pala ako sa trabaho, Mr. Whitman."
Tumingin si Felipe kay Madeline at ngumiti. "Sige."
…
Pinagtuunan ng pansin ni Madeline ang kanyang trabaho. Sa ganitong paraan ay nakakalimutan niya ang mga bagay at tao na nagpapalungkot sa kanya.
Kalahati na ang natatapos sa kanilang isang buwang proyekto. Masaya si Madeline sa parte na napunta sa kanya.
Base sa pinapagawa ng kliyente, pagkatapos matapos ni Madeline ang kanyang disenyo ay ginamit niya ang kanyang company email para ipadala ito kay Elizabeth na nasa isang business trip. Kasunod nito, kinuha niya ang kanyang pitaka bago nagtungo sa cafeteria.
Nang nasa loob siya ng elevator, nagkataon ay nakasalubong niya si Felipe. Nang makita nito siya na dala ang kanyang pitaka, ngumiti ito at niyaya siya. "Manananghalian rin ako. Bakit di ka sumabay?"
Mayroon ring ibang empleyado sa loob ng elevator. Lahat sila ay nakatingin ng kakaiba kay Madeline. Dahil dito ay hindi alam ni Madeline kung ano ang gagawin.
"Bibiguin mo ba ako, niece-in-law?" Sinubukan ni Felipe na bawasan ang pagkailang nang may malarong tono.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman