Login via

The Fall of Thorns 2: Austin McClennan novel Chapter 9

“HINDI na kita masusundo pa. Pero may ibang magsusundo sa `yo bukas nang umaga. May kailangan lang akong asikasuhin ngayon kaya napaaga ako ng dating dito sa rest house. Pero `wag kang mag-alala, ako ang unang sasalubong sa `yo sa pagdating mo rito, kasama ang mga magulang ko.”

How is it possible that despite my own pain, my own burdens, I can still feel yours? naisaloob ni Maggy bago pagod na pagod na isinandal ang ulo sa headboard ng kanyang kama. Hinayaan niyang pumatak ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak simula nang magtalo sila ni Clarice sa kwarto niya.

“May problema ba?” namamaos ang boses na nagawa pa ring itanong ni Maggy. Austin’s voice was unexpectedly sad that night. No, sad was in fact, an understatement. Austin sounded lifeless.

“Mahal na mahal kita, Maggy,” sa halip ay sagot ni Austin.

Naipikit niya ang nananakit na mga mata nang marinig ang pagsuyo sa boses ni Austin sa kabilang linya.

“You can break me and everything that I have, sweetheart. But please, not my heart. Spare it.”

Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi. She can never break Austin’s heart without breaking hers. Dumilat siya at napatitig sa litrato ng mga magulang sa bedside table.

Sa nakalipas na mga taon, araw at gabi, ay walang sandaling hindi siya nangulila sa hustisya. Nangulila siyang makalaya mula sa pagkakabilanggo sa sakit sa puso niya. At magiging posible lang ang paglayang iyon sa oras na maipakulong na nila si Benedict, makuha ang mga ari-arian nito gaya ng ginawa ng lalaki sa kanila o hindi kaya ay makuha ang mismong buhay nito gaya ng ginawa sa mga magulang niya.

Nang planuhin ni Maggy ang paghihiganti ay pumasok ang bagay na iyon sa kanyang isipan, ang kitlin din ang buhay ni Benedict. Tutal, kahit gawin niya iyon ay kulang pa rin iyon dahil dalawang buhay ang walang awang kinuha nito sa kanila ng kakambal niya.

Back then, she wouldn’t hesitate to kill him in whatever way she can, she was willing to go that far. At sa nadiskubreng kasalukuyang kondisyon ni Benedict ay alam ni Maggy na magiging posible ang plano niya… Kung hindi lang biglang nakialam ang kanyang puso. Pero naniniwala pa rin siyang hindi nararapat kay Benedict ang sakit na dinaranas nito. Napakasimpleng kaparusahan lang niyon kumpara sa laki ng mga kasalanan nito.

Hindi, ilang sandali pa ay nagrerebeldeng naisaloob ni Maggy. Hindi ko sinimulan ang lahat ng ito para lang tumigil dahil lang sa letseng pagmamahal na ito.

“Nang mahalin kita, may na-realize ako,” pagpapatuloy ni Austin sa malambing pa ring boses. “Love is just like running a business. It’s risky. Nakakatakot, nakaka-excite at nakakatuwa at the same time. And then there will be times that you’d feel... powerless over the situations you never saw coming. Ganoong-ganoon mismo ang nararamdaman ko ngayon.”

Mapait na ngumiti si Maggy. Iyon din mismo ang kanyang problema. “You’ve been talking in riddle since you called, Austin.”

“Am I?” anang binata bago ito nawala na sa kabilang linya. Busy tone na ang sumunod na narinig niya.

Kung hindi lang siya masyadong nanghihina dala ng mga natuklasan ay siguradong tatawagan niya ang boyfriend at uusisain. She would have never given up until she discovered what his problem was. Pero hindi niya iyon magawa.

Damang-dama niya ang panghihina ng puso at isip niya nang mga sandaling iyon. At kung hindi niya pa ipapahinga kahit sandali ang isip ay baka bumigay na siya.

Ibinaba na ni Maggy ang cell phone. Mayamaya ay inabot ang litrato ng mga magulang at idinikit sa kanyang dibdib bago marahang pumikit. Muli niyang hinayaan na bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Mommy… Daddy... pagod na pagod na po ako. Out of all the things I’ve been through for the past sixteen years, today’s events are the most exhausting.

NAITAKIP ni Maggy ang kamay sa bibig nang ang unang bumungad sa kanya sa hardin ng rest house ng mga McClennan ay mismong... Si Benedict. Katulad ng sinabi ni Austin noong nagdaang gabi ay sinundo nga siya ng isa sa mga tauhan nito at inihatid sa malaking bahay na iyon na gwardiyado.

Nang maigarahe ang sasakyan ay sinalubong si Maggy ng isang katulong at inihatid hanggang sa hardin. Hindi niya inaasahang si Benedict kaagad ang makikita roon. Mag-isa lang ito sakay ng wheelchair.

Umalis ang nurse ng matanda nang makita siya pati na ang katulong na nag-assist sa kanya papunta sa hardin.

What is happening here? Dahan-dahan siyang lumapit sa nakatulala lang na matanda. Wala na anumang bakas ng pagiging malupit sa anyo nito. He now looked so fragile. Sino ang mag-aakala na ilang beses sa buhay nito ay nakapatay ito?

Parang binabayo ang dibdib na lumapit si Maggy sa wheelchair ni Benedict at hinawakan ang magkabilang gilid niyon. Her instinct was to push the wheelchair away. Or just shoot him with the gun on her bag. Puno ng galit at sakit na dinukot niya ang kanyang baril at itinutok sa lalaki.

Napasigok siya. “Every time I miss my parents, I kill you in my mind, Benedict. And it sucks, you know. Because I can only do that in my mind. Heck, I’ve been planning your murder since I was thirteen!”

Tuluyang humagulgol si Maggy nang maalala ang butihing mga magulang. Walang bagay na mas sasakit pa para sa isang anak na malamang walang awang pinapatay ng iba ang mga magulang nito. Naninikip ang dibdib na napaluhod siya. Pero kung gagawin niya ngayon ang ginawa ni Benedict noon, para niya na ring ipinaranas kay Austin ang mga naranasan niya. Nanginig ang mga kamay niya sa naisip. Muli siyang napahagulgol bago niya dahan-dahang ibinaba ang baril. Parang napapaso na lumayo siya sa wheelchair.

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan