Login via

Don't Let Me Go, Diana novel Chapter 12

"UMUWI na tayo."

Mula sa pagkakayukyok sa mesa, dahan-dahang nag-angat ng mukha si Diana nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ni Alexis. Nagmamadali siyang inalalayan nito patayo. Kumunot ang noo niya. "Bakit ka bumalik? May meeting ka pa, 'di ba?"

"You've always been more important to me than any meetings in the world, Diana." Seryosong sagot ni Alexis. Idinantay nito ang palad sa noo ni Diana. "Hindi rin nila ako mapapakinabangan doon kung sakali. Because my mind is right here with you. Dapat hindi na kita iniwan kanina. Bakit kasi ang tigas ng ulo mo? You should be resting by now. Ang taas ng lagnat mo."

Sa kabila ng matinding pananakit ng ulo, sumilay pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi ni Diana nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng binata kahit pa nanenermon ang boses nito. Masama na ang pakiramdam niya nang magising siya nang umagang iyon pero pinilit niya pa ring pumunta sa flower shop. Hindi niya nakaugaliang manatili lang sa bahay kapag may iniinda dahil pakiramdam niya, lalo lang siyang magkakasakit kapag nakahiga.

Mula pa nang sunduin siya ni Alexis at makita ang kanyang anyo ay iginiit na nitong huwag na siyang pumasok. Pero nagpumilit pa rin siya. Matapos siyang ihatid sa flower shop, nanatili pa ito roon ng ilang sandali.

Kung wala lang importanteng meeting sa mga kliyente si Alexis, nakasisiguro siyang hindi ito aalis sa tabi niya pero bago iyon ay katakot-takot na muna ang naging bilin nito sa kanya at sa dalawang babaeng staff niya tungkol sa pag-inom niya ng gamot na ito pa ang bumili kaninang nasa daan sila.

"Can you walk?" Ani Alexis matapos isukbit sa balikat nito ang bag niya. Hindi niya alam kung paano nangyaring napaka-manly pa rin nitong tingnan sa kabila niyon. Ang mga matatag na braso nito ay nanatiling nakaalalay sa kanya.

"Oo naman." Umirap si Diana kahit pa nagsisimula na namang maapektuhan ang puso niya dahil sa presence ng binata. Nakalabas na sila ng maliit niyang opisina sa loob ng shop. "Masyado mo naman akong bine-baby."

"Because you are indeed, my baby." Walang gatol na sagot ng binata. Narinig ni Diana ang pagsinghap ng kanyang mga staff na una pa lang ay vocal na sa pagsasabi sa kanyang crush ang binata. At hindi niya masisisi ang mga ito. Alam niyang likas na maraming naghahabol kay Alexis. Mula sa mga babaeng nagiging kliyente nito hanggang sa mga socialites at modelo. Pero para bang parati itong walang pakialam sa mga iyon.

Dahil tuwing magkasama sila ni Alexis, malinaw niyang nakikita ang sariling reflection sa mga mata nito. Dahil sa kanya lang nakabuhos ang buong atensiyon nito na para bang siya lang ang nakikita at naririnig nito.

"Because you are indeed, my baby." Sa mga ganoong pagkakataon ay gustong umasa ng puso niya. Tayo na lang, Alexis. Tayo na lang, please.

"Kayo nang bahala dito sa shop." Ani Alexis sa mga tauhan niya na mabilis namang tumango bago sila umalis.

Nang makarating sa tapat ng kanyang townhouse ay halos nanginginig na siya sa lamig kahit na hindi naman nagbukas ng aircon ang binata sa sasakyan nito. Marahas na napabuga ito ng hangin. Matapos maigarahe ang kotse ay binuhat na siya nito papasok. Dinala siya nito sa mismong kwarto niya at marahang ibinaba sa kanyang kama.

"Stay here. Gagawa na muna ako ng soup." Anang aligagang binata na akmang lalabas na ng kwarto nang muling bumalik sa kama. Nagsalubong ang mga kilay nito. "Nakainom ka na ba ng gamot? May gusto ka bang ipabili? Sabihin mo lang para makalabas na ako. O magpalit ka kaya muna? Or should I make you a chocolate drink first? Shit." Naisuklay nito ang mga daliri sa buhok nito. "Ano bang uunahin ko-"

"Relax." Namamaos na sinabi ni Diana. Tuwing nagkakasakit siya ay ganoon si Alexis: parating natataranta.

"How can I relax? You're sick!" Pinatay ni Alexis ang aircon sa kwarto nang mapunang dumoble ang panginginig niya. Nagmamadali itong tumabi sa kanya sa kama at niyakap siya pero itinulak niya ito.

"Baka mahawa ka-"

"To hell with that." Parang balewalang sagot ni Alexis bago muling ikinulong si Diana sa mga bisig nito. Marahang hinagkan siya nito sa noo kasabay ng masuyong pagsuklay ng mga daliri sa kanyang buhok. "Diana, don't get sick again. Tuwing masama na ang pakiramdam mo, tawagan mo lang ako. O kaya kahit mag-text ka lang. Kailan ba ako hindi dumating agad para sa 'yo? Para maagapan sana natin 'yong ganito. I hate this feeling. Para akong inahing pusa tuwing nagkakasakit ka. Inahing pusa na walang magawa."

"Your presence is more than enough, Axis." Pumikit si Diana at gumanti na rin ng yakap sa binata. Higit pa ito sa gamot na kailangan niya. Pagkalipas ng ilang sandali, narinig niya ang mahinang pag-awit ng binata na para bang ipinaghehele siya hanggang sa makatulog siya.

Madilim na nang magising si Diana. Dahil bahagya nang nakapagpahinga ay bumuti-buti na ang pakiramdam niya. Agad na hinanap niya si Alexis pero wala na ito sa tabi niya. Mukhang umalis na ito habang tulog siya. Pinigilan niya ang pamumuo ng pagkadismaya sa puso niya. Inalagaan na siya nito kanina. Sapat na iyon.

Bumangon na siya at lumabas ng kanyang kwarto. Agad na sumalubong sa kanya ang mabangong aroma ng soup na iisa lang ang kilala niyang nagluluto bukod sa kanyang ama. Si Alexis. Noon ay pareho silang walang hilig sa pagluluto ng binata. Kahit ang kanyang ina ay ganoon rin. Pero nang unang beses na magkasakit siya simula nang maging magkaibigan sila at nasa business trip ang kanyang ama na nagluluto ng espesyal na soup nito na parati niyang nire-request tuwing nagkakasakit siya, bigla ay ginusto ni Alexis na matuto.

Pagbalik ng kanyang ama noon, agad nagpaturo si Alexis ng mga putaheng paborito niya. Hanggang ngayon ay may kung anong init pa ring hatid ang bagay na iyon sa puso niya. Dahil mula noon ay todo-todong effort na ang ginugugol nito para sa kanya.

Naabutan niya si Alexis na abala sa kusina na para bang ito ang nagmamay-ari niyon. Hubad-baro ito at apron lang ang nakatakip sa makisig na katawan. Napalunok si Diana. When will Alexis stop being so sexy at everything he does? "Axis..."

Agad na humarap sa direksiyon niya ang binata. Nagsalubong ang mga kilay nito. Hininaan na muna nito ang apoy sa kalan bago nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Bakit bumangon ka na?" Kinapa nito ang noo at leeg niya. "Mainit ka pa rin."

"Okay na ako-"

"No."

Sa pagkabigla ni Diana, pinasan siya ni Alexis at muling ibinalik sa kanyang kwarto. Inihiga siya nito sa kama. Itinaas nito ang kumot niya hanggang sa kanyang mga balikat. Muling nagwala ang kanyang puso lalo na nang haplusin nito ang kanyang mga pisngi. "Stay here. Dinner will be served very soon."

Comments

The readers' comments on the novel: Don't Let Me Go, Diana