Sabi ni Jeremy sabay umupo. Kinapitan siya ng mapagpanggap na si Meredith.
"Jeremy, sa tingin ko hindi 'to isang mabuting ideya. Mukhang hindi natutuwa si Maddie."
Gustong gusto na ni Madeline na ibato ang kanyang baso ng juice sa mukha ni Meredith. Nais niyang itanong kung alin sa mga p*tanginang mata niya ang nakakita na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari?
Sa gitna ng katahimikan, narinig ni Madeline si Jeremy na kalmadong nagsalita, "Sino ba siya para tanggihan tayo?"
Hehe.
Oo nga, sino ba siya?
Wala lang naman talaga siya para sa kanya sa simula pa lang.
Nang makita ni Meredith na hindi nagtatangkang magsalita si Madeline ay natuwa siya ng sobra.
Binaba niya ang kanyang pitaka at umupo sa tabi ni Madeline. Subalit, hindi niya inaasahan na uupo si Jeremy sa tabi ni Madeline.
Nabigla si Meredith, at sa kabilang banda, nabigla rin si Madeline.
Subalit, base sa kanilang pagkatao, walang mali na umupo si Jeremy sa tabi niya.
Kahit na hindi siya nasisiyahan dito, hindi nagtangka si Meredith na gumawa ng gulo. Kaya nagawa na lang niyang umupo sa tabi ni Felipe.
Pagkatapos niyang maupo, pakiramdam ni Meredith ay maayos rin ang ganito. Lalo na, gwapo si Felipe at mayroong natatanging tikas.
Kaagad na dumating ang pagkain ni Jeremy. Ang lahat ng iyon ay ang mga paboritong pagkain ni Meredith. Nang makita iyon ni Madeline ay nawalan siya ng gana.
Alam niya na sinabihan niya na ang kanyang sarili na mawalan ng pakialam, pero ang kanyang puso ay nananatiling duguan at sugatan.
Sa sandaling ito, naglapag ng isang maanghang na putahe si Jeremy sa harap ni Meredith. Para bang sinasadya itong gawin. "In-order ko to para sa'yo."
"..." Tinaas ni Madeline ang kanyang ulo sa pagtataka.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman