“WHY did you ask to meet me here out of all places?”
Ilang sandaling pinagmasdan ni Selena si Dean na kahit pa bakas ang pagtataka sa anyo nang makita siya ay awtomatikong kinuha pa rin nito mula sa kanya ang bag at picnic basket na dala niya. Parati iyong ginagawa sa kanya ng binata pero ngayon niya lang napagtuunan ng husto ang ugali nitong iyon.
Siguro ay dahil sa tinagal-tagal ng panahon na nagkikita sila ng binata ay ngayon lang siya nagkaroon ng oras na pansinin ang mga bagay-bagay tungkol rito. Bukod pa roon ay ngayon lang sila nagkita ng walang kinalaman si Adam. Ngayon mas napatunayan ni Selena sa sarili na tama lang ang ginagawa niya. She’s safe with Dean. She knew she will always be. He had always been a true-blue gentleman, anyway.
Mahigit dalawang linggo na ang mabagal na lumipas simula nang huli silang magkita ni Dean sa townhouse niya. At hindi na siya pinatahimik pa ng iniregalo nito sa kanya pati na ng mga salita nito. Kasabay niyon ay nagkaroon siya ng matinding curiosity sa binata, isang bagay na ngayon lang nangyayari sa kanya.
Dahil simula nang mahalin ni Selena si Adam ay wala nang iba pang lalaki na nakakuha ng atensyon niya. Kahit pa si Dean noon na parati niyang nakakasama. Pero mukhang nagbabago na iyon ngayon. At gusto niyang paniwalaan na magandang bagay iyon.
Sa nakalipas na mga araw ay pinasubaybayan ni Selena si Dean sa isa sa mga mapagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama. Inalam niya ang schedule ng binata. Hindi niya alam kung dala lang iyon ng kagustuhan niyang may mapagbalingan mula sa komplikadong relasyon nila ni Adam kaya niya dini-distract ang sarili. Pero hindi na muna iyon mahalaga sa ngayon.
Ang mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ay ang mga nalaman niyang impormasyon tungkol kay Dean. Gaya ng para bang rewind na nangyayari sa buhay nito bawat araw. Sa hindi niya maipaliwanag na rason ay parang bigla ay gusto niyang baguhin ang mga nakasanayan nito.
Gusto niyang tulungan ang binata. Gusto niyang makabawi sa mga kabutihan nito sa kanya sa nakalipas na mga taon na noong mga nakaraang araw niya lang na-realized at sinimulang pahalagahan ng husto. Gusto niyang… mapalapit kay Dean. Gusto niyang bigyan ang sarili ng pagkakataon na makilala ito na tulad ng pagkakakilala nito sa kanya.
And the need to do those things was just too strong that just thinking about it already overwhelms her. Mayamaya ay kumunot ang noo ni Selena. “Did you put a spell or something on the painting?”
Kumunot rin ang noo ni Dean bago ito para bang amused na napangiti pagkaraan ng ilang sandali. “At anong klaseng spell naman kung sakali ang ilalagay ko ro’n?”
I don’t know. I’ve been thinking about you for the last couple of days. Naisaloob ni Selena. Hindi nagtagal ay naipilig niya ang ulo. Ano ba itong pinag-iisip niya? Muli niyang pinagmasdan si Dean. Mukha bang kakailanganin pa ng tulad nito ng magic spell para isipin ito ng isang tao? Dean has his own charm, isang bagay na ngayon niya lang rin na-realized.
Magkasing-taas lang si Dean at si Adam. Parehong six-footer ang mga ito. Moreno si Adam at parating pormal at seryoso ang gwapong mukha nito na nagbibigay rito madalas ng nakaka-intimidate na anyo. He had always been like a king, a corporate king who knew what he wanted and how to get them. Si Dean naman ay mestizo at misteryoso. Naiiba ang anyo nito. Hindi ito masasabing gwapo dahil masyadong maamo at maganda ang mukha nito para tawaging ganoon.
Si Dean iyong tipo ng lalaki na literal na masasabing magandang lalaki, napakagandang lalaki. Panibagong rebelasyon na naman. Dahil ngayon lang iyon napuna ni Selena ng husto. Mahaba ang tuwid na tuwid na buhok nito na lampas balikat nito. Dark brown ang kulay niyon gaya ng mga mata nito. Matangos ang ilong nito at maninipis ang mapupulang mga labi na pagdating sa kanya ay para bang parating may nakahandang ngiti.
“Selena?” Bumakas ang pagtataka sa anyo ni Dean.
Muling naipilig ni Selena ang ulo nang matauhan. Bakit niya ba biglang ikinukumpara si Adam kay Dean?
Nag-iinit ang mga pisnging iginala ni Selena ang mga mata sa kinaroroonan nila ni Dean. Sa sementeryo iyon, sa mismong lugar kung saan napag-alaman niyang nakalibing ang ina ng binata. “Nalaman kong nagpupunta ka rito tuwing Linggo.” Halos pabulong na wika niya mayamaya. “At simula ngayon, gusto ko sanang samahan ka sa tuwing pumupunta ka rito… if you will let me?”
Comments
The readers' comments on the novel: Once Upon A Time