“CLARICE didn’t know the extent of all the informations I have read in our father’s diaries, bro. Hanggang maaari ay iniiwasan kong mapag-usapan naming mag-asawa si Dad.” Bumuntong-hininga si Alano sa kabilang linya. “Mahal ako ng asawa ko, sigurado ako sa bagay na iyon. I was just afraid that talking about our family might ruin the atmosphere here.”
“I’m just going to talk to her, Kuya,” pagpupumilit pa rin ni Austin. Palakad-lakad siya sa condo unit ni Maggy. Halos masiraan siya ng bait nang paggising ay wala na roon ang lahat ng mga damit ng dalaga. Ang naiwan na lang sa unit ay ang envelope sa sala.
Hindi kinuha ni Maggy ang mga dokumento maliban na lang doon sa may kinalaman sa kompanya. Sa kabila ng pag-aalala, nakaramdam siya ng pagmamalaki para sa babaeng pinakamamahal. Maggy was one selfless woman.
Nang magpunta si Austin sa reception at nagtanong doon ay napag-alaman niyang nirentahan lang pala ni Maggy ang unit. Bayad na raw nito ang mga buwan na inilagi nito roon at hanggang ngayong araw na lang daw ang dalaga doon.
Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Posibleng bumalik na ang dalaga sa Nevada o posible ring nasa Pilipinas pa rin ito at sadyang lumayo lang sa kanya. At iyon ang hindi niya makakaya.
“Hindi basta kung sino lang ang pinag-uusapan natin dito, Kuya. We’re talking about your wife’s best friend Maggy who just left me.”
“All right,” anang Kuya Alano niya matapos ang ilang segundong pananahimik nito. “Magsisimba na muna kami ni Clarice. Pumunta ka na lang dito bago magtanghalian. And, bro, I know you’re hurt. Believe me, I’ve been through that. Pero ingatan mo sanang magbanggit ng kung ano na maaring makasakit kay Clarice. I love the woman, Austin—”
“Kuya, bakit tayo ang kailangang sumalo sa mga kasalanan ni Papa?” wala sa loob na putol ni Austin sa mga sasabihin pa sana ng kapatid. Nagsimulang mag-init ang mga mata niya nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet. What he and Maggy shared on that bed was the most wonderful thing that ever happened to him.
The emptiness that he had felt for the past years was replaced with something utterly beautiful when Maggy came in his life. Binigyan ng dalaga ng kulay, saya, at kahulugan ang buhay niya. Before he found out the truth, every moment he spent with her felt like an incredible joyride. Maraming nabago sa kanya sa pagdating nito pero lahat ng pagbabagong iyon ay nagustuhan niya… at minahal niya.
Pero ngayon na damang-dama ni Austin ang pagkawala ng presence ng dalaga, pakiramdam niya ay nakasakay pa rin siya sa isang kotse na bigla na lang nag-malfunction sa gitna ng isang napakahabang daan. Pakiramdam niya ay naiwan siyang nakabitin sa ere. And unless another car came and help him fixed the problem, he would remain stagnant and anxious in the middle of the lonely road. Unless Maggy comes back, he would remain lifeless. Dahil tinangay ng dalaga ang lahat sa kanya sa pag-alis nito. Including his joy, his heart, and his soul.
“Hindi naman tayo ang nagnakaw. Hindi rin tayo ang kriminal dito. Lalong hindi tayo ang may utang. Pero tayo ang sinisingil at tayo ngayon ang nasasaktan.” Kumuyom ang mga kamay ni Austin. “You and Clarice worked it out together. Why can’t Maggy and I work it out as well?”
“Austin…” Alano’s voice was suddenly edgy. “Hindi ko rin alam. I’m sorry. But maybe… this is destiny’s way of saying that every life story is different. Hindi pwedeng pare-pareho dahil magkakaiba ang tao. Kahit nga kami ni Clarice, hindi ko pa rin sigurado kung saan hahantong. And I’m scared too, you know.” Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga sa kabilang linya. “Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan niya kayang intindihin at tanggapin ang nagawang kasalanan ng mga magulang natin.”
Natigil sa pag-iisip si Austin nang matanaw ang pagkukulitan nina Clarice at Alano sa kusina ng bahay ng mga ito. Parehong mukhang masaya ang mag-asawa. Hindi mababakas ang itinatagong takot ng kuya niya sa mga pangyayari. Nagpunta siya roon gaya nang napag-usapan nila ng huli. Nasa bahay na siya ng mag-asawa pagdating ng mga ito mula sa pagsisimba.
“You, two, looked pathetic, happily pathetic,” may halong inggit sa boses na sinabi ni Austin. “And it’s making me crazy.”
Natawa lang si Clarice samantalang si Austin naman ay sumandal sa hamba ng kusina. Si Alano ay nagkunwaring abala sa paghahanda ng mga gulay na iluluto nito para sa kanilang tanghalian. Mayamaya ay parang wala siya roon na naglambingan ang mag-asawa hanggang sa wakas ay naalala na rin ng kapatid na naroon siya.
“Austin, bro, bakit ka nga pala naparito? Kung `di mo napapansin, nakakaistorbo ka na,” pabiro pang sinabi ni Alano pero alam ni Austin na iyon ang pasimpleng hudyat ng kapatid sa kanya para buksan ang usapin tungkol kay Maggy.
Hanggang ngayon ay nasosorpresa pa rin siya sa pagbabago ng kapatid. Datirati ay wala itong pakialam sa nararamdaman ng iba. Pero ngayon ay makikita sa mga mata nito ang pag-aalala para sa nararamdaman ng asawa. Kunsabagay, sa tindi ng pinagdaanan nina Clarice, Maggy at Yalena, sino ba naman ang hindi magiging sensitive sa nararamdaman ng mga ito?
Kung kaya nga lang na akuin ang paghihirap ni Maggy ay ginawa na ni Austin nang mismong sandaling natuklasan niya ang katotohanan.
“I met a girl and fell for her,” sagot ni Austin. Pinagmasdan niya si Clarice na bigla na lang nanahimik. Kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig mula sa hawak nitong pitsel at uminom. Marahas na napahinga siya bago nagsimulang maghabi ng kwento. “One silly night, we got drunk. She made me sign something. Ang akala ko, marriage contract kaya pinirmahan ko. Paggising ko kinabukasan, wala na siya. Wala na rin ang pera ko sa bangko at ang buong shares ko sa kompanya.”
“What?” Nilingon siya ng kapatid. “Hindi ka man lang ba nagduda? You just let her do that?”
“It was my first time to fall in love, Kuya. It was my first time to be with a woman. Wala akong alam sa mga komplikadong bagay. Malay ko ba namang pagnanakawan niya ako? But she’s really lovely, thief and all that.”
“What’s her name?” pag-udyok pa ni Alano.
“Maggy. Maggy de Lara.”
Naibuga ni Clarice ang iniinom na tubig pagkabanggit niya sa pangalan ng kaibigan nito. Sandaling nagtama ang mga mata nina Austin at Alano nang marinig ang malakas na pagtikhim ni Clarice nang makabawi na ito. “E-excuse me for a while. I… just need to go to the bathroom.”
Nang umalis si Clarice sa kusina ay sinundan ito ni Austin. Naabutan niya ito sa sala. “May kilala ka bang Maggy de Lara, Clarice?”
Nahinto sa paglalakad ang babae.
“Alam mo bang kakaiba siya sa mga nakilala ko? She’s cruel and a tease. Pero sa nakalipas na mga buwan na nagkasama kami, unti-unti, nasilip ko ang totoong pagkatao niya. Those negative things I’ve mentioned, those were just her defense mechanism to protect herself.” Mapaklang napangiti siya nang dahan-dahang humarap sa kanya si Clarice. “Ayaw niyang maging mahina. She was so afraid to show the real her that’s why she put a mask on every single day, pretending she’s strong.”
“Austin—”
“Five days ago, ipinakilala ko si Maggy sa papa ko. I saw how she pointed a gun to the old man.” Nanlaki ang mga mata ni Clarice. “Nakita ko kung paano siya magalit. But amid that, I saw her pain. I saw… her heart.”
Tumulo ang mga luha nito pero gumuhit ang proud na ngiti sa mga labi pagkalipas ng ilang sandali. “Yeah, that’s my best friend. I’ve always hoped that she’d never dare hurt anybody. Pero ang sinabi mong pagkuha niya sa shares mo nang walang abiso, hindi iyon si Maggy, Austin.” Napailing pa ito. “Dalawang klase ng tao lang ang pinakaaayawan niya sa mundo. Ang mga taong walang awa kung pumatay ng tao at ang mga magnanakaw.”
In short, she only hates the likes of my father. Napayuko si Austin sa mga narinig, sapol na sapol ang puso niya sa hindi sinasadyang patama ni Clarice.
“She will never take what isn’t hers.”
“Because she never really took anything. Hinuhuli lang kita kung aamin ka.” Narinig ni Austin ang malakas na pagsinghap ni Clarice. Nag-angat siya ng mukha at nakikiusap na tinitigan ang huli. “Alam ko na ang lahat, Clarice. I was just desperate that I had to make up stories because I knew you are my only access to her right now. Iniwan niya ako kaninang umaga. At nagmamakaawa ako sa `yo, Clarice. Please tell me her plans. Sabihin mo naman sa akin kung saan siya pupunta.”
Bumuka ang bibig ni Clarice at magsasalita sana nang tumunog ang telepono malapit sa kanila. Salubong ang mga kilay na nilapitan nito iyon at sinagot ang tawag. Ilang sandali pa ay namutla ito. “Oh, God!” Muling tumulo ang mga luha nito. “I will be there as soon as I can, Radha.”
Kumabog ang dibdib ni Austin. Minsan niya nang narinig ang pangalang iyon sa bibig ni Maggy. “Ano’ng nangyari?”
“Naaksidente raw si Maggy,” nanginginig ang boses na sagot ni Clarice. “Kritikal daw ang lagay niya ngayon.”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan