“DEAN, tell me honestly. What is this all about-“
“Surprise!”
Napamaang si Selena nang sa halip na ang pamilyar na boses ni Dean ang sumagot sa tanong niya ay ibang boses ang narinig niya. Naglaho din ang pamilyar na mga kamay na kani-kanina lang ay marahang umaalalay sa likuran niya. Ibang mga kamay ang pumalit. Walang dudang pamilyar rin siya sa mga kamay na iyon pero bakit… iyong naunang mga kamay ang mas hinahanap-hanap niya? Ang init at kapayapaang hatid niyon ang para bang mas gusto niyang maramdaman ngayon.
Inalis na ang panyo na tumatakip sa mga mata ni Selena. Dahan-dahan siyang nagmulat. Gaya ng inaasahan niya ay si Adam ang siyang nakita niya sa kanyang tabi. Agad na hinanap niya si Dean. Naabutan niya ang binata na naglalakad na palabas ng restaurant.
Dean… Para namang nakaramdam na lumingon sa kinaroroonan ni Selena si Dean. Gumuhit ang matipid na ngiti sa mga labi nito na ni hindi tumagos sa mga mata nito. Bahagya pa itong tumango sa kanya bago ito nagpatuloy na sa paglabas ng restaurant.
Hahabulin na sana ni Selena si Dean nang may kaagad na pumigil sa kanyang braso. Natitigilang napaharap siyang muli kay Adam. Ang isip niya ay nanatili sa nakitang malungkot na mga mata ni Dean. How can Adam be so insensitive? Hindi niya sigurado kung totoo nga ang obserbasyon ni Chynna patungkol sa nararamdaman para sa kanya ni Dean. Hindi niya alam kung totoong pag-ibig nga iyon. Pero alam niyang may punto ang ilan sa mga sinabi ng kaibigan. She realized only that very moment that there was really something with the way Dean looks at her.
Ngayon na lang muling nakita ni Selena si Dean. Sinundo siya nito sa townhouse niya ng alas syete ng gabi. Mayroon daw silang mahalagang kailangang puntahan. Bukod pa roon ay wala nang iba pang sinabi ang binata. Sa buong durasyon ng byahe ay damang-dama niya ang tensyon sa pagitan nila. Pero sa kabila niyon ay masaya siya… masaya siyang nakita itong muli. At excited siya sa kaisipang magkakasama sila.
Pero agad ding naglaho ang excitement na nararamdaman ni Selena ngayon.
Strange. Kay tagal niyang hinintay ang ganoong pagkakataon para sa kanila ni Adam. Ngayong naririto na ang mismong fiancé niya sa kanyang tabi ay hindi niya naman makapa sa puso niya ang sayang inaasahan niyang maramdaman.
“What’s this?” Pormal na wika ni Selena kay Adam. Pasimpleng binawi niya mula rito ang kanyang braso. Inilibot niya ang mga mata sa buong restaurant. Bukod sa tatlong waiter sa isang gilid at sa orchestra ay sila na lang dalawa ni Adam ang mga tao roon.
Inayos sa paraang gusto ni Selena ang buong lugar. Pinaghalong krema at pula ang kabuuan niyon, iyon ang mismong mga paboritong kulay niya. Walang makikitang mga bulaklak sa paligid dahil allergic siya roon. Mabuti naman at kahit paano ay mukhang natatandaan na iyon ni Adam ngayon. Dahil sa ilang mga pinuntahan nila noon ay parati pa itong nagdadala ng mga bulaklak para sa kanya.
Halos mapuno ng makukulay na mga lobo ang kisame habang napakarami namang nagkalat na stuff toys sa paligid… mula sa pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaki. Kahit paano ay napangiti si Selena. Mahilig siya sa stuff toys. Sa pinaka-sentro ng restaurant ay naroon ang mesa para sa dalawa.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nag-effort si Adam para sa date nila. And she knew she ought to celebrate. Pero bakit wala siyang mahanap kahit na katiting mang pagdiriwang sa puso niya?
“’Di ba sinabi ko naman sa ‘yo na babawi ako?” Ngumiti si Adam. “Pasensya ka na at ngayon ko lang nagawa. Kadarating ko lang halos mula sa Singapore. And Dean suggested that-“
Napasinghap si Selena. “Are you saying that Dean made all these?”
“Hindi naman sa gano’n, Selena.” Mabilis na sagot ni Adam. “I really planned to make it up to you this time. Everything was set. I called the flower shop to make arrangements at the newest resort I bought. Doon sana kita planong dalhin ngayong gabi. Gusto ko na ikaw ang unang makarating ro’n. But then, Dean reminded me that you’re allergic to flowers.” Naglihis ng tingin ang binata. “Sinabi niya rin na hindi ka pwedeng mag-overnight sa resort ngayon dahil may mga nira-rush kang designs para sa mga bago mong kliyente kaya dito na lang muna kita dinala dahil mas convenient at dahil dito daw mas malapit sa townhouse mo-“
“How thoughtful of your brother to consider those things. Mabuti pa ang kapatid mo. Kilalang-kilala ako. But you…” Napahawak si Selena sa kanyang noo. “Just how many times do you have to hurt me, Adam?”
Lahat ng bagay tungkol kay Adam ay inalam ni Selena mula sa mga pinakapaborito nito hanggang sa mga pinakaayaw nito. Hindi naman niya hinihingi na kilalanin rin siya nito sa paraang kilala niya ito. Pero iyong ganito na kahit pa ang date nila ay iba ang nagplano, parang hindi niya na kayang sikmurain.
At si Dean… bakit ba hindi na nagulat si Selena na ito ang siyang nagsabi kay Adam ng mga dapat gawin, ng mga bagay na bilang fiancé niya ay dapat alam na nito? At nasasaktan siya para sa kanilang dalawa. Mula noon hanggang ngayon, lumalabas na parating iniisip ni Dean ang kapakanan niya.
Samantalang si Adam…
“Saan pupunta si Dean? Hahabulin ko siya.” Naghihinanakit na tinalikuran na ni Selena si Adam. “Tutal, kami pala dapat ang nagdi-date ngayon, since he was the one who set this up for me. God… Ni hindi ko man lang siya napasalamatan para sa mga ito.”
Comments
The readers' comments on the novel: Once Upon A Time