Login via

Once Upon A Time novel Chapter 8

ANO BA ‘tong ginagawa ko? Naisaloob ni Dean habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Selena. She was kissing him back with tears in her eyes. Dapat ay pakawalan niya na ang dalaga kaysa tuksuhin pa ito, kaysa udyukan pa itong makagawa ng kasalanan sa kapatid niya.

Dahil bago pa man dumating si Dean sa buhay ni Selena ay nakaplano na itong ikasal sa kapatid niya. Hindi man ang dalaga at si Adam ang mismong may plano niyon ay nakasisiguro siya na matutuloy pa rin iyon dahil halos kilala niya na rin ang mga magulang ni Selena lalo na ang ama nito. Alam niyang igigiit ng huli ang gusto para lang maprotektahan ang kompanyang minana nito at para mas palakasin pa ang kapangyarihan at mga koneksyon ng mga ito. Kung kay Adam maikakasal si Selena ay masisigurong mapapanatili ang estado sa lipunan ng bawat miyembro sa pagitan ng dalawang maimpluwensiyang pamilya.

Ipilit man ni Dean ang gusto niya ay sino lang ba siya? Isa lang siyang ampon sa paningin ng lahat. Dapat ay nadala na siya sa nangyari sa mga magulang niya. Pero heto siya ngayon. Dapat ay inihatid niya na lang ang dalaga sa townhouse nito pagkatapos ay lumayo na ng husto rito. Pero hindi niya mapilit ang sarili na gawin iyon. Lalo na ang puso niya na sa dinami-rami ng pagkakataon ay para bang ngayon pa napiling magrebelde.

Dahil missed na missed na ni Dean si Selena. Mabilis niyang nakasanayan ang pagtawag rito noong magkaibigan pa sila. Ang pagtawag rito tuwing umaga para marinig ang malambing na boses nito ang isa sa mga bagay na inaabangan niya. Iyon ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para sa buong araw. At ang pagtawag rito sa gabi ang siya namang nag-aalis sa maghapong pagod niya.

But then the kiss happened and he couldn’t force his self to call her again, kahit gaano niya pa gustuhin. Dahil ayaw niyang mailang sa kanya ang dalaga. Pero aaminin niyang siya man ay sandaling na-distract sa ginawang paghalik kay Selena. Nagawa niyong ipalimot sa kanya ang pangarap na pagtakas sa lahat ng iyon.

Dahil sa halik na iyon, mali man ay inasam ni Dean na manatili na lang sa kung saan malapit ang dalaga. Nang tumugon ito sa halik niya, ipinaramdam nito sa kanya na kahit paano ay patas pa rin ang mundo sa isang tulad niya.

And now that she was kissing him back again, he felt like she was making things right for him again. At alam niyang sa pagkakataong ito ay lalong magiging imposible na malimutan niya ang dalaga lalo na ang halik na iyon. Hindi si Selena ang unang halik ni Dean. May mga nauna na rito. But kissing her makes him feel like it was the first time he ever kissed someone. Ang mga malalambot at matatamis na labi nito, ang mahinang pag-ungol nito, ang lahat-lahat ng tungkol rito ay para bang may taglay na mahika na tumatagos sa kanyang puso.

Mabuti na lang at hindi pa umalis si Dean sa restaurant kanina. Mabuti na lang at siya ang kasama ni Selena ngayon. Dahil sa gabing iyon, sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto niyang iparamdam sa dalaga ang presensiya niya hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang lalaki na nagmamahal rito. Gusto niyang iparamdam rito na hindi lang si Adam ang may kakayahang makapagpasaya rito… siya rin. Kaya niya itong mapasaya. At sa piling niya, hinding-hindi ito masasaktan.

Gusto niya nang lumaban. Gusto niya nang manindigan para sa pag-ibig, para sa kasiyahan na matagal na panahon niya na ring ipinagkakait sa sarili. Gusto niyang bigyan rin ng pagkakataon si Selena para may mapagpilian… para may ibang mapagtuunan ng pansin maliban kay Adam.

Gusto niyang si Selena ang mismong magpasya ng tama o mali. Gusto niyang dito mismo manggaling kung titigil na ba siya o hindi. Ipapaubaya niya rito ang desisyon. Kung sasabihin nitong sumuko at tumigil na siya, titigil siya, gaano man iyon kahirap. Susuko siya, gaano man iyon kasakit.

Bahagyang humiwalay si Dean kay Selena. Idinikit niya ang noo sa noo nito. “Hindi pala assurance na por que sinunod mo ang sinasabi ng isip mo, tama na ang magiging desisyon mo. Bakit ako? I followed my mind and I tried to avoid you.” Halos pabulong na sinabi niya. “But it didn’t feel right. It never felt right.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Comments

The readers' comments on the novel: Once Upon A Time