You and I are like the buildings that we design, Alex. Pinaghirapan nating buoin. Pero nang makita natin ang kinalabasan, hindi tayo kuntento. Hindi pa pala sapat 'yong nagawa natin. Marami palang butas. We've tried to fix the holes. Pero sa kapipilit nating ayusin, lumaki at dumami ang mga butas. Kaya sa huli, we have no choice but to let go of the entire plan, of the entire design. Because it just won't work... like us."
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay sumagi sa isip ni Alexis ang mga sinabing iyon sa kanya ng una at huling naging girlfriend niya na si Lea mahigit anim na buwan na ang nakararaan, bago siya umalis papuntang Italy para palihim na sundan si Diana.
Marahas na napabuga siya ng hangin habang naghihintay sa pagdating ni Diana sa townhouse nito. Umayos man ang ilang aspeto ng buhay niya ay nananatili pa ring komplikado at parang parating nagra-riot ang puso at isip niya. Para na siyang mababaliw. Nagsimula iyon nang magdesisyon na lang bigla ang matalik na kaibigan niyang magbakasyon. Bigla siyang naalarma. Natakot.
Nasanay siyang parati siyang kinokonsulta ni Diana sa mga ginagawa nito kaya nang lumayo ito nang hindi man lang nagpapahatid sa airport, daig niya pa ang pusang hindi mapaanak. Hindi lang ito basta umalis. Pakiramdam niya, may pinutol itong kung anong tali na nagbibigkis sa kanilang dalawa lalo na nang ipaalam nitong pansamantala silang mawawalan ng communication.
Literal na ginusto ni Diana na mapag-isa. Lalo siyang nataranta. Hindi siya mapakali sa opisina. Kaya sinundan niya ang kaibigan. Pero bago iyon ay nakipaghiwalay na muna sa kanya si Lea nang matuklasan nito ang balak niya.
Halos maraming pagkakatulad sina Lea at Diana. Iyon siguro ang dahilan kung bakit napalapit siya sa dating girlfriend. Bukod pa sa araw-araw sila halos nagkikita nito dahil nagtatrabaho ito sa firm niya bilang isa ring arkitekto. Nauunawaan nila ang isa't isa, gaya nila ni Diana. Pero nagkamali siya nang gawing basehan ang matalik na kaibigan para pumasok sa isang relasyon. May mga pagkakataon talagang nagiging tanga pa rin siya sa pagdedesisyon. Lalo na nang ligawan niya si Lea.
Umpisa pa lang ay naramdaman niya nang gusto siya nito. He took advantage of that feeling. Naging sila. Pero wala iyong saya na nararamdaman niya kapag ang kasama ay si Diana. At iyon ang problema. Ang katulad parati ni Diana ang hinahanap niya. Ang katulad na pakiramdam kapag kasama ang dalaga.
Isa siyang malaking gago. Nasaktan niya si Lea dahil sa parati niyang pagkukumpara. Ni ayaw niyang patawag rito ng "Axis" dahil iisang tao lang ang gusto niyang tumatawag sa kanya nang ganoon. Sinubukan niyang ayusin ang relasyon nila. At naramdaman niyang mas matindi ang ginawang pagpipilit ni Lea para ayusin rin iyon. Pero sadyang hindi umubra. Dahil wala rito ang problema. Nasa kanya.
Iniwasan niyang harapin ang totoong problema. Basta sumunod na lang siya kay Diana sa Italy. Hiniling nito ang mapag-isa kaya ibinigay niya iyon. Hindi niya ipinaramdam rito ang presence niya. Nakuntento siyang palihim na sundan at tanawin ito. Ang mahalaga ay malapit siya rito. Mabuti na lang at modern na ang panahon. Gamit ang internet ay maayos niya pa ring na-monitor ang kanyang firm.
Nang bumalik si Diana sa Pilipinas ay nagpalipas lamang si Alexis ng ilang oras bago sumunod na rin sa dalaga. At nang tawagan siya nito mahigit tatlong linggo na ang nakararaan para ipaalam na nakabalik na ito sa bansa, ginusto niyang puntahan kaagad ito para yakapin. Pero nagsunod-sunod ang mga kinailangan niyang harapin sa trabaho dahil matagal-tagal rin siyang nawala.
Ngayon lang siya nagkaroon ng panahon na puntahan si Diana sa townhouse nito. Magdadalawang taon na rin mula nang magsolo ito ng tirahan. Kahit pa alam niyang hindi iyon nagustuhan ng mga magulang nito dahil unica hija ay hinayaan pa rin ng mga ito si Diana. That was her charm. People just couldn't say "no" to his bestfriend. Not even her parents. Not even him.
Sa malas ay mukhang lumabas si Diana. Ilang oras na siyang naghihintay malapit sa gate ng townhouse nito pero hindi pa rin ito dumarating. Napasulyap siya sa kanyang relo. Ilang minuto na lang at mag-aalas dose na ng gabi.
Diana, where are you?
Kahit ang pagtawag at pagpapadala ng text messages ng dalaga ay nabawasan na rin kahit pa bumalik na ang kanilang communication nang bumalik na rin ito sa Pilipinas. Araw-araw pa rin silang nag-uusap sa telepono pero para bang... may mali. Para bang hindi na iyon gaya nang dati. Nang may humimpil na hindi pamilyar na sasakyan sa tapat ng gate ng dalaga ay agad siyang naghanda para bumaba sa sariling kotse.
Pero natigilan si Alexis nang makitang lalaki ang naghatid kay Diana. Sa tinagal-tagal ng pagpaparinig ng mga magulang nito na magpaligaw na ay ngayon lang ito nagpahatid. Ngayon lang nakipag-date ang dalaga kahit ilang beses niya na itong tinukso noon na subukan ang bagay na iyon. Pero iba pala ang makita na itong may kasamang iba maliban sa kanya.
Nagkwentuhan pa sandali ang dalawa sa gate ni Diana bago nagpaalam ang lalaki. Hinagkan nito sa noo ang dalaga saka ito umalis at pinaandar ang sariling sasakyan. Ilang sandali siyang natulala nang makita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Diana... ngiti na dati ay para lang sa kanya.
Am I back to being a jerk? Bakit gusto niyang ipagdamot si Diana? Bakit bigla ay parang na-threaten ang pakiramdam niya? Sa nakalipas na mga taon, naramdaman niyang naka-move on na ang dalaga sa nararamdaman para sa kanya. Wala na itong binabanggit. At hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung bakit siya nanghihinayang kahit na masaya siya na hindi ito nagkaroon ng ibang lalaki sa buhay nito.
Papasok na sana si Diana sa gate nang magawang kumilos ni Alexis. Nagmamadaling bumaba siya mula sa kanyang kotse. Tinakbo niya ang natitirang distansya sa pagitan nila ng dalaga at niyakap ito mula sa likod. Sinakmal ng pag-aalala ang puso niya. Takot na takot siya. Shit.
"Axis!" nabiglang bulalas ni Diana. Para bang pamilyar na talaga ito sa kanya kaya nahulaan agad kung kaninong mga braso ang nakapaikot rito kahit na hindi siya nagsasalita o hindi siya nakikita. "I've missed you, bestfriend. Bakit ngayon ka lang?"
Bestfriend. Bakit bigla ay hindi niya na gustong marinig pa ang salitang iyon?
"I'm... scared." Sa halip ay sinabi ni Alexis.
"Wow." Bumitaw sa yakap niya ang dalaga. Ayaw man ni Alexis ay pinakawalan niya ito. Para namang namamanghang humarap ito sa kanya. Ikinulong nito ang mukha niya sa maiinit at malalambot na mga palad nito. "Are you really my bestfriend? Because you see, the Alexis Serrano that I know doesn't get scared. Nawala lang ako, nagbago ka na." Masuyong ngumiti ito. "What's wrong?"
You. Me. My heart. Everything. Anang puso niya pero hindi na siya sumagot. Muli niyang ipinaloob sa mga bisig niya ang dalaga. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Ano bang nangyayari sa kanya?
"WHEN my eyes are closed, the greatest story told. I woke up and my dreams are shattered here on the floor. Why, oh, why tell me why not me? Why, oh, why we were meant to be..."
Natigilan mula sa paghihilamos ng mukha si Diana nang marinig ang pag-alingawngaw na iyon ng musika na nagmumula sa stereo sa loob ng kanyang kwarto. Iyon ang ilang taon na lihim na theme song niya para kay Alexis. Napabuntong-hininga siya. Matapos makapagpalit ng damit at makapagpunas ng mukha ay lumabas na siya ng banyo. Agad na bumungad sa kanya si Alexis na kasalukuyang nakahiga mismo sa kanyang kama.
Comments
The readers' comments on the novel: Don't Let Me Go, Diana