Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 91

"Ihahatid kita pauwi."

"..." Nabigla si Madeline.

Habang sk Meredith naman ay nagulat at nagsimula siyang makiusap nang may landi. "Pero nangako ka na sasamahan mo ako magshopping Jeremy."

"Pwede mo muna akong hintayin dito." Lumapit si Jeremy kay Madeline nang hindi man lang sinisipat si Meredith. "Tara na."

"Ayos lang. Kaya ko nang umuwi mag-isa." Mabilis itong tinanggihan ni Madeline. Wala siyang ideya kung anong balak ni Jeremy, pero di niya gusto ang pakiramdam niya dito.

"May iba ka bang gustong maghatid sayo, bukod pa sa asawa mo? Siguro isa ding Mr. Whitman?" Bumaon sa kanya ang titig ni Jeremy, umabot sa kanya ang mga salitang hindi nasabi.

Dahil ayaw na niyang pumalag, tumigil si Madeline sa pagtanggi at hinayaan na lang si Jeremy na ihatid siya pauwi.

Hindi mapigilan ni Madeline ang ligaya na naramdaman niya nang lumingon siya kay Meredith at nakita niyang sasabog na ang matatambok nitong pisngi.

Ginamit ni Jeremy ang paghatid sa kanya pauwi bilang oportunidad para balaan si Madeline.

"Huwag mo uling ipapakita sa akin na malapit at malambing ka kay Felipe'" Tumunog ang boses nito na sobrang lamig.

"Bakit?" Inosenteng kumurap si Madeline kay Jeremy, napakatamis ng boses niya nang magsalita siya, "Ikaw ang asawa ko pero parang wala ka namang problema na makipagyakapan at makipaglambingan sa ibang mga babae sa kalye. Kaya bakit di ako man lang pwede kumain kasama ng ibang lalaki?"

Huminto si Jeremy, para bang nagulat sa reaksyon ni Madeline.

Tinitigan niya si Madeline. Dahil sa makeup na nasa kanyang maganda at maliit na mukha at pati na rin sa makinang at maganda niyang mga mata, nagmukhang matalino at inosente si Madeline.

Nagblangko ang isip niya nang dalawang segundo bago nakabalik sa ulirat si Jeremy at ang init sa kanyang ekspresyon ay naglaho. Nang may bahid ng galit sa kanyang kilos, inabot niya at hinawakan ito sa baba. "Ganito mo pala inakit si Felipe? Sa pagmumukhang inosente at kaawa-awa?"

Ngumiti na lang si Madeline sa kabila ng sakit. "Ikaw bahala kung anong gusto mong paniwalaan, Mr. Whitman."

"Madeline!" Sumabog sa galit si Jeremy, ang bangis sa kanyang mga mata ay sobrang init na maaabo na nito si Madeline.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman