“SO YOU are saying that Dean kissed you? Wow! Isa siyang tunay na Hokage!”
Naramdaman ni Selena ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa sinabi ni Chynna, ang best friend niya mula pa noong highschool hanggang ngayon na may kanya-kanyang trabaho na sila. Mabuti na lang at nasa office niya sila nang mga sandaling iyon. Sa Selena’s iyon, ang mismong shop niya kung saan naka-display ang mga damit na puro siya lang ang nagdisenyo.
Soundproof ang office niyang iyon kaya siguradong walang ibang makakarinig sa kanila ni Chynna kundi ay kanina pa niya tinakpan ang bibig nito. Isang sikat na artista na ngayon si Chynna sa buong bansa. Pareho silang abala lalo na ito pero sinisikap nilang magkita at maglaan pa rin ng oras para sa isa’t isa kahit isang beses sa isang bwan.
Kay Chynna lang ikinumpisal ni Selena ang namagitan sa kanila ni Dean. Dahil ito lang ang mapagkakatiwalaan niya at alam niyang magiging totoo sa kanya. Mula pa man noon ay hindi na ito pabor kay Adam para sa kanya. Pero alam niyang hindi ito kaagad manghuhusga anuman ang sabihin niya. Gaya ng dati ay titimbangin na muna nito ang sitwasyon, isang bagay na hindi niya maunawaan kung bakit hirap na hirap siyang gawin ngayon.
Gulong-gulo na ang isip ni Selena. Simula nang halikan siya ni Dean halos isang linggo na ang nakararaan ay walang araw na lumipas na hindi niya na iyon inisip. At sa mga pagkakataong iyon ay nabubulabog siya ng kakaibang bilis ng tibok ng puso niya na datirati ay sa iisang lalaki niya lang nararamdaman. At… natatakot siya.
Effective ang ginawa ni Dean noong gabing iyon. Totoo ngang na-distract siya sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Pero dahil rin sa halik na iyon kaya hindi na siya tuluyang naka-attend sa fashion show. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkailang sa binata nang itulak niya ito matapos siyang halikan. Pinaalis niya rin ito kaagad. That night, she knew she needed to be alone to think.
But damn it. Puro ang malalambot na mga labi ng binata ang pumapasok sa isip niya. Puro ang mga mata nito na parang puno ng napakaraming emosyon sa tuwing tumitingin sa kanya ang halos hindi nagpapatulog sa kanya gabi-gabi. Ang mga salita ni Dean na para bang parating puno ng pagsuyo sa tuwing kinakausap siya ang paulit-ulit na naaalala niya. At ang mukha nito, kahit pa nakapikit siya ay nakikita niya sa isipan niya.
And now she was stuck with Dean. She was stuck with the memory of their kiss, of his face, of everything about him. Ayaw mang aminin ni Selena pero hindi mabura-bura sa isip niya ang masarap na pakiramdam ng mga labi ng binata sa mga labi niya. Para bang isa iyon sa mga pinakatamang bagay na nangyari sa buhay niya.
At ngayon ay hindi niya na alam kung paano pa muling haharapin si Dean. Mabuti na lang at hindi na sila nagkikita pa. Kahit ito ay hindi rin nagpaparamdam sa kanya na para bang umiiwas rin hindi gaya noon na nakakatanggap pa siya ng tawag mula rito tuwing umaga at tuwing gabi bago siya matulog simula nang maging magkaibigan sila.
At… hinahanap-hanap na niya ang boses nito. Gusto niya iyong muling marinig pero magiging komplikado lalo ang mga bagay kung ipipilit niya ang gusto niya lalo pa at naguguluhan siya sa nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung desperado lang ba siya sa atensyon na ipinagkakait sa kanya ni Adam kaya siya nagkakaganoon ngayon kay Dean. Ganoon pa man ay napaka-unfair niyon para sa magkapatid. God… what have I done?
Comments
The readers' comments on the novel: Once Upon A Time