Login via

Don't Let Me Go, Diana novel Chapter 2

I'M NOT wearing panties today. –Margie

Nagsalubong ang mga kilay ni Alexis sa nabasang text message. Walang ibang nakalagay na numero sa phonebook niya maliban sa numero ni Manang Renata para ma-contact siya nito sakali mang magkaroon ng emergency sa kanilang bahay. Pinagbawalan niya itong ipaalam sa ina ang kanyang contact number dahil parati siyang tinatawagan ng ina para lang manermon bago ito nagpupunta sa pinakapaboritong lugar nito sa buong mundo: ang casino.

Noong bata pa si Alexis, ang paglilibot sa iba't ibang bansa ang nakahiligan ng kanyang ina. Buhay-dalaga ito noon pa man kaya mag-isa lang itong naglalakbay sa kung saan-saan. Nang tumuntong siya sa kolehiyo, nagpasya ang ina na manatili na lang sa bansa. Ikinatuwa niya iyon noong una pero natuto namang magsugal ang ina hanggang sa nalulong na ito roon. Kahit malaki ang sustentong ipinadadala ng senador, may pagkakataon pa ring nagkukulang iyon dahil sa laki ng naipapatalo sa sugal ng kanyang ina.

Muling nag-vibrate ang kanyang cellphone. Iyon pa rin ang ipinadalang text message sa kanya ng nagpakilalang Margie.

Double send pa talaga. How can a woman be proud about not wearing panties? Hindi ba siya nilalamig?

He intended to keep his number private. Pero mukhang may hindi sinasadyang napagbigyan siya ng kanyang numero. Tuwing nalalasing kasi siya, may pagkakataong nawawalan siya ng kontrol sa sarili. At mukhang sinamantala iyon ng Margie na ito na sa malas ay marahil nakasama niya noong lasing siya. Hindi niya alam kung sino si Margie. Ilang babae na rin ang nakasama niya sa nakalipas na mga araw simula nang lumipat siya sa Saint Gabriel Academy. Ang mga babaeng iyon na ang kusang nag-aalok ng sarili sa kanya. At kahit kailan ay hindi niya nakaugaliang tumanggi sa mga mumunting "biyaya".

Mahilig siya sa babae. Iyon ang isa pang namana niya mula sa senador. Pero kahit kailan, hindi niya nakahiligan ang pakikipagrelasyon. Nagka-trauma na siya sa nangyari sa kanyang mga magulang. Bukod pa roon, ayaw niya ng komplikasyon. At sinisiguro niya na nauunawaan iyon ng sinomang babae na nakakasama niya.

Nababagot na nag-type si Alexis sa kanyang cell phone. Gud 4 u, simpleng reply niya.

"Are we disturbing you, Mr. Serrano?"

Nag-angat si Alexis ng ulo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng kanyang professor. Noon niya lang na-realize na nasa kanya na pala ang atensiyon ng buong klase. Ngumiti siya sa mga ito. "No, Sir. Not at all. Please proceed."

Gumanti ng ngiti ang matandang lalaking professor bago ito lumapit sa kanya at inilahad ang isang palad. "Hand me your phone."

Marahas na napabuga si Alexis ng hangin. "I'm sorry, okay? Sinilip ko lang naman ang laman ng message. I thought it was an emergency." Pangangatwiran niya. Ang buong akala niya talaga ay kay Manang Renata nanggaling ang text message.

"I said hand me your phone." Sa pagkakataong iyon ay mas madiin ang boses na sinabi ng professor.

Napailing si Alexis bago tumayo at ibinigay ang kanyang cell phone. Kung sino man ang Margie iyon, lagot iyon sa kanya sa oras na makita niya ito.

Malakas na binasa ng professor ang palitan nila ng mensahe ni Margie. Umugong ang malakas na tawanan at hiyawan sa loob ng klase.

Oh, heck. Sino ka man, Margie, magtago ka na. Because if I see you, I swear I'm gonna wring your neck!

Mayamaya, ibinalik ng professor kay Alexis ang kanyang cell phone. "Hindi ko 'yan kukumpiskahin ngayong araw. I'm feeling a little good today, Mr. Serrano. You should thank your mother. Nag-donate siya ng mga bagong libro sa library. Besides, may panibagong text si Margie. Basahin mo na muna. At habang binabasa mo 'yon, lumabas ka na ng klase. Bukas kapag nakita pa kitang hawak ang cell phone mo, tatalsik na 'yan sa labas. Nagkakaintindihan ba tayo?" Walang nagawang tumango si Alexis pagkakuha ng kanyang cell phone. "Now, get out."

Isinukbit na ni Alexis ang kanyang bag at lumabas na ng classroom. Okay na rin siguro iyon. Mayamaya pa ang susunod na klase niya. May panahon pa siya para makatulog dahil may hangover pa siya mula sa pag-inom noong nakaraang gabi sa bar.

Hindi niya alam kung dapat niyang pasalamatan ang pagiging mapagbigay ng ina sa Saint Gabriel Academy. Alam niya namang iisa lang ang motibo nito sa paggawa niyon: ang magpalakas sa mga professor para sa kanya. Ilang beses nito iyong ginawa noong nag-aaral pa siya sa sekondarya. Binayaran nito ang ilan sa mga naging guro niya para maka-graduate siya. Effective iyon noon pero pagdating niya sa kolehiyo, sadyang napuno na ang mga professor sa kanya.

Anumang gawin ng ina noon ay na-kick out pa rin siya. Pero ngayon ay mukhang doble na ang pagsisikap ng ina para lang sa pagkakataong iyon ay makapagtapos na siya. Napangisi si Alexis sa naisip. At least, kahit paano ay nagagawa niyang ma-distract kahit sandali ang kanyang ina mula sa paglalaro ng poker.

Papunta sana si Alexis ng library para doon matulog nang harangin siya ng isang babae. Pamilyar ito sa kanya pero hindi niya tanda ang pangalan nito. Ang alam niya lang ay ito ang nakasama niya noong araw na may muntik nang mangyari sa kanila sa open field kung saan sila nahuli ni Diana. Ito rin ang kasama niya sa bar noong nagdaang gabi.

Diana. Sa lahat ng mga nakilala ni Alexis na babae, ang pangalan lang na iyon ang hindi nawala sa kinakalawang na isip niya. Madalas niyang marinig ang mga kaklaseng lalaki na pinag-uusapan ang dalaga. Noong unang araw na pumasok siya sa Saint Gabriel Academy, ang dalaga agad ang nakakuha ng interes niya. Nasalubong niya ito sa corridor pero parang may malalim na iniisip na ni hindi man lang siya nito tinapunan ng sulyap. Simula niyon, hindi na nawala pa sa isip niya ang napakaamong mukha ng dalaga.

Nang sumunod na araw, saka niya lang nalaman ang pangalan nito. Hindi iyon mahirap alamin lalo na at kilala ang dalaga sa buong campus. Walang mag-aaral, lalo na sa kalalakihan, ang hindi nakakakilala rito. At hindi naman kataka-taka iyon lalo na at si Diana ang nanalong Miss Saint Gabriel na sa tingin niya ay nararapat lang.

Diana Ferrel was perfection. Mula sa kulay-makopang tuwid na tuwid na buhok nito, sa malaanghel na mukha, sa ginintuang mga mata, sa mga kilay na para bang iginuhit ng isang magaling na pintor, sa elegante at matangos nitong ilong hanggang sa mga maninipis nitong kulay-rosas na mga labi. Malakrema ang kutis ng dalaga na higit na dumagdag sa taglay nitong halina.

Ang buong akala ni Alexis ay wala na siyang kahihiyan sa katawan pero nang ang dalaga mismo ang siyang nakahuli sa kanila ng kasama niyang babae sa open field, sa kauna-unahang pagkakataon ay tinablan siya ng kahihiyan na sinubukan niyang pagtakpan sa pamamagitan ng pang-aasar sa dalaga.

"Alexis, I've been looking for you," sinabi ng babae na humarang sa kanya pagkatapos ay niyakap siya.

Ilang sandaling natigilan si Alexis. Ano nga bang pangalan nito? Nang sa wakas ay makaalala, bahagyang inilayo niya ang babae sa kanya. "Not now, Mary Ann. Pagod ako."

Umawang ang bibig ng babae. "Sinong Mary Ann? I'm Margie, Alexis!"

Kung ganoon ay ito pala ang dahilan kung bakit siya pinalabas ng klase. Agad na naningkit ang kanyang mga mata. "Do you know that your text message was the reason why I had to leave the class?"

Nang makabawi ay mapang-akit na ngumiti na si Margie. "So you mean nagmamadali kang umalis ng klase nang mabasa mo ang text ko? Why? Are you that excited?"

Napailing si Alexis. "On the contrary, it was my prof who got excited. He read your message aloud and told me to get out. Ayoko ng complication. Kaya sa susunod, 'wag ka nang magkakamaling mag-text uli."

Hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang pamumula ng mukha ng babae. Muli siyang napailing. Akmang tatalikuran niya na lang ito nang pigilan siya nito sa braso at bigla na lang siyang niyakap uli. Saka niya nakita si Diana.

Comments

The readers' comments on the novel: Don't Let Me Go, Diana