Login via

The Fall of Thorns 2: Austin McClennan novel Chapter 10

“GOOD THING you came. Naabutan mo pa ako rito,” walang siglang bungad ni Maggy kay Austin nang mapagbuksan niya ng pinto, eksaktong apat na araw matapos nang naging pagkikita nila ni Benedict. Ngayon lang muling nagparamdam ang binata. Ni hindi ito nagte-text o tumatawag. And all those times, all she held on were liquors. Dahil sandali niyang nalilimutan ang mga masasamang nangyari sa buhay niya sa pamamagitan ng mga iyon.

Bukas ay aalis na si Maggy pabalik sa Nevada sa tulong na rin ni Radha. Nakapagdesisyon na siya at ipagtatapat niya kay Yalena ang lahat maliban sa nararamdaman para kay Austin. Hindi niya kayang patuloy na ilihim ang tunay na sitwasyon ni Benedict sa kanyang kakambal. Kailangan na din nitong matuklasan ang katotohanan. Isang malaking pagkakamali ang pagbabalik niya sa bansa para sa plano nila. At kailangan na nilang itigil iyon.

Justice will never be served. Ever.

“Aalis ka?” gulat na sinabi ni Austin. “Pero hindi pa naman tapos ang anim na buwan na bakasyon mo. Saan ka pupunta?”

“Anywhere far away from here,” ani Maggy bago tinalikuran na si Austin at bumalik sa kanyang kwarto para ituloy ang pag-empake.

“I know everything now,” mahinang sinabi ni Austin mayamaya. Nang lingunin ni Maggy ay nakita niya itong nasa bukana ng pinto ng kanyang kwarto habang nakayukong nakapamulsa.

“Really?” Hindi na siya nasorpresa pa. Hindi na mahirap hulaan ang bagay na iyon base sa mga nangyari noon sa Olongapo at sa ilang araw na hindi pagpapakita ni Austin na ni wala man lang pagpapaliwanag. Mapait siyang napangiti. “Congratulations, then.”

Nalaman na rin ni Maggy mula kay Clarice na inosente ang magkakapatid na McClennan tungkol sa ginawang pang-aagaw ni Benedict sa shares ng mga Alvero at de Lara sa kompanya. Ipinagtapat iyon sa kanya ng kaibigan nang puntahan siya nito sa condo unit niya bago sila nagkita ni Benedict. Pineke umano ng huli ang mga dokumento. Pinalabas nito sa mga anak na legal nitong binili ang shares mula sa dating mga kasosyo, katulad mismo ng pinalabas nito kay Carla. Inamin din sa kanya ni Clarice ang tungkol sa diaries ni Benedict kung saan nakasulat daw ang buong katotohanan.

Nang ipagpilitan pa rin ni Maggy sa kaibigan na siya mismo ang tatapos sa buhay ni Benedict ay doon umusbong ang galit ng kaibigan.

“Do that, by all means. And I swear, Maggy, you will lose me!”

It was still a wonder how love can change a person, how that four-letter-word can soften one’s heart.

Ilang sandali pa ay naramdaman ni Maggy ang marahang pagyakap ni Austin mula sa kanyang likuran.

“You can hate my father all you want but please…” Nabasag ang boses ni Austin. “Don’t include me on your hate list. It isn’t my fault that he and I are related, Maggy.”

Naramdaman niya ang paggalaw ng mga balikat ng binata palatandaan ng pag-iyak nito. Isinubsob nito ang ulo sa kanyang balikat. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagpatak ng luha nito sa kanyang balat. Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi.

“I am so sorry. I can’t even begin to tell just how sorry I am. Hindi ko alam kung paano sisimulang tanggapin ang lahat. Ilang araw na akong mabaliw-baliw sa kaiisip. Hindi ko rin magawang magpakita sa `yo kaagad. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi man lang. Dahil anuman ang gawin ko, ano man ang ibigay ko, magkukulang pa rin—”

Binaklas ni Maggy ang mga braso ni Austin sa kanyang baywang. Pilit na pinatatag niya ang boses nang muling magsalita. “I will be fine. Just give me back my family’s shares—”

“Dala ko na ang mga papeles. Pirmado na ang mga ‘yon. I put all my shares in the company under your name. Inayos na ang mga iyon ng abogado ko. Iniwan ko ang envelope sa sala bago kita sinundan dito—”

“That’s great.” Tumango-tango si Maggy. “Makakaalis ka na kung gano’n. Nakuha ko na ang mga kailangan ko. I... I can take it from here.”

“Just like that?” Anguish was evident in Austin’s voice.

Nilingon ni Maggy ang binata. Muling sumalubong sa kanya ang pamilyar na mga matang iyon ni Benedict na sa malas ay namana pa ni Austin. Gusto niyang tawanan ang sarili. Paulit-ulit na lang siyang pinaglalaruan ng tadhana. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Austin pa ang minahal niya. Paano niya nagawang mahulog sa mukhang iyon na siyang nasa likod ng kamatayan ng mga pinakamahahalagang tao sa buhay niya?

Pero habang patuloy na pinagmamasdan ang binata ay na-realized niyang kakaiba ang sa tuwina ay ipinaparating ng mga mata ni Austin. His eyes were always replete with warmth. They were always filled with love and kindness unlike Benedict’s. And it bothered her most knowing that the latter was still succeeding up to that moment.

Because Benedict was still ruining her. Ang pagkakaiba lang ngayon ay nadamay na rin sa kasamaan nito ang mga anak na nasasaktan din dahil sa mga ginawa nito. Great. Marami na pala silang biktima kung ganoon. Hindi na lang silang tatlo nina Clarice at Yalena. Pero wala pa ring hihigit o papantay man lang sa sakit na pinagdaanan nilang mga nawalan ng mga mahal sa buhay. At hindi pa iyon nararanasan minsan man ng mga anak ni Benedict.

Namasa ang mga mata ni Maggy. She wanted so much to reach out to the broken man in front of her. Dahil sa kabila ng lahat ay hindi niya pa rin ito matiis na nakikitang nagkakaganoon nang dahil sa kanya. May bahagi niya ang gustong kalimutan na lang ang mga nangyari. Kung siya lang ang masusunod, gusto niya na ring makatakas sa sakit at galit na nararamdaman. Pero ang hirap. Ang hirap-hirap. Parating kumakalaban sa kanya ang tadhana. Destiny never made her win, not even once. And now Cupid was against her as well. He made her fall for a McClennan.

Gustong-gusto niyang tanggapin si Austin at tapusin na pareho ang mga paghihirap nila. Pero sa oras na ginawa niya iyon ay hindi na siya kahit kailan makababangon sa pagkakalubog. Paulit-ulit na lang niyang maaalala sa pamamagitan ng binata ang mga kasalanan ng ama nito sa kanyang pamilya.

“Yes, Austin,” mayamaya ay sagot niya sa kabila ng pamumuo ng bara sa kanyang lalamunan. “Just like that.”

Chapter 10 1

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan