Login via

Don't Let Me Go, Diana novel Chapter 10

NANG masigurong nakatulog na si Diana, dahan-dahang nagmulat si Alexis. Sumalubong sa kanya ang wala pa ring kupas na kagandahan ng babaeng kayakap niya. Namimintig man ang braso, hindi siya nagtangkang alisin ang ulo ng dalaga sa puwesto nito.

Kakaiba ang kapanatagang hatid ng pagsasama nila uli kung paanong kakaiba ang pangungulilang sumalakay sa kanya nang malayo si Diana sa kanya. Mula sa mga mata nito ay bumaba ang tingin niya sa kulay rosas nitong mga labi. Napalunok siya.

Ilang beses na rin siyang nagkakasala kay Diana. Many times over the past years, he had dreamed about those lips and wondered how they would taste like. Pero madalas, ginigising siya ng realidad. Nang hindi na mapigilan ang sarili, dahan-dahan niyang tinawid ang natitirang distansya sa pagitan nila at marahan itong hinalikan sa mga labi.

Pero sandali lang ang kabaliwang iyon. Sandali lang ang naging pag-angkin niya sa ngayon ay natuklasan niyang napakatatamis na mga labing iyon. Nagmamadali ring lumayo siya sa dalaga. Gulat na naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha.

"Do you know what I think, Alex? You're in love and always have been... but not with me. It's with your best friend." Naalala niyang pahabol ni Lea bago siya iniwan noon sa kanyang opisina.

"Ang tanga mo, Alexis."

God... he had been denying his self from the truth all this freaking time. Siya ang unang bumali sa itinakda niyang batas sa sarili. Gaya ni Diana, tumawid rin siya sa hindi nakikitang pader na nakaharang sa pagitan nila bilang magkaibigan. Ang problema, mukhang nakatawid na pabalik sa orihinal na pwesto nito ang dalaga... dahil siya mismo ang nagtaboy rito. Pero siya, paano ba siya makababalik rin?

Ang tagal niyang nagbulag-bulagan. Ang tagal niyang ipinagkait sa sarili ang katotohanan dahil natatakot siyang aminin na sa kauna-unahang pagkakataon, nagmamahal siya sa isang babaeng napakataas na gaya ni Diana. Subconsciously, natakot siyang sumugal dahil baka kapag hindi sila umubra ay masaktan sila pareho at mawala ito sa kanya. Paanong hindi siya matatakot mawala ang dalaga kung ito lang ang meron sa kanya? Ito lang ang umunawa, tumanggap, at nagtiyaga sa kanya nang buong-buo. Dahil kay Diana, nagkaroon siya ng pangalawang mga magulang sa katauhan ng mga magulang nito. Natakot siyang pati ang samahan niya sa mag-asawang Ferrel ay maisakripisyo niya rin.

Bago pa man niya pinapasok sa buhay niya si Diana, una na itong nakalusot sa rebeldeng puso niya. Hindi niya na ito nalimutan noong unang beses niya pa lang nasilayan. Pero natatakot siyang ibuwis ang solid na pagkakaibigan na meron sila para lang pumasok sa isang bagay na walang kasiguruhan.

Napakadaling matakot kapag si Diana ang nakataya. Pagdating sa dalaga, parati siyang nilalamon ng insecurities at mga agam-agam. Dahil nakatatak pa rin sa isip niya na isa lang siyang bastardo na hanggang ngayon ay ikinahihiya at pinagsisisihan ng sariling mga magulang. Masyado siyang mababa para ambisyunin ito, para maging lalaking nararapat para rito, para iharap nito sa publiko.

Hindi pala parating nakakapagbigay ng saya ang malamang sa kauna-unahang pagkakataon ay nagmamahal ka. When you're friends with the person you fell in love with, you will be more afraid than happy.

Bigla ay iyon ang na-realize ni Alexis. Lalo na sa kaso nila ni Diana. Sa wakas, nagawa niyang sagutin ang lahat ng mga tanong na pilit niyang tinakasan noon pero hindi siya masaya. Dahil simula pa lang iyon ng napakaraming pagdaraanan niya.

Napatitig uli si Alexis sa anyo ni Diana. Dahil sa kapabayaan niya, sa katangahan niya, at sa kaduwagan niya, nakatakda na itong tangayin ng iba palayo sa kanya. At hindi iyon maaari. Maninindigan na siya. Lalaban na siya.

"I may not be the right man for you, Diana. Pero minsan mo rin akong minahal. Maybe you've seen something right about me then. And I will make you see that again."

Comments

The readers' comments on the novel: Don't Let Me Go, Diana