Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 92

Naramdaman ni Madeline na kaagad na kumalma ang puso niya at nawala na ang init, lumamig ang dugo niya sa kanyang mga ugat.

Haha.

Ang isipin na inakala niya talagang nagseselos ito. Kalokohan.

Kahit na sadyang nagiging mahigpit lang ito at pinapakitang dominante siya.

Isa lamang siyang kasangkapan sa dula nito.

Malungkot na ngumiti si Madeline, nang maramdaman niya na palapit si Jeremy mula sa likod. "Iiwan ko na sa iyo ang asasa ko, Uncle Felipe. Salamat sa pagbabantay sa kanya," Pinasalamatan nito si Felipe.

Maginoong ngumiti si Felipe. "Syempre."

Kahit na di bumili ng scarf si Madeline, bumili siya ng band-aid para takpan ang pulang bakas na iniwan sa kanya ni Jeremy.

Umupo siya at nagsimulang magtrabaho. Di nagtagal, nagsimula siyang makatanggap ng mga galit na mensahe mula sa ilang mga di kilalang numero. Lahat ito ay inaaway siya sa kung gaano daw kakapal ang mukha niya na akitin si Jeremy.

Napakadali na hulaan kung sino ang may pakana nito dahil walang iba kundi si Meredith ang magbibigay sa kanya ng ganitong mga mensahe.

Ang makakuha ng ganitong reaksyon mula kay Meredith, alam na ni Madeline na baka nakita rin nito na hawak siya ni Jeremy sa sulok ng pader.

Habang binabalewala ang mga malisyosong mensahe, nagpatuloy siya sa trabaho.

Makalipas ang isang sandali, tumawag ang mga utusan ng Whitman para sa hapunan.

Napagpasyahan rin naman ni Madeline na bisitahin ang Old Master Whitman dahil hindi maganda ang kalagayan nito nitong nakaraan.

Paglabas niya, huminto si Madeline para bilhin ang paboritong muffin ng Old Master bago sumakay ng bus papunta sa Whitman Manor.

Kabanata 92 1

Kabanata 92 2

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman